Kabanata 4

182 18 17
                                    

Kabanata 4

We are not that early. Pagdating namin sa venue ay may mangilan ngilan ng mga tao. The place looks even more beautiful this time. And it looks like it doesn't need supervision anymore.

"You did great for the ball Klive.." I sincerely uttered.

He just flashed a teasing smirk.

"Parang di naman na ako kailangan dito. Everything is on their right places, pakiramdam ko wala naman akong naitulong sa'yo. This is all you.."

My eyes are still wandering around the place. At hindi nagtagal ay halos napuno na rin ang venue ng mga estudyante. They were all wearing their best suits and gowns.

Dahil doon napansin ko na ang lahat ay may partner o date. Nakaramdam tuloy ako ng konting inggit.

"Erin ang ganda ganda mo girl!" hiyaw ni Carrie ng makita ko siya.

She's wearing a nude pink dress with gold glitters. Backless ang likod at hapit sa kaniyang katawan. Maganda talaga ang hubog ni Carrie, mas matanda din siya sa akin ng isang taon. She has a mature and sexy body.

"Mas maganda ka, sexy pa!" at sabay kaming nagtawanan.

"Nakita mo na ba si Luisa?" tanong niya habang lumilinga-linga sa paligid.

Napa-iling ako.

"Hindi pa. Kasama ko kasi si Klive para sa mga last minute check, alam mo naman."

"Sus.. oo na. Hahanapin ko na lang si Louise, kami kasi ang magka-date."

Sa pagkakaalam ko marami ang umaya kay Carrie na maging date ngayong gabi pero lahat 'yun ay tinanggihan niya. Ewan ko ba sa babae na 'to.. Ako naman kasi isa lang naman ang gusto kong makadate kaso malabong ayain niya ako.

"Hi girls! Nandito na ang pinakamaganda!"

Napalingon kami kay Louise habang naglalakad palapit na akala mo ay ramp model.

"Kung hindi lang kita date ngayon Luisa nako... Umayos ka at matuto kang manalamin. Ako pinakamaganda sa ating tatlo." pakikipagtalo ni Carrie.

Nagsimula na naman ang dalawang 'to.

"Tama na 'yan. Maganda kayo pareho okay? Sige na pumunta na kayo sa mga classmates natin. Hanapin ko lang si Klive, baka may iuutos." paalam ko.

"Sa ganda mong 'yan uutusan ka lang niya? Kukutusan ko 'yon eh..."

"Para naman 'yon dito sa event. Tignan niyo kung gaano kaganda kinalabasan... Sige na pupuntahan ko naman kayo mamaya. Aalis na ako."

Nagpapicture muna kami sa photographer ng event bago nila ako tuluyang pinakawalan. Ngayon, nasaan na kaya ang lalaking 'yon?

"There you are.. I've been looking for you.."

I knew that voice.

"Nagkita lang kami ng mga kaibigan ko."

Tumango naman siya.

"So far, everything's doing good as planned. At kung mapapansin mo lahat halos sila dito may partner. Tayo ang organizer tapos tayo wala." he chuckled.

Anong ibig niyang sabihin? Sa sobrang busy namin sa mga event at sc, nawala na 'yan sa mga concerns ko.

"Okay lang naman siguro 'yon Klive." tipid kong sabi.

He looked at me with his serious face. "No, I don't wanna look dateless while having the last ball in my highschool life." napatingin na din ako sa kaniya. "You'll be my date for tonight."

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon