Lyde? oh my gosh! napatigil ako sa pagsasayaw nang marinig iyon.
Barbara?! long time no see. binitawan niya ang kamay ko at dahan-dahan kong ring binaba ang kamay ko at pinagsiklop habang pinapanuod kung paano niya ito yakapin. namiss kita ah.
Agad akong napaiwas nang tingin nang patuloy parin silang magyakapan.
His girlfriend? maybe...
Come on, Leigh! biglang sabi ni Yannie habang hataw na hataw.
I smiled a little. Sumayaw ako ulit pero normal nalang, parang inantok ako bigla o...nawalan talaga ng gana?
Ewan ko ba, minsan naiisip ko nalang kung buntis ba ako kasi moody ako lately, paano nga ba mabuntis ang isang tao?
Ilang beses ko silang nilingon. Nakahawak ang babae sa braso ni Lyde, halatang masaya sila sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
Hinila siya nung babae at naglakad sila paalis, tawa parin nang tawa ang babae sa mga sinasabi ni Lyde.
Hayaan mo na. bulong nito.
H-huh? patay malisya kong tanong.
Childhood friend niya yan. I met her before. kwento nito. Gusto ko pa sanang magtanong ng marami tungkol dito pero pinigilan ko nalang ang sarili ko, baka mahalata ni Yannie na nakikichismis ako sa buhay ng babaeng yun.
I'm just curious.
Defensive!
Totoo naman eh, are there any reason aside from being curious? wala naman, diba?
Kapagod! sambit ni Gerald habang pinupunasan ang pawis. nag-usap lang sila saglit.
I...didn't ask. nag-aalangan kong sagot at tumawa lang ito.
Parang nagtatanong ang mukha mo Leigh. Huwag kang mag-alala kilala ko yung babae, kaibigan namin yun...at kaibigan lang.
Yeah? may mali ba kung kaibigan lang? kunot-noo kong tanong.
Wala naman, baka kasi jowa ni Lyde ang pagtingin mo kay Barbara.
Then? my thoughts about her is not important and besides, it's impossible na hindi naakit si Lyde,yun pa. nakangisi kong sabi at naglakad paalis.
They are explaining about Lyde and that Barbara, eh wala naman akong tinatanong sakanila ah?
Agad akong nagbihis, hindi ko na inantay pa si Yannie. She's busy talking to her friends from other churches.
Ang dami niyang kakilala, she's friendly rin pala like Mitch. I really miss that b*tch already, ano
kayang ganap nun sa buhay?
Baka pagbalik ko may jowa na yun ah, jusko po! wala pa namang pinipili ang babaeng yun.
Lyde is always asking me ano daw ang pabango ko kahit 'di naman talaga uso sa'kin ang pabango. Hindi sa allergic ako pero hindi ko lang talaga gusto ang amoy nito, nangangati ang ilong ko. Sinabihan niya pa ako na mabaho daw tapos tinanong kung ano ang pabango ko. Minsan talaga noh, naiisip ko nalang kung kakalabas lang ba sa ospital nung lalakeng yun, baliw lang?
Lumabas ako at hindi parin tapos sa pakikipag-usap si Yannie. Tumingin ito sa'kin. Lalagpasan ko na sana ito nang bigla nitong hawakan ang braso ko at hinila ako sa tabi niya.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
Non-FictionSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
