P15

14K 526 34
                                    

Krystal's POV

Today magaganap ang pinaghahandaan ng lahat ang Sports Festival at Music Festival. Since I already decided with the song ito narin ang magiging way ko to confirm entirely my feelings for Miss Cervantes. Ang daming araw akong naconfused, nalilito at hindi maintindihan kung ano ba talaga nararamdaman ko.

But its better to be sure kaysa mag assume at magmadali. When it comes to love I take risk but before I take risk I wanna confirm everything first.

After ng usapan namin ng boyfriend ni Miss Cervantes madaming tanong ang bumuo sa utak ko. But I need to shrugged it off before I find the answers. For now I wanna focus first sa kung ano ang current at dapat kong gawin.

"Stal?" I saw Levi na papunta sa gawi ko habang tinawag nito ang pangalan ko.

"Hey Levi! Masyadong busy ah?"

Since nga part sila ng Student Council masyado silang naging busy nila Allison para magasikaso. Hindi pa ganon ka okay si Eira but she already woke up kaya medyo nabawasan narin kahit papano ang iniisip ni Allison.

He chuckled. "Sobrang busy, but can I see you pagkatapos ng Music Fest mamaya? I just want to say something important sayo". I heard how her voice shifted to a nervous tone.

"Magkausap naman na tayo. Why don't you tell me right now?" 

"Madami pa akong gagawin eh. Tsaka importante to sobra. Please? Can you spare a minute for me?" His eyes were glittering, but I could still tell na para siyang kinakabahan.

I slightly nodded. "Sa backstage susunduin kita ha? May gagawin pa ako, see you!" Nagmamadali nitong sabi dahil tumakbo na siya papunta sa office nila.

All of the students were required na umattend ng opening ceremony dahil meron daw rin silang mga importanteng announcements. Aminin man natin nakakaantok talaga minsan ang mga ganito lalo na kapag yung speaker ay ang haba ng sinasabi.

"One of our opening speaker for today is one of the people that the school have been supporting every since within his career. His passion and creativity went through the hearts of a lot of people. We are proud to say that this guy made Lockwood University as one of his journey throughout his works. Let us introduce to you the one and only, Mr. Carson Lopez"

"Holy cow ang gwapo!"

"Pakasalanan mo ko!"

"Sir ang gwapo mo patapak po!"

Bulyaw at sigawan ng mga istudyante at ikinailing ko nalang pag dating talaga sa mga ganyan ang bibilis ng mga tao. I took a glimpse on the stage and I saw that he was wearing a formal attire which makes him stand out more because of his mature and masculine looks. He's also wearing a spec and nakaayos ang buhok nito.

"Shit Stal! Ang gwapo niya!" Isa pa tong si Regina na nakikisabay sabay may kasama pang palo sa braso ko.

"I heard he have his own museum for his Artworks grabe ang swerte siguro ng girlfriend niya no?" Mas swerte si Carson kay Miss Cervantes pwe.

Hindi ko na naintindihan ang iba niyang speech dahil wala naman talaga akong balak pakinggan siya. Ang tanging natindihan ko lang ay thank you and welcome tapos wala na. Ewan ko ba bakit ako naiirita sa existence niya kahit wala naman itong ginagawa sakin. After ng opening ceremony nagtungo agad kami sa kanya kanyang gawain habang ako ay abala sa pag aayos sarili dahil first game kami.

"Are you nervous?" I mentally cursed when I suddenly heard a voice from behind.

Pucha papatayin ata ako nito sa kaba eh! But I managed to composed myself ayokong iniisip niya na naghihina ako kapag nakikita ko siya.

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon