P20

14.1K 476 158
                                    

"What do you think about this flower? Cute right?" Tanong niya while looking happily sa hawak niyang bulaklak. Tumango ako at ngumiti.

"It reminds me of you" She smiled back.

"If I die, I want you to give me this in my funeral. Ayoko ng mga common flowers. Para may iba naman." Sumimangot ako sa sinabi nito.

"You can't die yet."

"What will you do if I did?" Tinignan ako nito sa aking mata na parang sinusuri ang sagot ko.

"I will die with you." I answered.

---

Krystal's POV

I decided na kausapin nalang mamaya si Daniella after this event. Ang pangit naman kasi if we will both leave it hanging after that kiss. It was intense I couldn't feel that it was all pure of lust, there was love and hope. Mamaya ko nalang siguro siya iconfront dahil parehas kami busy for the last day ng fest.

Nag decide kaming mag tropa na kumain muna sa labas banda sa may kanto na puno ng streetfoods. Namiss ko rin ito dahil last time na kumain ako nito ay kasama pa si Daniella. Napailing ako dahil naalala ko nanaman ang itsura niya na puno ng judgemental.

Bago pa man kami makalapit sa mismong bilihan ay may nakita na kaming babae na nakatalikod. Likod palang pero alam mong maganda na siya, of course its no other than Avery. The famous beauty of the masscom.

"Avery!" Pagtawag ni Lucas sakanya.

May kasama ito sa tabi niya and when they both turned around. It was a breathtaking view. Kailan pa puno ng maganda ang school na to?

Pinasadahan ko sila ng tingin bigla akong nanglamig ng makita ko yung kasama ni Avery na masamang tinitignan si Lucas. Oh, I think we just ruined their moment.

"Lucas." Mahinang sambit nito pagkatapos lumingon dahil may laman pa ang bibig niya.

"Kasama ko mga tropa ko, sino yan jowa mo yan?" Pareho silang nabilaukan na ikinatawa namin at parehas pang masama ang tingin. They look cute.

"Tangina umayos ka nga hindi no, si Caroline nga pala." Isa isa niya kaming pinakilala dahil familiar na samin si Avery. Childhood friend kasi siya ni Lucas and since most of our families ay mahilig sa gathering, minsan ay kasama rin family ni Avery. The other girl which was Caroline was too quiet at mukang busy sa pagkain niya.

Biglang nagring naman ang phone ko at kumunot ang noo ko dahil unregistered number ito but I decided to take the call dahil baka importante.

"Where are you?" Malamig ang tono ng boses na to at alam ko agad kung sino.

"Nasa may labas kami sa may streetfo--" Hindi pa natatapos ang sasabihin ko dahil bigla nitong binaba. I mentally rolled my eyes. Ang cute mo talaga Daniella kahit ang sarap mo ng ihagis sa buwan.

Nagsimula na kami kumain at bago ko pa maubos ang nasa baso ko ay may babaeng tumikhim sa likod ko.

"Daniella." Nalunok ko bigla ang kinakain ko which leads na bigla akong nabilaukan pucha nakakahiya.

"For heaven sake Guinevere be careful! Here drink this." Usal nito habang inaabot sakin ang tubig na hawak niya na agad kong kinuha at ininom.

"What are you guys eating?" Miss Veronica asked. I looked around and kompleto nanaman silang apat.

"Is that the thing that we ate before?" Kuminang pa ang mata nito mukang naexcite siya, sabagay masyado niyang naenjoy ito nung kumain kami.

"Is that safe?" Tanong naman ni Miss Venice.

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon