P02

25.1K 915 248
                                    

Krystal's POV

Natapos na ang klase namin sa pang umaga. Last two subjects nalang din kami sa hapon. Pero halatang lutang parin ako dahil sa nangyare kanina sa first subject. Lagi naman akong attentive and naka focus pero di ko alam bakit sa bawat pag titig niya sakin ay parang may kung ano akong nararamdaman. Ang hirap, I can't even put it into my words.

Nakaramdam ako ng bahagyang pagkurot sa dibdib ko. Hindi ko talaga maintindihan, parang gusto ko nalang umalis sa classroom na to at lumayo sakanya. Para akong kinakapos ng hininga. Nag bigay lamang siya ng introduction para sa unang topic namin sakanya, I could say she's not just a beauty. Damn may katalinuhan din itong taglay.

The way she speaks, not only elegant but may laman. Alam na alam niya kung paano ito ieexplain at para bang may autoridad ang tono ng boses nito at dahil lahat kami ay talagang nakikinig sakanya.

"Miss Lawson, after your last subject for this morning I want you to go to my office. I have some important things to discuss with you." Matapos marinig ang pag tunog ng school bell ito ang sinabi niya bago pa siya tuluyang lumabas.

Ayaw ko nga sabi siya makasama pero bakit naman ganito lord. Basta ang alam ko ang familiar ng mata niya pero hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko na hindi ako comfortable sakanya.

"Hoy! Ang lalim naman ata ng iniisip mo Krystal? Hindi mo pa nagagalaw ng maayos yang pagkain mo. Kumain ka nga." 

Napa balik sa realidad ng marinig ko ang boses ni Lydia, nakaramdam kasi ako ng kaba nang maalala ko ang huling sinabi niya bago umalis ng classroom. Lydia then eyes on me suspiciously, saaming magkaibigan siya talaga ang parang nanay kung pagalitan pa kami daig pa ang biological parents naming lahat. But we are so lucky to have her you know, kung wala siya baka chaotic na lalo tong circle of friends namin.

"Pero ang hot ni Ma'am Cervantes tumingin sayo ha? Halatang nasira mo talaga ang araw niya today." Hirit ni Regina habang kumakain ng fries.

"Ang sexy niya magalit, sana wala siyang boyfriend. Kunin ko agad kaya number niya?"  Agad na binato ng fries ni Regina si Lucas.

"Tanga hindi yun magkakagusto sayo halata namang conservative at sophisticated niyang tao. May standard ikaw wala." Akda ni Regina na ikinatawa naming lahat.

"Hoy, may s-standard din ako no!" 

"Oh talaga, where?" 

"Secret, bakit ko sasabihin sa unggoy na katulad mo?" Pagaasar sakanya ni Lucas, nailing nalang ako habang natatawa.

"Just get married nalang, mukang bagay pa kayo." Sabi ko sakanilang dalawa na ikinatigil ng mundo nila, para kasi silang pinagbagsakan ng lupa sa sinabi ko. Ganun na ba sila karindi sa isa't isa?

"Ew, mamatay nalang ako. Gosh, pahingi ngang alcohol, Lydia parang nalagyan ng germs bigla itong kamay ko." Biro ni Regina pero binigyan parin siya ng alcohol ni Lydia.

"Grabe na talaga ang buhay ngayon, wala ka ng kakampi sa mundo."

Pero impossibleng walang boyfriend yun sa gandang meron ba naman siya. Pero I wanna erase my thoughts regarding that. I don't wanna believe in the norms na kapag maganda may boyfriend agad. I strugged my own thoughts ng makita kong papalapit samin ang President at Vice President ng Student Government Association.

It was Levi, the president at Allison, the vice president. Rumors says na they are in a relationship since our 3rd year days. Pero since we are kinda close with them agad naman nila itong itinanggi. Si Lucas kasi bukod pa sa pagiging gago ay napaka daldal nito dinaig pa minsan ang babae pagiging marites. Minsan nga mas nauuna pa siya samin sa mga chismis.

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon