Krystal's POV
Pagkapasok palang sa loob ng Enchanted Kingdom ay walang humpay na ingay at turuan ang nagaganap sa mga kaibigan ko. Ngayon nag tuturuan at nagaaway kung saan ba kami dapat mag sisimula sumakay.
"Tara extreme ride agad!" Sigaw ni Regina sabay turo sa mga malalaking rides.
"Wag muna! Wala agad thrill kapag ayan inuna natin!" Pagkokontra naman ni Lucas.
"Why don't we start there sa Disk Magic? Light lang muna tayo." Sabi naman ni Lydia at tumango naman lahat.
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko ha." Bulong ko kay Daniella habang nagsisimula na kaming maglakad. She then grab my right hand and intertwined it with her. It just perfectly fits, as if it was made to be connected.
"This is actually more fun because of them." Ngiti nitong saad.
Mabuti nalang naka VIP Ticket kami, lahat yun ay gastos mismo ni Daniella. I even said na kalahati sana ng ticket ay babayaran ko pero makulit siya at nagagalit kapag kinokontra ko. So basically lahat kami dito ay libre niya. Hindi masyadong mahaba ang pila at kahit may pila ay first in the line kami dahil sa ticket namin, nang makaupo na kami sa kanya-kanyang pwestohan at kita ko ang pag iba ng timpla ng mga mukha ng kaibigan ko.
"Pucha! Sana pala nag plates nalang ako parang ayoko na bigla!" Singhal ni Lucas habang nanginginig ang mga daliri.
"Corny mo bulok!" Sigaw ni Regina sakanya dahil nasa pagitan nila si Lydia na nakasimangot na ngayon dahil sa kaingayan ng dalawa.
"Will you sto.." Hindi naituloy ni Lydia ang sasabihin niya dahil bigla nalang umandar ang ride. Nagsimula ito sa mahinahon hangang sa bumilis ng bumilis ang pag ikot. Damn Lydia for saying that this is a light ride! Eh talagang literal na light nalang makikita mo dito patungong langit.
"Fvck! I hate this! Ayoko na"
"Ayaw ko mamatay sa ganitong paraan lord!"
Sunod naman na napukaw ng atensyon namin ay cute ng parang space ship na muka sigurong pangbata to, Air Race. The construction of this ride is really nice ha, bagay siya sa mga kids. Mukang light lang siya for sure kaya ito na agad ang sinunod namin.
"Putangina! Sino nagsabing pang bata to!!" Sigaw ni Regina nang biglang bumalikat ang ride naming lahat habang umikot ikot ito.
"Shit!"
"Gago! Fuck you sa nagsabing pang kids to!"
"Sorry!!" Sigaw ko dahil naguilty ako na ako ang nasabi nun sakanila. Pagkatapos ng Air Race ay halos naging multo ang mga mukha ng mga kaibigan ko while the professors remained unfazed. Ang tibay naman ng sikmura nila!
"Let's ride that!" Turo ni Daniella sa ride na nakapaskil ang pangalan na Space Shuttle. Sabay namang napalunok sila Regina at Lucas while si Lydia ay nag agree sa sinabi ni Daniella, isa rin tong enjoy na enjoy e kala mo hindi bumaliktad ang tyan sa nangyari.
Walang nagawa ang dalawa dahil masama na silang tinignan ni Daniella kaya ngayon ang mga mukha nilang dalawa ay hindi na mapinta at para silang tuta na sumusunod nalang sa amo.
"Lord, kung ako ay mawawala na ngayong araw. Yung bank account details ko ay nasa laptop po paki sabi nalang sa kapatid ko." Rinig kong sabi ni Lucas sakanyang sarili kaya natawa ako nito at sinimangutan lang ako. Since two people lang siya per row, magkatabi kami ni Daniella.
"Ate, I don't want to die yet." Sabi ni Portia habang hawak ang laylayan ng damit ko. Tinapik ko lang ang ulo nito at ngumuso sa likod niya.
"Nanjan naman si Miss Veronica."
BINABASA MO ANG
Peculiar [PSLU #1] [GL]
Romance[ A story of Krystal Guinevere Lawson. ] #1 Secrets remain unfazed until the broken part of keeping it gets revealed. With their past, a connection will be built between the two collided architects making their way of sketches into a reality. Will l...