Maaga akong nagising. Nasanay lang kasi ganitong oras talaga ako gumigising.Mukhang tulog pa ata silang lahat, tahimik pa kasi. Tiningnan ko ang cellphone ko at 4 am pa pala.
Narinig kong kailangan naming gumising ng maaga kasi may morning praise and worship na magaganap mamaya.
Magkatabi kaming natulog ni Yannie. Isa sa dahilan kung bakit nagising ako ay ang daming lamok. Wala kasing electricfan dito at ang init rin,walang kuryente dito kasi bukid na ang lugar na ito.
Tulog na tulog parin si Yannie, matagal kaming natulog kagabi kasi ang dami niya pang chika sa'kin pero tinulugan ko na siya.
Narinig ko pa nga na yung ibang kasama nalang namin ang kinausap niya kahit naman hindi niya yun close ang mga yun.
Puro babae lang kami dito sa kwarto, nasa harap ng kwarto namin ang kwarto ng mga boys.
Yung iba, sa tent lang sila natulog. Sana nagdala nalang kami ng tent noh?mukhang malamig ata sa labas kaya masarap duon matulog.
Lumabas ako at mukhang tulog pa nga ang mga lalake naming kasamahan.
Dumiretso ako sa isa pang bahay kubo, dito yung para naming kusina. Andito lahat ng mga kailangan sa pagluto.Namili ako ng pwedeng lutuin para sa almusal namin.
Patay talaga ako nito, hindi pa naman ako nagpaalam na magluluto ako, haha. Pero bahala na nga, inisip ko kasing may praise and worship pa kami mamaya,ang dami pang activities na gagawin kaya mas mabuting makapaghanda na ng almusal.
Nagluto ako ng hotdog, ham, itlog at niluto ko rin ang tinapay na may margarine. Pang-almusal lang na mga ulam, tinansya-tansya ko nalang ang pagkaing lulutuin ko sa dami namin.
Naglakad ako papunta sa kwarto namin para kumuha ng jacket kasi ang lamig sa labas. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nina Lyde.
Barbara? napatawag ka? may kausap siya sa kabilang linya. ahh, andito din pala kayo? sige, sige...sana nga makita kita. Hahaha, miss mo na ako noh? matulog ka na nga! natatawa niyang sabi at pumasok na ulit sa kwarto nila.
Barbara? ano 'to, bagong girlfriend niya na naman? break na ba sila ni Anne? o pinagsabay niya ang dalawa?
Yung babaeng tinawagan niya ay nandito rin? siguro childhood friend niya.
Tahimik akong naglakad pabalik sa kwarto namin para kunin yung jacket ko.
Leigh, what time is it? ang aga mo namang gumising. inaantok na sabi ni Yannie.
Malapit na mag 5, bumangon ka na dyan at tulungan mo ako duon sa kusina.
You're cooking?
Oo, tapos na. Tulungan mo nalang ako sa hapag-kainan para paggising ng iba makakain agad sila. sabi ko habang inaayos yung zipper ng jacket.
You're acting like a mom, ganyan ka ba sa bahay niyo?
Of course, ako lagi ang gumagawa sa gawaing bahay kaya bumangon ka na dyan kasi kung hindi. at tinuro ko yung hanger. tatama yan sa pwet mo.
Wag, mama! sorry na po. we both laughed.
Sabay naming nilinisan ang mesa, ang iba gising na at tinutulungan rin kami sa paghanda, at ang iba naman ay naligo na.
Mga apat na lalake lang ang bumangon at yung iba, tulog pa...kasama na duon si Lyde at Gerald.
Eh kasi naman, ang ingay nila kagabi. Rinig na rinig sa kwarto namin ang tawanan nila, mga pagtatalo at asaran.

YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
NonfiksiSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...