Chapter 2: Happiness

14 1 0
                                        


Leigh...he called me softly. This is the first time he called me by my name. He wants to annoy me that's why he keeps calling me "Douglas", my surname.

Binawi ko ang braso ko. I was nervous when I felt the gentleness in his touch, like he's very careful not to hurt me.

Umalis ako sa harapan niya at mabuti naman hindi ito umangal.

Lakad lang ako nang lakad, ang lupa lang ang tinitingnan ko. Nakakahiyang iangat ang ulo ko tas makita nilang pumupula ang mukha at ilong ko.

Aww! mahina kong sabi nang mabunggo ako sa isang babae kaya dumiretso ang pwet ko sa sahig.

Ay! hala miss, I'm so sorry. Naku naman, pasensya na talaga medyo masakit na kasi tiyan ko wala akong kain kaya nagmamadali ako papunta sa canteen. patuloy parin siya sa pagsasalita habang ako, pilit na tumayo pero hindi ko talaga kaya. Ang sakit ng pwet ko, jusko po! parang dumikit na ito sa lupa, ang hirap tumayo. hindi kasi ako nakapagluto, alam mo naman yung mama ko, hindi talaga nagluluto, gusto niya akong maging responsable kaya dapat ako ang mag---ayy, kailangan mo ng tulong? napabuntong-hininga nalang ako sabay tango habang nakapikit, iniinda ang sakit.

She offered her hand and pulled me up. Pinagpagan ko yung pwetan ko baka may dumi.

Sorry talaga...teka! umiyak ka?! naku po, hindi ko naman yun sinasadya, miss. nag-aalala niyang sabi. ipapaguidance mo ba ako? kitang-kita sa mga mata niya ang pag-ppanic.

No, why would I do that? para yun lang?

Salamat naman. sabay buntong-hininga. hindi ko kasi alam anong mga rules niyo dito, transferee kasi ako, hehe. kaya pala hindi siya naka uniform. a-ahh, galit ka pa ba? umiling ako. bakit ka umiiyak? looks like she'll never stop until I'll tell her the real reason.

It's not because of you. simple kong sagot para sana makampante na siya pero...

Sino palang umayaw sa'yo? sinuntok ka ba? sabay tingin sa buong katawan ko. wala namang pasa, pati sa mukha mo---kaya lang may parang dumi. kunot-noo niyang sabi at tiningnan ang magkabilang pisngi ko pati narin ang ilong ko.

Freckles. halos lahat ng mga hindi ko kakilala tinatanong ako about my freckles.

Talaga? may ganon ka? may ibang lahi ka pala? sunod-sunod niyang tanong.

Tatay ng mama ko.

Ahh, ang cute mo.

I'm not. nahihiya kong sabi.

You are! mas lalo kang gumanda dahil sa freckles mo, nakakaattract tingnan. The combination of gorgeous and cute, pak!at tinaas ang baba ko gamit ang likod ng kamay niya.

I smiled, don't know how to respond.I'm really shy, especially to strangers.

Nerd ka?

Do I look like a nerd? I wondered.

Hindi naman, mahiyain at mahinhin ka kasi. Kulang nalang magsuot ka ng malaking salamin. then she laughed. I wonder if my style is like a nerd? mukha ba akong nanay kung manamit?

Tiningnan ko ang suot ko, nakauniform naman ako kaya okay lang. Pero kung nasa bahay ako, nanay ba akong manamit?

Inangat ko muli ang tingin ko sakanya at nakangiti na siya. I looked at her eyebrow, her cheeks, lips, also the color above her eyes. Make up, pwede ba sa school yun?

A Decade Of DrumbeatWhere stories live. Discover now