P36

11.9K 426 447
                                    

⚠️ WARNING: There are some scenes that might not be suitable for you. Please read at your risk as it might trigger you.

Krystal's POV

Nagising ako sa sinag ng ilaw na pilit tinatapat sa mata ko. Sinubukan kong gumalaw pero mukang nakatali ang aking mga kamay patalikod, sibukan ko rin ibuka ang bibig ko pero wala rin akong mailabas na salita dahil naka tape ang bibig ko.

Minulat ko paunti-unti ang aking mga mata, nagkalat na kahoy ang aking nadatnan at merong mga armadong lalake sa bandang pintuan na may dalang baril.

Pilit kong inaalala ang huling nangyare, sila ba ang dahilan bakit nakarinig ako ng putok ng baril?

Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang nangyayare ngayon, nasa isang warehouse ako. Mukang ako lang ang dinakip at pakay nila dahil pilit kong hinahanap ang tatlong huling nakasama ko. Wala sila, wala ni isang anino ni Doc Tristan, Lydia at Daniella. Silang tatlo ang huling tumawag sa pangalan ko, pero wala sila dito.

Wala ring 2nd floor ang hapag na to, halatang planado din ang lahat ng ginagawa nila. It seems like they are just waiting for the right moment.

"Gising ka na pala. Mabuti naman." A baritone voice caught my attention. Ilang beses ko na ba nasasabi ngayon na puro pamilyar na tao ang nakakasalamuha ko ngayon?

Alam kong kilala ko ang lalakeng nasa tapat ko ngayon, hindi ko lang maintindihan at maalala kung sino dahil naka mask ito at naka cap at tanging mata lang niya ang nakikita.

"Familiar ba ako? Oh come on, sarili mong kadugo di mo kilala?" Nanglaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ito.

Pinipilit kong alisin sa isip ko, pinipilit kong ipagsawalang bahala ang nasa utak ko. Impossible, hindi....hindi dapat. Hindi maari. I trusted him ever since when I was a child. Hindi naman diba? Please prove me wrong.

Tinanggal niya ang tape na nakaharang sa bibig ko. Tila nakaramdam ako ng kaunting hapdi sa aking labi at tumawa ito sa reaksyon ko.

Isang demonyong tawa na kahit kailan, hindi ko inaasahang maririnig sakanya.

"T-tito." Nanghihinang sambit ko.

Isang kurba ng mahabang ngiti ang lumabas sa kanyang labi. Tinanggal na nito ang mask at cap niya, tuluyan akong naiyak nang makumpirma kung siya nga.

"W-why are you doing this? Anong ginawa ko sayo!" I shouted with all my might habang pinipilit alisin ang tali na nakalagay sa aking mga kamay.

"Ikaw ba? Sayo ba galing ang mga mensahe na yun?" I tried to make myself composed. Hangat maari pinipilit kong maging kalmado.

Pinaimbestigan ko na to with Attorney Sandoval, we had hints na baka ang isa sa mga sumusunod sakin ay part ng pamilya ko na gahol sa pera ng parents ko. Pero hindi ko akalain na ang taong pinaka kaclose ko ang gagawa nito sakin.

"I don't do incest shits, my niece. I'm just here for a revenge. Plus, I'm not the mastermind here. Kanang kamay niya lang ako at yung tao na yun ang mismong nagbibigay sayo ng mensahe. Curious ka na ba?" Tumawa ulit ito na may halong pang asar na para bang hindi siya yung tito na nakilala ko mula pagkabata. He's different, all I could sense to him was anger and madness.

Bumukas ang pinto na naging dahilan para mapunta ang atensyon namin dun, nanglaki ang mata ko dahil sa hawak hawak nilang lalake na pilit pumipiglas sa mga armadong lalake.

"K-krystal." Mahinang sambit nito.

Tinulak nila siya sa mismong harapan ko ito, halos wala itong lakas at pinipilit paring tumakas at tumayo.

"Don't hurt yourself more, Levi. Kung sana nanahimik ka nalang. Hindi ka ulit madadamay dito." Sinuntok nito si Levi ng malakas sa bandang sikmura na naging dahilan para maubo ito ng dugo.

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon