Kabanata 2

223 15 15
                                    

Kabanata 2

After class ay nandoon ako sa bahay nila Klive para sa ginagawa naming decorations. Minsan nga ay kinulang pa kami kaya bumalik kami sa mall para mamili. Halos isang linggo na lang at Foundation Week na kaya doble trabaho kami.

"We should buy more balloons." sabi ng masungit na lalaking kanina pa nagrereklamo sa tabi ko.

"Madami na tayong nabili last time. Saka hindi naman na tayo grade-schoolers na mahilig pa sa lobo."

"Pero maraming isip bata. We just need more balloons. Day 2 ang concert at Day 3 ang Foundation Night.. Anong gusto mo? We will use the same balloons for those two events? You think hindi kukuha ang ibang year-level? Or hindi mapuputok yung mga lobo overnight? There are possibilities kaya mas magandang maraming back-up, just in case. " mahaba niyang paliwanag. Kasama na ang masama niyang tingin at konting pag-irap.

Tama naman siya. As always.

During the times we spent together masaya ako. Ngayon lang nagkaroon ng chance na magkalapit kami ng ganito. Tito Sam always tease us whenever he sees us together. Lalo na at doon lang naman kami sa bahay nila gumagawa.

"I'm happy seeing you together anak. I really like you for my Kliden." nakangiti niyang sabi ng minsang maiwan kami sa living room nila.

"Salamat po Tito pero si Klive pa din naman po ang magdedecide kung sino ang gusto niyang makasama in the future. We're just doing our task in Student Council, lalo na po at graduating na kami."

"Just have a little faith on him, kilala ko ang anak ko. I know he sees you the way I do, he just have to admit it at habang hindi pa sana habaan mo pa ang pasensiya mo sa kaniya."

"He can be so stubborn and hard-headed pero he has a good heart. Nagkaganiyan lang naman siya mula ng umalis ang mommy niya."

Tito Sam's words kept me awake the whole night. Umalis ang mommy niya na si Tita Coleen? Bakit? Pero wala naman ako sa posisyon para makialam sa problema ng pamilya nila. Masakit pa rin siguro para sa kanila ang lahat.

Right now we are having an emergency meeting sa SC room. I don't know why pero ilang days na lang ang natitira for our preparations kaya busy kaming lahat.

"Pres, para saan ang meeting?" tanong isa sa mga officers.

Si Stacey naman ay hindi na mapakali habang nakatingin kaming lahat sa kaniya. Ano bang nangyayari?

"I'm sorry everyone I felt like I failed as your President." she let out a deep sigh. "Na late ang pagbibigay ng memo about sa School Fair event kaya ng malaman ng bawat class ang tungkol sa booth na itatayo nila nagalit sila dahil kulang na ang oras para sa planning at preparation. I'm sorry.. Akala naibigay ko na yung memo weeks ago.. Sorry talaga. I never meant to fail like this." she's now crying. Kahit naman siguro sino maiiyak. Ano ba ang ginagawa niya para makalimutan niya 'yon?

"What? 4 days na lang Opening na ng Foundation Week at nasa first day ang School Fair. Hindi pwedeng mawala' 'yan." someone from the back hissed.

Umingay sa buong room habang si Stacey ay umiiyak lang. Kailangan naming magisip ng solusyon agad. Pero 'yung may kasalanan andito at umiiyak lang.

"She doesn't deserve to be our President. Simpleng pagbibigay ng memo di niya magawa ng maayos." bulong ni Carrie.

"True. Pero may time pa yan bumuntot kay Klive. I saw her stalking you and Klive sa mall. Namimili ata kayo non ng materials, nakasunod siya sa inyo mula pa lang sa school hanggang sa mall. Hindi ko lang nasabi kase wala naman siyang ginawa kundi tumingin lang sa malayo." si Louise naman.

"Bakit naman niya gagawin yon? Di naman kami nagdadate or something." mahina kong sagot.

"Ewan ko nga ba. Paano na yan? Kahit ako man ang President ng bawat class maiinis din ako. Minimum time na kakailangan sa ganiyan ay isang linggo, pano pa yung 4 days?"

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon