Kabanata 26

189 16 39
                                    

Kabanata 26

Umuwi akong baon ang sakit na ipinadama ko sa lalaki. I couldn't sleep without thinking his face earlier. He looks so heart broken. And it pains me to think that I was the one who did that to him.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na halos wala akong itinulog. My eyes and face might look weird but I don't care. My conscience is bugging me. I really have to say sorry to Klive. Hindi ko man gusto ay nasaktan ko siya.

"Anong nangyare, anak?" tanong ni Mommy ng mapagmasdan ang mukha kong bagong gising pa lamang

"Nahirapan lang po makatulog 'My.." tamad akong umupo sa dining table.

Tumigil si Mommy sa ginagawa at tinabihan ako. "Late ka na umuwi kagabi, samantalang nauna pa makarating dito ang driver naten. Hinatid ka ba ni Klive?"

I bit my lip. I couldn't tell her what happened.

"My, sinundo ko po si Lance sa airport kahapon." panimula ko.

"Really, princess? That's good. Matagal na din 'yung huling kita ko sa batang 'yon. How is he?"

Mom's not aware, so she kept asking about Lance. Na dahil sa kaba ko ay sinagot kang ng sinagot. Hanggang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Klive. He's here!

"Nandyan na pala ang sundo mo anak, hindi ka pa nakakaligo."

Agad akong nataranta. Hindi dahil sa makikita niya akong bagong gising at walang ligo, kundi dahil sa nagawa ko sa kaniya kagabi.

"Mom, aakyat na po ako." nagmamadali kong sabi habang halos tumakbo na makarating lang sa aking silid.

Mabilis akong naligo at nag-ayos. I put some concealer on my eyebags and eyelids. I need to cover them up. At dahil doon ay hindi na halata ang pamamaga ng mata ko. Matapos ang ilang minuto ay nagpasya na akong bumaba.

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago tuluyang humarap sa lalaki. Na sa tingin ko ay wala ding sapat na tulog. Mas lalong naningkit ang singkit niyang mga mata, pero guwapo pa din, walang kupas.

"Hey, I was worried sick last night." panimula niya.

Akala ko magsusungit siya sa akin pero hindi. Nakikitaan ko pa siya ng pag-aalala. Mas lalo tuloy ako na-guilty. This isn't the Klive I was expecting.

"I called you and leave messages, where have you been? Hinintay kita kagabi—"

"Pagpasensyahan mo na itong prinsesa ko, hijo. Sinundo niya kase iyong kaibigan niya sa States dahil biglaang umuwe." pagputol ni Mommy kay Klive.

No Mom, please don't tell him! Ako po dapat ang magsasabi!

"Friend? You didn't tell me. Sana kasama mo akong sumundo. How is she?" dagdag niya na nakapagpakaba sa akin.

"She? Hijo? Lalaki ang kaibigan ni princess. Si Lance, dati din niyang manliligaw."

Oh my God! Mom why do you have to say that?

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Klive bago bumaling sa akin. Hindi iyon galit pero hindi din natutuwa. Habang ako ay parang hindi na makahinga.

"Klive, I'll tell you about it later. Uhm, let's go?"

Kumunot pa ang noo niya bago tuminging muli kay Mommy para magpaalam. He kissed her cheek before holding my hand. Siya na rin ang nagbitbit ng bag ko habang inaakay niya patungo sa sasakyan.

Pagpasok naming dalawa sa sasakyan ay nananatiling tahimik si Klive. Should I tell him right now or a little later?

"Uh.. Klive." panimula ko.

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon