Kabanata 27
Ilang beses pang naulit ang pagkikita namin ni Lance. I really enjoyed his company. Madalas ay nasa restaurant kami para kumain kaya pakiramdam ko ay tumataba na ako.
Kaya ng magkaroon ulit ako ng day-off ay inaya ko naman siya sa dance studio na pinag-enrolan ko. Hindi naman siya kj kaya sumama siya sa akin.
"You should really teach me how to dance properly. Alam mo namang sa mga bar at club lang ako sumasayaw." ani Lance na may nakakalokong ngisi.
Sinamaan ko siya ng tingin na lalo niyang ikinangiti. "'Yun kase ang paraan mo para makabingwit ng chicks. Galawang playboy."
"Hey, that was before." dipensa niya. "I've been a good boy ever since I met you. Saka wala na akong time sa dami ng workload ko araw-araw."
Umirap naman ako kaya natawa siya. "Your corny pick-up lines won't work on me."
"I know.." halakhak niya. "So let's dance?"
Nagsimula kaming sumayaw gamit ang mga kanta sa playlist niya. Jusko, puro pang-club! Isa rin sa malalanding lalaki 'tong si Lance eh. But nevertheless, I enjoyed it. We enjoyed dancing until we found ourselves catching our breaths.
Matapos no'n ay nag-shower na kami at nagpalit ng damit. Nang paalis na kami ay saka namin nakita si Tita Eliz na may kasamang lalaki. They were laughing but what caught my eyes is the familiar built of the man she's talking to. Si Klive!
"Thank you for dropping by, hijo. Masaya talaga akong bumisita ka dito, lalo na dahil ang dance studio ko ang isa sa mga unang project mo noon." ani Tita Eliz.
Tipid na ngumiti si Klive sa ginang. "How can I forget about that, Tita? This is the most special project I ever had."
Napansin ni Lance ang pagkakatigil ko kaya siya napalingon. "What is he doing here?" tanong niya na medyo pabulong.
"I don't know either.."
Unti unti kaming napalapit sa kinaroroonan nina Klive at Tita Eliz. Agad naman akong nakita ng ginang at kaagad na ngumiti.
"Erin, hija! I missed you!" sabi niya sabay yakap pa sa akin.
"Hello po Tita.." sagot ko saka bumeso sa ginang.
"Ngayon na lang ulit kita nakita at.." saka niya napansin si Lance sa tabi ko. "Oh, may kasama ka pala, boyfriend mo?"
Narinig ko naman ang malakas na pagtikhim ni Klive na ngayon ay may nakamamatay na tingin na kay Lance.
"I'm his friend, Ma'am. Nice to meet you po." nakangiting sabi ni Lance saka binalingan si Klive.
"Oh hi there bro, nandito ka pala. It's been years since I last saw you."
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Klive. "Yes, former captain Cordinal." seryoso namang sagot ni Klive.
Sa uri ng tinginan nilang dalawa, akala mo ay may kuryente na sa pagitan nila.
"You knew each other?" tanong naman ng ginang na mukhang nagulat.
"Yes, Ma'am. All the three of us knew each other." si Lance na ngingisi ngisi.
Ngumiti naman ng malaki si Tita Eliz. "Ganon pala. Well anyway, Engineer Klive here.." turo niya sa lalaki. "Is the engineer of this building. That's why we knew each other."
I was in awe when I heard the statement. This place looks really good and knowing Klive is one of the who built this place, I couldn't be more proud of him.
"Maganda ang pagkakagawa, as expected Engineer."
Matapos ang ilan pang kwento ni Tita Eliz ay nagpaalam na kami. Ganon din si Klive.
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...