FROM: Lyde
What is it baby? sorry nalowbat yung phone ko, ‘di ko nakita.
Ngayong umaga pa siya nagtext tas kagabi pa ako tawag nang tawag sakanya. I just want to ask him if he can help us to track ate Rina. Mitch told me magaling daw sila ni Gerald sa mga ganon.
If I only have Gerald's number hindi ko na siya inabala kasi mukhang ayaw niya talaga maistorbo sa bonding nila kagabi nina Barbara. Mukang ang saya niya habang kasama ito at nag-iinuman pa. I can't believe him.
Napakasinungaling talaga! ang dami pang sinabi sa'kin at naniwala naman kaagad ako. Hindi ko mabilang ilang beses niya sinabi na "trust me" pero ano ngayon? sa isang iglap nasira lahat ng mga pangako niya.
Halos hindi ako makatulog kagabi sa sakit na aking naramdaman nang masaksihan ang kasiyahan niya habang ako dito, ‘di na malaman kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung mababalik pa ba ang tiwala ko sakanya kasi ngayon pa lang parang hindi ko na siya mapagkatiwalaan.
Hindi na nga ako nakapaglinis ng bahay kagabi kasi pinilit ako ni mama na matulog nalang, buong akala niya may sakit ako kaya ayaw niyang maglinis ako ng bahay.
Nak, sigurado ka bang okay ka lang? pwede naman akong liliban muna sa trabaho para ako na muna dito sa bahay.
Ma naman, wala po akong sakit talagang pagod lang sa mga nangyari kahapon.
Ano bang nangyari kahapon nak?
A-ahh, sa school lang po.
Sabay na kaming umalis ni mama kasi nag-iba ang schedule nito sa trabaho.
Hindi na pala kayo sabay ni Lyde? umiling lang ako sa biglaan niyang tanong.
Siguro nga magkasabay sila ni Barbara ngayon. Malapit lang naman ang bahay nina Lyde sa apartment kung saan tumitira sina Barbara.
Yannie told me that last night, pumasyal kasi ito sa bahay kagabi at dumaldal pa ‘tong mama ko na hindi ako okay kaya nagtaka tuloy si Yannie. Sabi pa niya baka ang puso ko daw ang hindi okay dahil dumating na si Barbara, tss.
Muntikan na akong mapamura nang makita si Lyde na sumakay sa scooter niya. Pilit kong tinatago ang mukha ko gamit ang aking buhok.
Lord, bigyan niyo na po kami ng jeep na masasakyan, please lang po.
Maya't-maya akong tumitingin sakanya at hindi naman niya kami nahalata.
Si Lyde ba yun nak? sumabay ka na kaya sakanya para hindi ka na malate.
Ano ka ba ma, nakakahiya.
Magkaibigan naman kayo ah.
‘Di po kami ganon kaclose.
Hindi ko na naalis ang tingin ko sa direksyon niya nang biglang sumulpot si Barbara. He waved at her. Masaya namang lumapit si Barbara.
May pinag-usapan sila at nakita kong nagpapacute ang bruha kay Lyde pero umiling lang ito at nagpaalam na.
Dali nak, sumabay ka na...hi, Lyde!
Uy! hello po. napaiwas ako ng tingin. nag-aantay po kayo ng jeep?
Oo, kaya lang malalate---
Ma...at mahinang kinurot ang kamay nitong nakahawak sa aking braso.
Sabay ka na sa'kin, Leigh. Kayo po, okay lang po ba kayo?
Oo naman, si Leigh nalang. at tinulak pa ako.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
Não FicçãoSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
