Kabanata 19
"Dad, paanong naging si Klive ang head engineer na sinasabi mong makakasama ko? Are you sure about that?"
Panimula ko habang nasa almusal kami kinabukasan. May multo ng ngiti sa labi ni Daddy na parang natuwa pa sa tanong ko. Okay na ba talaga sila ni Klive?
"Yes, princess." he sipped on his coffee. "If you didn't know, Klive is one of the most in-demand engineer of the country. Aside from inheriting Samuel's investment in our company, isa na rin siya sa mga investors naten. Malaking pabor na din ang binibigay niya sa pagpayag na gawin ang ilang projects. Lalo't abala din ang batang 'yon. "
Did he just praise that guy? Seriously? What is happening? Hindi na ba nila naaalala ang nangyari sa amin noon? Umasim tuloy ang mukha ko.
Daddy chuckled upon seeing my reaction. "You don't seem to like what I said, princess. Are you still mad at him? It's been four years, anak."
Am I still mad? No, of course not! Ayoko na lang talagang mainvolve sa lalaking 'yon. During those years in the US, ni hindi ko na siya naiisip. And I'm not bitter as well! Ano kaya ang ginawa niyang pambobola kay Daddy at mukhang ayos na ayos na sila? Na halos ipagmalaki niya pa sa akin.
What's with you Klive?
Natapos ang breakfast na iyon at bumalik ako sa kuwarto ko para kunin ang bag ko. Nang makababa ako ay nakita ko si Mommy na may dalang paperbag.
"Princess! Can you hand these to Klive? Magkikita naman kayo hindi ba? Pakisabi na din na salamat sa tulong niya."
Ngayon si Mommy naman?
"Salamat saan Mom?"
"I asked him a favor anak, kaya sana iabot mo 'yan sa kaniya ha?" wala sa loob na tumango ako.
Naiinis man, parang wala naman akong choice. I knew Mom baked some pastry for him. Hindi ko nga lang alam kung ano. Sumakay na ako sa sasakyan ni Daddy at inihatid niya ako sa site. Naisip ko lang, kailangan ba talagang pumunta ako doon araw-araw? I mean, sabi nga ni Klive, hindi ko naman kailangang pumunta sa mismong construction site dahil delikado doon. Anong gagawin ko maghapon? Magkukulong sa opisina niya?
"I hope you get along well with Klive hija.. He's a changed man, just give him a chance, okay?"
"Dad we're fine. At nagtatrabaho lang naman kami pareho. Work is work. I don't want to mix personal issues at work.."
"That's a safe answer anak. You are childhood friends, or more than that.. I know—"
"Dad, you should go. Baka matraffic ka pa po. Love you." I kissed his cheeks before stepping out of the car.
I purposely avoided the topic. Kung ano man 'yung meron sa amin ni Klive dati at ngayon, I think it's better to stay that way. He draw the line and I stayed on my safe place as well. Hindi na kailangan pang maging parte kami ng buhay ng isa't isa. Kailangan lang namin magkita at mag-usap para sa trabaho. Yes, just for the sake of the company, we are both working for.
Bitbit ang handbag at ang paperbag na binigay ni Mom, naglakad ako papunta sa opisina. Kumatok muna ako bago pinihit ang knob. Mukhang walang tao sa loob kaya dumiretso ako ng pasok. I sat down on my swivel chair and removed my coat. Masyado yata akong nasanay mag-suot ng ganito, malamig kasi sa US, unlike dito sa Pilipinas.
After a few more moments, I opened the computer to check my email. I asked Dad's secretary to send me some details. I had to be knowledgeable in every possible way. Matapos ang ilang oras, wala pa ring Klive na pumapasok sa opisina. Nasaan kaya siya?
Napatingin naman ako sa paperbag na pinabibigay ni Mommy.
"Nasa site ba siya?" wala sa loob kong tanong.
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...