Kabanata 22

212 17 18
                                    

Kabanata 22

Itinuloy ni Klive ang sinasabi niyang panliligaw. Daig pa niya ang driver namin sa masipag niyang pagsundo at hatid sa akin araw-araw. Thinking about it now, I still don't know what to feel. I mean, sinabi niyang gusto niya ako noon pa, pero sobrang hirap niyang lapitan at suyuin noon. Iniisip ko tuloy na gusto lang niya ang pakiramdam nung hinahabol habol ko siya.

I think, he just like the chase. The thrill. Maybe, he wanted to get the attention that he used to get from me before. Na pag sinabi niyang gusto niya ako ay magkakandarapa na ako pabalik sa kaniya. Kung ganon nga, mali siya ng iniisip.

It was a usual friday afternoon, and here I am inside his office, reviewing some of the future plans for the branch. Wala ngayon ang lalaki dahil pinuntahan niya ang isa pa niyang project na patapos na. So I'm quite happy enjoying my own time. Walang nakakairitang malanding lalaki.

I heard a knock on the door, na agad ding sinundan ng pagbukas ng pinto. It's Engr. Eunica Valdez. It's been a while since I last saw her. I think it was when I first met Arch. Kaide Laruso.

"Good afternoon Engineer!" maagap kong bati.

Natigilan naman siya at nabigla ng makita niya ako.

"Ah good afternoon din Miss." umikot ang paningin niya sa paligid. "Si Head Engineer?"

I knew she's here for Klive. She's part of the project and his team. It's normal.

"He went out to check his other project. 'Yun ang paalam niya bago umalis."

She nodded. "Hindi kase siya nagbilin kanina."

"Ah may importante ka bang sasabihin Engineer? You can call or send him a message if it's urgent."

May kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Mukhang may gusto siyang sabihin.

"Ah.. hindi na ano.. hindi naman ganon kaimportante." biglang humigpit ang hawak niya sa hardhat na dala pa niya mula sa labas. "Miss Del Valle, puwede ba akong magtanong sayo?"

Ngumiti ako at tumango. "You can just call me Erin. By the way, ano 'yung itatanong mo?"

"I was just curious about your connection with the head engineer. Magkakilala na ba kayo dati pa? I mean, you both seem to be comfortable with each other." sa wakas ay tanong niya.

She looks too curious. And now I am a hundred percent sure that he likes Klive. Hindi naman siya magiging interesado sa akin o sa kaugnayan ko sa lalaki kung hindi. From her expressions and her body language. I am sure.

"Ah, oo. We were childhood acquiantances. Magkaibigan kase ang mga magulang namin." tipid kong sagot.

Ayoko ng dagdagan pa iyon at baka kung saan pa mapunta.

"Are you friends too?"

Magkaibigan ba kami? Hindi yata.

"Hindi ko sure eh." natawa ako ng mahina. "Medyo mahirap siyang pakisamahan nung mga bata pa kami. He's snob at rude most of the time."

Bigla naman siyang nangiti.

"Parang ganon pa rin naman siya hanggang ngayon. Medyo matagal na din kase kaming magkatrabaho, and that's what I noticed about him." her eyes sparkled while we're talking about Klive.

I can see her admiration towards the guy. But I suddenly felt bad for her. Knowing that Klive can't reciprocate her feelings. Parang ako siya dati.

"Well you know that I stayed abroad for years, right? Ngayon na lang kami ulit nagkita. So I'm not quite sure if he's still the same."

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon