Kabanata 28

203 17 37
                                    

Kabanata 28

Mataas na sikat ng araw na mula sa bintana ang gumising sa akin. Agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko na malamang ay dahil sa dami ng ininom ko kagabi. Damn alcohol!

Dumilat ako at kumurap kurap nang mapansin ko na wala ako sa kwarto ko. Nasaan ako?

"Good morning my sleepyhead, wife." ani ng isang lalaki.

Hindi, hindi lang siya basta lalaki. Si Klive!

Bumalikwas ako ng bangon at napansing iba na ang damit na suot ko. Isang malaking puting tshirt at itim na boxers na ang suot ko. Na ang hula ko ay sa kaniya. Paano napalitan ang damit ko? H'wag mong sabihing si Klive ang nagpalit sa akin?

"I asked Ate Mila to change your clothes." he answered as if he read what's on my mind.

Kuwarto niya 'to! Bakit ako nandito? Sinapo ko ang mukha ko habang nag-iisip kung ano ba talaga ang nangyayare. Nang mapansin ko ang singsing na nakasuot sa daliri ko. It's a gold ring band with small diamonds. It looks like a wedding ring.

And wife? Wait? Anong nangyayare?

Naguguluhan akong tumingin kay Klive pero ang lalaki ay nakangiti lamang habang nakatingin sa akin. Nakasandal siya sa pintuan habang nakahalukipkip.

"Anong ibig sabihin nito Klive? Anong wife? At bakit may singsing ako! H'wag mong sabihing..."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya saka umayos ng tayo. Unti unti na din siyang naglakad papunta sa kama na hinihigaan ko. He sat beside me and held my left hand. His thumb playfully touched the ring that I'm wearing.

Saka naman ako napatingin muli sa singsing. Napakaganda nito at saktong sakto sa akin ang sukat.

"Yes, we're now married. My Mrs. Erina Astielle Cleovarez." saka niya hinalikan ang singsing.

My jaw dropped at his confession.

Paano kami kinasal? Ang naaalala ko lang kasama ko si Collette kagabi tapos umiinom kami sa bar. Sumasayaw pa ako hanggang sa dumating 'tong si Klive tapos.. ano na nga ba 'yon?

"Is this a prank, Engineer? Paano tayo ikinasal eh nasa bar lang tayo kagabi?"

"Why would I joke about marriage, wife?" nakakatunaw ang mga titig niya sa akin.

Unti unti naman siyang lumalapit na nakapagpaatras sa akin hanggang macorner niya ako sa headboard ng kama niya.

"Ano bang ginagawa mo, Klive! Hindi nakakatuwa-"

Natigilan ako ng patakan niya ako ng masuyong halik sa aking noo. Nakapikit pa ang mga mata niya na parang damang dama niya ang ginawa.

"You should get up and get ready now. I cooked our breakfast at maya maya lang ay dadating na ang mga magulang mo."

Magulang ko? Bakit? Teka sinabi na ba niya sa kanila?

"Bakit pupunta dito sina Mommy? Ha, Klive?"

Pero ngumisi lang siyang muli sa akin. Na mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Uminom lang ako at nagsayaw sa bar kagabi tapos pag-gising ko may asawa na ako?

Tumayo na ako mula sa kama. Parang binibiyak pa rin sa sakit ang ulo. Then, Klive made his way inside the room. May dala na siyang pagkain at saka iyon inilapag sa center table.

"Kumain ka muna, I cooked a hangover soup for you. Then, you can drink this," turo niya sa gamot na tray. "Para mawala na 'yang sakit ng ulo mo."

I bit my lower lip. Sounds tempting. Nakatingin ako lang sa kaniya habang inaayos niya ang mga pagkain. May toasted bread, scrambled eggs, bacon at ham doon. Meron ding tubig at kape na siguro ay para sa kaniya. Kasama na ang bowl ng soup na sinasabi niya.

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon