P34

13.1K 475 225
                                    

🔞 WARNING: SPG AHEAD

...

Krystal's POV

"How about this? It looks great on you." Saad ni Bianca habang hawak hawak ang isang dress.

She invited me for a friendly date dahil need ko daw mag libang libang para di isipin siya. Which I agreed dahil feeling ko maloloka narin ako dahil sa papalapit na final exams.

Ilang linggo narin dumaan at patuloy ko paring iniiwasan siya, kahit sa klase ay sasagot lang ako kapag tinatawag niya ako. I even blocked her on my social media accounts as well as her number para di niya ako macontact.

I know I should have said something at hindi siya dapat ighost pero I needed to do this to save myself.

"I'll buy it. Maganda nga siya." Komento ko sa dress na hawak hawak niya parin. Iaabot ko na sana ang card ko pero inunahan niya ako.

"No. I'll pay for this and for today, okay? Ako naman nag aya sayo." Wala naman akong nagawa kundi umoo dahil alam kong hindi siya papatalo.

We went for a japanese restaurant dahil nag cracrave daw siya dito. I also miss it dahil minsan na kami mag bakasyon sa japan.

"You have a sauce in your face, Stal." Kunot noo ko siyang tinignan at tinanggal ang sinasabi niya na nasa muka ko pero tinawanan lang ako nito.

"Here." Sabi nito at siya na mismo ang nagtanggal habang hawak hawak ang tissue.

"Thank you." I mouthed na ikinangiti niya.

Nakaramdam ako ng lamig bigla sa paligid parang may kung anong dilim ang bumalot bigla. Luminga linga ako at nagtama ang mata namin sa isa't isa na ikinagulat ko. Nagulat rin siya pero agad nag palit ng emosyon ang kanyang mata at bigla akong inirapan.

Umiwas nalang ako ng tingin. Sa dami dami ng mall at restaurants, dito pa talaga kami nag kita? Really? Kita kong kasama niya ang ibang professors kaya di ko narin siya binalingan.

"Are you okay?" Bianca asked at tumango ako. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at pilit na hindi nililingon ang babaeng masama na ang titig samin kanina pa.

"I'm craving for a dessert." Aniya Bianca habang hawak hawak ang shopping bags. Mabuti nalang napigilan ko siya mamili pa kanina dahil mukang balak niya pa bilhin ang buong mall.

"Ice cream?" Tanong ko na naging dahilan para ngumiti ito ng malapad.

Ako na nag order para sa aming dalawa halos magtalo at pag tinginan na kami ng mga tao dahil gusto niya siya na mag bayad. In the end sumuko na siya dahil ayoko talaga magpatalo.

"Here, tikman mo this is one of their newest flavor." Sambit niya habang nakaupo kami at nagsisimula ng lantakan ang binili namin.

Inilipit naman niya ang kutsara sa bibig ko, medyo nag alanganin naman akong kainin yun pero mukang nangangalay na siya siya kaya ibinuka ko na ang bibig ko at ngiting ngiti naman siyang isinubo yun sakin.

"Bakit parang ang saya saya mo ngayon at puro ka ngiti?" Tanong ko.

"It's because I'm with you, Krystal." Sagot niya.

"What's the difference when we are with our friends?" I saw how her cheeks turned red as she gently bit her lower lips.

"Basta ayun." Kabitbit niyang sabi at hindi nalang ako nagsalita pa. Hindi naman ako manhid para hindi makiramdam, pero ayaw kong tanungin siya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Another week passed by, I got much more busy dahil sa sunod sunod na projects na binibigay ng mga professors. Nandito ako ngayon sa kwarto na abalang tinatapos ang isang project, isa ito sa pinapagawa ni Professor Cervantes. She wants us to make our dream house, kaya naenjoy ko naman ang pagawa ng project na ito.

Peculiar [PSLU #1] [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon