Kabanata 36
The wedding planning started. Well, mas excited pa sa 'kin si Klive kaya nakakuha na kaagad siya ng wedding organizer. And she was one of the famous organizers in the industry who made elites and celebrity weddings a huge success.
Pero ako, maghapon ko na yatang pinagmamasdan ang dalawang singsing na nasa daliri ko. I'm married and now engaged. Parang baligtad? Haha. But I'm beyond happy.
Our parents were also delighted upon hearing the news. Lalo na si Mommy. Gustong gusto niya kase na magkaroon kami ng grand wedding. And looks like Klive made it possible. Ako kase, ayos na sa akin ang simple o kahit yung naging kasal namin ni Klive. Kaiba sa gusto ni Mommy at pati ni Mommy Coleen.
"Ma'am, malapit na pong magstart ang meeting." ani Mae na sekretarya ko.
Nasa opisina kami ni Daddy para sa board meeting tungkol sa opening ng branch na hahawakan ko. Tapos na kasi ang contruction at sa loob ng ilang linggo ay bubuksan na ito.
Ngumiti ako. "Sige, pupunta na ako. Teka, nandoon na ba ang lahat?"
"Papunta pa lang po yung iba, but your father and the other board members are already inside."
"Sige, thank you."
Tumayo na ako sa aking swivel chair at naglakad papunta sa conference room. Luminga linga din ako sa paligid para hanapin si Klive. Kanina pa kase siya abala sa mga meeting sa ilang kliyente. Ang alam ko kase kasali din siya sa meeting na iyon.
"Ang humble mo naman, Engineer." hagikgik ng isang babae. "From a board top passer like you, I'm sure ikaw ang namimili ng project na hahawakan mo."
Narinig ko ang boses na iyon ng babae. Nakatayo siya sa tapat ng isang opisina malapit sa conference room. And she was talking to a guy, or should I say, flirting.
And that guy is.... wait? Asawa ko ba 'yung kausap niya? Si Klive ang kasama ng babae. Kahit nakatalikod alam kong siya iyon.
Hinaplos pa niya ang braso ng asawa ko.
"Nako, nako. Kapag naisipan kong magpatayo ng bahay, ikaw ang kukunin ko ha?" tumawa pa ito. "I'm sure you'll build a beautiful and strong house for me and our future family... I mean my future family pala.." aniya at humawak na ngayon sa braso ni Klive.
Tumaas ang kilay ko at hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Hindi niya ba alam na kasal na at ikakasal ulit ang lalaking nilalandi niya?
"I'm not yet sure about that, Ms. Santos. My hands are full and I'm having a vacation after the grand opening."
Ms. Santos? Siya yata yung anak ng may-ari ng supplier namin ng canned products. And based on the reports I read, there are a lot of issues like expired, wrong and missing items from them.
"Where? Are you alone? Well, I can join you if you want." tawa pa niya.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Klive, na halatang hindi nagustuhan ang narinig. Samantalang ang babae ay abot hanggang tainga ang ngiti.
"I saw the article in the magazine when you were featured about being a part of the construction team for the new landmark in Singapore. They say you are still single, well, I'm single too. We can hang out sometimes."
I can't believe I'm seeing and hearing this. And before Klive can say something...
"Hi! Ms. Santos, right?" I butt in. Nakita kong nagulat siya sa bigla kong pagsulpot.
"Ah yes.." sagot niya pero kay Klive pa rin nakatingin.
"Sorry to interrupt but, I'd like to introduce myself. If that's okay?"
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...