Krystal's POV
Kumunot ang noo ko sa nabasa kong text at bahagyang kinabahan. Is this a threat? I looked at the woman in front of me who is happily looking through the ocean. It can't be right? Wala naman siguro siyang tinatago sakin. Besides sabi niya mageexplain daw siya kaya nga kami nandito.
Gustuhin ko mang magreply dito at bigla akong nawalan ng signal. I'll wait for Daniella to explain. Pero ang dulo ng mensahe ang bumabagabag sa utak ko, what does she mean by saying na hindi ko lang siya professor?
"Are you okay?" She softly asked at concern ang mata nitong nakatitig sakin.
"I'm okay medyo pagod lang." Sambit ko at ngumiti.
I'll try to shrug this off for now. Gusto ko munang isave tong moments with her, when we get back saka ko to haharapin. Ayaw ko muna magisip ng kung ano-ano. I keep on rejecting her explanations nung mga nakaraan, I should learn how to wait and listen right?
"Hello ate ang ganda niyo po!" Dalawang bata ang biglang sumulpot sa harapan namin na ngiting ngiting nakatitig samin.
"Hi! Bakit kayo nandito? Nasan magulang niyo?" Tanong ko na lumilinga linga baka sakaling makita ko.
"They are one of the children of my employees." Sagot naman ni Daniella at tumango ako.
"Kumain na ba kayo?" Umiling naman sila parehas. Ang cute! Parang gusto ko bigla magka anak. Pwede naman siguro kami mag anak ni Daniella kahit babae kami parehas diba? Madaming options.
Teka bakit ko ba iniisip agad magka anak hindi pa nga kami. Mabuti naman pinapayagan nila ang mga anak ng empleyado nila dito. Bihira narin sa mga ganitong amo na ang bait.
"Sabay na kayo samin sa pagkain." Lumiwanag naman ang mata ng dalawang bata at tuwang tuwa sa narinig.
Pumunta kami sa isang lugar na mukang kainan pero maliit lang ito at maaliwalas. Siguro dito sila nag gagather ng family nila pag nakain. Pagkatapos naming umupo nagutos agad si Daniella sa mga tauhan ng iba't ibang putahe. Ang dami! Kala mo fiesta. Ang hilig talaga ng babaeng to mag dala ng maraming pagkain. Pag uwi talaga namin mag wowork out ako ng sobra!
"What? So they can bring it to their family rin." Pageexplain agad nito nang makaupo.
"Ilang taon na ba kayo mga bata?" Baling ko sa mga to.
"Ako po ay 7, ang kapatid ko naman ay 6 na po." Magalang na sabi nito.
"What's your name?" Tila hindi at naintindihan ng mga bata ang sinabi nito.
"They can't understand you kapag English sinabi mo, Daniella. Mag tagalog ka." Sambit ko.
"Oh, anong pangalan niyo?" May accent pa ang pagkatagalog niya, ang cute hays.
"Ako po si Marie at itong kapatid ko naman po ay si Eduard." Ngiti nitong saad.
Tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong nagmessage naman sakin si Portia. Mukang may signal na ulit.
@itsportialeigh: Ate! Sabi nila mommy kasama mo daw professor mo. Are you with Miss Cervantes?
Me: Yes why?
@itsportialeigh: Just asking, baka kasi kinidnap mo si Miss.
I mentally rolled my eyes. Kung di ko lang talaga kapatid ko baka sinapak ko na!
Dumating na ang mga inorder naming pagkain at muka namang masayang masaya ang mga bata na nilalantakan ito. Pagkatapos namin ihinatid agad namin sila sa bahay ng mga magulang nila. I guess ang mga empleyado rin nila dito ay may sariling bahay.
BINABASA MO ANG
Peculiar [PSLU #1] [GL]
Romance[ A story of Krystal Guinevere Lawson. ] #1 Secrets remain unfazed until the broken part of keeping it gets revealed. With their past, a connection will be built between the two collided architects making their way of sketches into a reality. Will l...