Nagising akong magaan ang pakiramdam, like there is something in my heart that comforts me. Though lagi naman akong masaya, but today is different.
Iba ang gising ko, ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon at parang kakaiba, ngayon ko lang ito naramdaman.
Maaga akong nagising, I don't know but I can feel excitement without knowing the reason. This is the first time na excited akong pumasok ah, siguro swerte ako ngayong araw na ito, tss.
Tapos na ako sa pag-aayos sa sarili ko. I've already checked my bag too kung kumpleto na ba ang lahat ng gamit ko.
I also put sunscreen on my face, mabuti nga at dahan-dahan nang kumukonti ang freckles ko, 'di gaya last week na ang dumi tingnan ng mukha ko, psh!paniguradong aasarin na naman ako ni Lyde tungkol dito, ang dumi pa naman daw tingnan, mas madumi ang pagkatao niya noh!
Morning mama kong maganda!
Good morning din maganda kong anak! at tinuro ang pagkain para sabayan ko na siya.
Maaga tayo ngayon ah, may assignment kang tatapusin?
Ahh wala po, may project lang sa school.
Actually, hindi nalang ako bumalik sa pagtulog at gumising nalang para hindi ko na maabutan si ate Rina. Kinda rude but, I don't want her to ruin my mood today. Masaya ako kaya ayaw kong makasabay muna siya ngayon kasi alam kong gagawa talaga yun ng paraan para masaktan ako.
Mamaya pa yun gigising, wala naman siyang pasok at dito lang din siya sa bahay nagtatrabaho kaya okay lang na mamaya pa ito gigising.
Kadalasan, pagising ko wala na si mama kasi maaga ang pasok niya sa trabaho kaya ako lagi ang nagluluto ng almusal namin ni ate. Hindi naman yun marunong magluto, señorita yun dito sa bahay. Pati nga pag-saing nalang hindi pa magawa. 'Di yun naaasahan sa bahay. Kapag sasabihan siya ni mama na maglinis ng bahay, lagi niyang sinasabi na siya daw ang maglinis pero kami daw ang magpainting. Always playing victim, tss.
Wala pang ulam nak, okay lang ba sa'yo na pandesal lang ang kakainin?
Okay lang po ma, walang problema. babawiin ko nalang sa kain ko mamayang lunch, haha.
Wala ka ring baon, naku! gusto mo magluto nalang ako?
Wag na ma, sa labas nalang ako kakain kasama yung classmate ko.
Mabuti naman at may nakakasundo ka sa room niyo.
Oo po ma, mabait po siya sa'kin kaya hindi ako na-OOP. kasi dati sa room namin, ako lang talaga ang laging naiiba sa grupo. Lagi akong mag-isa, nasa gilid lang at ayaw rin ako pansinin ng mga kaklase ko kasi weirdo daw ako.
Besides, I don't need their attention and having a friend is not important to me. Kampante na ako na ako lang, wala ka pang poproblemahin. You don't need to adjust, you have peace of mind, having a time to do whatever you want.
Pero ngayon na nakasama ko si Mitch, masaya din pala na magkaroon ng kasama. Masaya din pa lang may lagi kang nakakausap sa klase, may lagi kang kasamang tumawa at higit sa lahat, yung pakiramdam na may karamay ka lagi.
Masaya ako anak na sinasanay mo na ang sarili mo sa mga tao, tama yang ginawa mo. 'Di pwedeng habang buhay ka nalang mag-isa lagi, kailangan mo rin mag-asawa.
Mama! hindi naman ito ang dahilan ko ihh. tinawanan lang ako. Parang gusto na ata niyang magkaapo eh. Well, pasensya na ma pero hindi ko talaga yan mabibigay sa'yo.
YOU ARE READING
A Decade Of Drumbeat
NonfiksiSienna Leigh Douglas is an introverted girl. She's always quiet, and she always watches her actions before doing them. She's scared to hurt people because she was hurt too. Her life is at peace, though she's experiencing pain because of her sister w...
