P06

16.8K 695 208
                                    

Krystal's POV

After ng interaction namin ni Ma'am Cervantes sa office niya ay pilit ko ng iniiwasan ito. Honestly, hindi ko na nagugustuhan kung ano man ang bumabagabag sa utak at puso ko na kasalanan niya. It just felt like it is not okay to be able to feel like this towards her, yet it was comforting at the same time odd. Ang gulo diba?

Alam kong napapansin naman niya ang pagiwas ko sakanya dahil ilang beses ko siyang nahuhuling nakatingin sakin sa tuwing makakasalubong ko siya sa kahit anong parte ng university na to.

In fact, bakit ba ako affected in the first place?

"You and your deep mind, kanina pa kita kinakausap Krystal pero naintindihan mo ba talaga ako?" Napatingin naman ako sa katabi kong nakanguso na.

"Pasensya na Lydia may iniisip lang." Patawa kong sabi kahit alam kong she won't buy it.

"Sino ba kasi yang bumabagabag sa utak mo? You can share it to me naman no, what are friends for?"

Gusto ko mang sabihin dito pero for now I need to figure it out myself natatakot rin akong majudge at maconfirm ito sa sarili ko dahil masyado pang mabilis.

"Its nothing Lydia, I promise nagugutom lang ako siguro. I wasn't able to take my breakfast kasi kanina." I explained.

"Do you want me to buy you something? You look a little bit pale too." Lydia said.

Kumuha naman ako ng mirror galing sa bag to see my reflection, I sighed deeply. She's right, I look sick, nasobrahan nanaman ata ako sa pagpupuyat kakagawa ng plates. Our personal doctor would probably scold me for this kung nakita niya ang itsura ko ngayon.

"How do you think of the vows na sinasabi ng magiging magasawa sa kasal nila?" Out of nowhere na tanong ni Allison kaya lahat ng atensyon namin napunta sakanya.

Nandito kami sa cafeteria ngayon kasama ulit sila Levi, Allison at dagdag ngayon si Felicia na isa ring part ng Student Council. Lydia then went back from buying me a food which she insisted, so I started munching on it while listening to their conversation.

"Ang lalim ha syempre vows like promises nila sa isa't isa kapag naging mag asawa na sila. What they promises to do and promises that they wouldn't ever do para di sila magkasakitan." Natatawang paliwanag ni Regina.

"Pero why do they still cheat? Why do they still lie?" That was a great question though isa rin to sa kinakatakutan ko kaya ang decision ko nalang ay wag na mag asawa at maging rich tita nalang forever.

"Promises are just a myth." Napalingon naman sila sa sinabi ko. I don't even know why bigla akong salita, minsan ang sarap nalang tapikin ng bibig ko.

"It will never be true." Dagdag ko.

"What if you will meet the right person in the future Krystal, would you still be able to say the same thing na sinabi mo ngayon?" Nakita ko namang seryoso ang mata ni Levi pagtapos niya tong itanong.

Medyo naging uncomfortable naman ako dahil tinitignan niya lang ako deretso sa mata.

"Wala namang forever Levi. Kung magjojowa ka lang rin naman wag ka na mag promise. Isa lang yan sakit sa utak at lipunan." Pagiibang topic ni Lucas pero ramdam kong seryoso siya sa sinabi dito.

Oh my the great ghoster of the year is speaking seriously when it comes to love?

"Nakahanap ka na ba ng katapat mo at ganyan ka magsalita?" Natatawang tanong ni Lydia na ikinasimangot naman ni Lucas. Bullseye.

"Hindi ah!" Mabilis niyang sabi. "Totoo naman, kaya lang naman most of the couples break is because of promises that can lead to expectations na kesyo gagawin mo to, gagawin mo ganyan at hindi mo gagawin ang mga bagay na sinabi mo. Kaya nga mas mabuting wag nalang mag promise diba?" 

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon