I am.....calling her. napatigil ako sa pagsusulat sabay upo ng maayos nang marinig yun.
W-what?
Nothing, magstudy ka na para makatulog ka ng maaga kasi matutulog narin ako. hindi na ako sumagot at hinintay nalang na ibaba niya yung tawag.
Kinagat ko yung ballpen ko habang malalim na iniisip ang ibig sabihin ng sinabi niya.
This can't be. I'm not his type for sure, mali lang ata ako ng iniisip. I just misunderstood it.
Hindi na ako nakapag-aral ulit, walang pumapasok sa isip ko kasi laging bumabagabag ang mga katagang yun sa'kin.
It's just nothing, Leigh! inaasar ka lang nun so don't be affected or.....I'm just overthinking or being assuming? urgh!
I hate him, everytime na inaasar niya ako ng mga ganon naaapektuhan ako, parang nag-aassume ako, eww!
Maybe I should ask Mitch about this, she's an expert when it comes to this. Yun nga lang, mas marami ang asar niya kaya advice, tss. I need advice Mitch for goodness's sake, hindi yung i-sship mo ako kay Lyde.
Maaga parin akong nagising kahit wala kaming klase. Suspended muna yung classes namin for the mean time. Halos lahat din ng mga estudyante at mga magulang nito natakot. Ang iba nagtransfer na nga sa ibang school.
May mga pulis parin kasi ang nag-ooperasyon duon ngayon. May nahuli silang isang matandang lalake at yun yung bumaril kay Lyde.
He's in a critical condition kaya sinisikap nilang mabuhay pa ito para makakuha ng ebidensya. As of now, ito nalang kasi ang pag-asa ng mga pulis upang malaman kung sino ang lider at kung saan sila nagtatago.
Kalat na kalat na sa balita ang insidenteng nangyari. Mukhang lahat ng tao ay nagpanic na lalo na yung mga naninirahan malapit sa school namin.
Naabutan ko si ate na may kausap sa telepono. Nasa office siya at nang makita niya ako pababa, inirapan niya ako ng mata at pumunta sa labas ng bahay.
Mukhang ayaw niya atang marinig ko ang pag-uusap nila. Hindi din naman ako makikinig noh, at sino ba yang kausap niya na ayaw niya talagang marinig ko ang usapan nila?
Nak, wala kang pasok?
Wala ma, suspended for the mean time dahil sa nangyari. paliwanag ko.
Mabuti naman kung ganon para hindi kami mag-alala sainyo. Balita ko nasa ospital si Lyde, kamusta siya? hindi pa naman ako nakapagpaalam kay mama kahapon na pinuntahan ko yung mokong sa ospital.
Nakuha na daw ata ang bala sa tiyan niya, nagpapagaling lang po. ayaw kong mag-explain ng marami baka mahalata niyang alam na alam ko, haha.
Ganon ba? kailan makakauwi?
Hindi ko alam, pero aabutin pa ata ng ilang linggo, ma.
Kawawa naman. Bakit ba siya nadamay? andon ka ba sa pangyayari nung nagkagulo? tanong na naman nito.
Nakauwi na po ako nun, ma. Sila po kasi yung nagsumbong sa mga pulis at gusto niya pong tumulong kaya ayun nadamay. hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari kung bakit siya nabaril.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
Non-FictionSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
