Krystal's POV
"I expect you to do your homework and your deadline will be on monday. Class dismissed." Inayos ko na agad ang gamit ko at nagmamadali na dahil di ko ata kaya na nasa iisang lugar lang kami.
"Lawson, help me with my things." Napapikit nalang ako. Ito ang iniiwasan ko. After kasi ng eksena kanina sa cafeteria halos mabugbog ang paa ko dahil kakasipa nito. I mentally rolled my eyes kasi as if namang may feelings siya talaga sakin. Nagsinugaling nga diba?
Tahimik kong kinuha ang gamit niya at sinundan na siya patungo sa office niya.
"You can put it here in my desk." Inilapag ko na agad na hindi parin kumikibo.
"I will go na po for my next class." Deretso kong sabi bago makalabas.
"Guinevere." Nagsimula nanaman manakit ang dibdib ko. Siya lang ang tanging tumatawag sa pangalan ko na parang ayaw ko na ulit marinig.
"Can you stay? Can we talk?" Hindi ako magiging marupok. Ang unfair sa side ko na siya ang unang lumapit pero parang ako ang nagsusuffer.
"I'm sorry but I'm late for my class." Hindi ko na hinintay siya magsalita at lumabas na agad dahil baka pigilan niya pa ako.
You're doing a great job, Krystal. Tama lang to. You tried to listen but in the end she still lied diba?
Nagtawag ng meeting ang buong department namin at halos ng istudyante ng 4th yr class para sa kurso namin ay nasa auditorium. Mukang may importanteng event nanaman na gagawin at mangyayare. Ah ito nanaman ang uneasy feeling, alam mo ba yung parang kinakabahan ka bago pa may mangyare?
Ito yun eh, na parang nalalaman na agad ng sarili mo na may mangyayaring pwedeng hindi mo magustuhan.
"We're here to officially announce that we will going to have a pageant for this year. We wanted to get ready ahead of the time that's why we called for this meeting para masimulan agad." Pagpapaliwanag ni Miss Elise. Mukang siya ang head organizer for this year.
"The theme for this year would be Royalty."
Hindi ko na naintindihan ang iba pang detalye dahil parang nililipad ang utak ko dahil sa babaeng nasa harapan na walang ibang ginawa kundi titigan at irapan ako. Yung totoo bipolar ka ba Miss Cervantes?
Why is she even here in the first place? Nakakaalis, ang laki laki ng department at buong university pero parang ang liit lang ng space para sa aming dalawa.
"I would like to vote for Krystal na maging representative for this year."
"Sis I agree! Then si Levi ang magiging partner niya. Sure win agad!" Parang nabuhay bigla ang katawang lupa ko dahil sa pinagsasabi nila.
"Hindi ako bagay sa mga ganyan. Wala kong talent. Okay na ako sa pag kanta at volleyball no." Dipensya ko agad.
"Stal hindi ka na nag agree these past few years. Baka pwede mo na kami pag bigyan last year naman na eh." Hirit pa nung isa na nag agree pa ang iba. Yung iba ay halos kuminang pa ang mga mata para lang pumayag ako.
"How about you Levi, payag ka ba?" Lahat ng atensyon napunta na sakanya.
"Well, I will only agree if si Krsytal ang partner ko." He smiled that made everyone shouted na may halong kilig pa. Ghad, I wanna get out of here. Friends lang naman kami ni Levi, why they are acting like this?
"Quiet!" Isang sigaw ang nagpatahimik sa lahat dahilan para mapatigil sila. Sumama ang aura nito at matalim ang titig kay Levi.
Well siguro pwede narin ako pumayag since last year narin naman na namin. Gusto ko naring sagarin ang sarili ko dahil alam kong hindi na ito mauulit kapag puro trabaho na ang inatupag ko. Plus kilala ko naman magiging partner ko kaya lessen na ang awkwardness.
BINABASA MO ANG
Peculiar [PSLU #1] [GL]
Romance[ A story of Krystal Guinevere Lawson. ] #1 Secrets remain unfazed until the broken part of keeping it gets revealed. With their past, a connection will be built between the two collided architects making their way of sketches into a reality. Will l...