I am destined to protect her, to keep her safe and to love her more than what she deserves.Saksi ako kung paano siya sinaktan ng mga taong nakapaligid sakanya. Saksi ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ng puso niya, at masaya ako na saksi parin ako kung paano siya nagbago at naging matapang. She has a soft characteristics, a pure heart.
I know how she deals with the people who always hurt her. Kilalang-kilala ko siya, hindi siya mahirap basahin. Sa pagmamasid lang sa mga galaw niya, nagkaroon agad ako ng ideya kung anong klase tao siya. She is very kind and humble, so humble that she sometimes forget herself and think about others more than herself.
And I thank God for this life. I thank God for giving me life because I want to give her this, my everything. I love protecting her, I love to care of her. I just love her the way she is.
I was wondering about my purpose in life and God answered that question when He gave Leigh in my life. I learned to love this life when I learned to love to her.
Takot na takot akong iwan siya, iniisip ko pa lang na mag-isa lang siya at walang kasama, mamamatay na ako sa pag-aalala. Takot na takot akong masaktan siya, ayaw na ayaw kong may manakit sakanya.
Gustong-gusto kong masaktan alang-alang sa kapakanan niya. Sa'kin nalang lahat ng sakit, wag lang talaga sakanya.
All my life, puro kabalastugan lang ang ginawa ko. Babae duon, babae rito. Tanging pasakit lang ang naibibigay ko sakanila at panandaliang kasiyahan. Hindi ko man lang naisip na bibigyan ako ng Diyos na mamahalin ko.
To love someone is more than enough, Lord. Hindi ko na ipinagdasal na mahalin ako kasi hindi ko naman yun deserve, pero hindi ko alam paano ko kayo pasasalamatan nang ibigay niyo ang babaeng ito sa'kin.
"She bring color into my life" I made that as a laughingstock before and now, I understand that it's true, I've experienced it personally.
I treasure her so much, she is so precious. Simula nung nakilala ko siya, laging kong ipinagdadasal sa Diyos na kunin niya lang lahat ng bagay at tao sa buhay ko, wag lang si Leigh...kasi hinding-hindi ko kakayanin.
At totoo nga ang sinabi nila na kung saan ang kahinaan mo, dito ka titirahin. It will test how strong you are and f*ck! she is my strength. Paano susubukin kung hanggang saan lang ako eh nung nawala siya sa'kin, parang nawala narin ako sa mundo. You don't need to test me when it comes to her, talong-talo na ako kapag siya ang gagamitin niyo laban sa'kin.
It doesn't make sense at all, ilang beses kaming nag-usap pero hindi ko talaga maintindihan ang rason niya. Kailangan bang isipin ang ibang tao kapag mahal mo ang isang tao? putangina! kailangan bang mang-iwan kapag tutol ang mga tao sainyo? putangina lang talaga!
Siya lang naman ang inisip ko, walang nang iba. Kung anong meron kami, yun lang ang importante sa'kin. I'm blinded with the things that surrounds us when I'm with her. Siya lang ang tanging nakikita ko dahil siya lang naman ang nagbigay ng silbi sa buhay ko pero bakit ganon? bakit nang-iwan nalang bigla?
Leigh, wala akong laban sa'yo, mahal na mahal kita. Kinaya niya ang nangyari, mas nasaktan ako. Sana ganon lang din kadali para sa'kin, hindi yung aabot sa panahong 50/50 nalang yung buhay ko.
How can your problem be the reason for you to still fight? sa panahong nag-aagaw buhay ako, wala akong tanging inisip kundi siya lang. Dahil gusto ko parin siyang protektahan, gustong-gusto ko parin siyang mahalin kahit walang kasiguraduhan ang lahat.
Ilang taon kaming hindi nagkita, wala akong ideya kung siya parin ba ang Leigh na minahal ko. Yung inosente and malambot na Leigh na minahal ko. And I always pray for that, just don't change her attitude Lord despite the situation and the years that passed.

YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
NonfiksiSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...