P23

12.5K 496 151
                                    

Krystal's POV

"Gusto mo pa ba mag lunch?" Ngiti nitong tanong at agad akong tumango. "Okay, libre ko na gaya ng sarili ko kanina baka mamaya ibigay mo pa cash mo."

Syempre libre na eh. May pera rin naman ako ngayon kaso iba talaga pag libre, mas masarap ang pagkain. Gaya nga ng usapan namin kanina we were supposed to have our lunch outside pero late na kami natapos nila Miss Elise. Ang weird nga eh, dapat saglit lang yung meeting pero para lang sa kanta ay umabot kami ng dalawang oras sa pagpipili.

"Nung nakaraan si Shaun ang kasama niya ngayon naman si Levi."

"Pero mas bagay si Levi at Krystal. Pareho ng matalino at magaling pa kumanta plus na yung looks"

"Mas bagay kaya sila ni Shaun. Mas ship ko sila!"

Bulungan ng magkakaibigan na nasa likod lang namin pero di ko alam kung bulong ba talaga yun kasi rinig na rinig ko. Wala na ba iba ginagawa mga tao ngayon kundi pagusapan ang ibang tao? Gusto ko man sila sawayin pero tinatamad nalang din ako kasi alam kong kahit anong sabihin ko hindi rin naman ata nila papakinggan.

"Stallie!" Sigaw na umaalingasaw sa buong cafeteria na agad kong sinamaan ng tingin.

"Sorry" Lucas said while making a peace sign. Magkakasama pala mga tropa ko buti nalang nandito sila at dumating baka ano pa isipin ng iba kung kami lang ni Levi nandito at mas pagusapan pa nila kami.

"I told you there's nothing going on between them. Si Shaun at Krystal talaga." Bulong ulit ng nasa kabilang table at biglang may kung anong bumulabog at hinampas ang mismong table nila.

"Do you guys enjoy gossipping that much?" Nanggigil nitong tanong. 

It was Daniella at umiwas ng tingin ang mga nasa kabilang table dahil mukang nag lilihab na sa apoy ang mga mata nito. Lumapit agad ako para pigilan pa siya gumawa ng eksena dahil lahat ng mga tao dito nakatingin na especially rin na Professor siya.

"Miss Cervantes. Hayaan mo na. Pinagtitinginan ka na." Inismiran naman niya ako at hinawakan ko ang kamay nito at ramdam ko naman na unti-unti itong kumalma.

"Detention after your lunch." Sambit nito sa mga to at nag walk out na. 

Naiwan naman akong nakatayo at napabalabi nalang dahil  sa inasal niya, bumalik nalang rin ako sa table namin dahil pati ang ibang istudyante ay natahimik sa ginawa niya. Nag muka tuloy semi library tong cafeteria sa katahimikan.

"Minsan ang sweet, minsan nilalandi ka, minsan possessive, minsan galit, minsan pasan mundo. Yung totoo anong problema ni Miss Cervantes?" Iling iling na tanong ni Lucas

"Tanong mo ewan ko kung makapalag ka." Naghahamon na sabi ni Regina.

"Ayoko gusto ko pa magasawa no!" Angal agad ni Lucas

"Sa muka mong yan magkakaroon ka pa ng asawa? Tanga over my dead body itataya ko pa buhay ko. Kawawa magiging asawa mo." Mapangasar nitong sabi. Gusto ko na silang batukan dalawa.

"Hoy baka sayo ang magiging kawawa. Sadista na mapanakit pa!"

"Tama na yan kakain na tayo." Pagaawat agad ni Lydia na tumigil naman ang dalawa. Umupo na ulit ako dahil dumating naman na si Levi dala dala ang order niyang pag kain bahagya pa nga itong nagulat na nakaupo narin sila Lydia sa table namin.

"Miss Cervantes is really protective when it comes to you." Bulong nito sakin pagkaupo.

"Maybe she's like that because I'm her student." Pagpapaliwanag ko. I don't know hindi pa ako ganon ka comfortable na sabihin sakanya kung ano ba talaga nangyayari samin ni Daniella.

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon