Kabanata 34
Klive Zayden Cleovarez
"We should leave this place for our safety, Samuel. Ayokong mapahamak ang mga bata.." that's my Mom.
"Yeah, of course. Nakabili na ako ng magiging bahay natin sa Maynila. Nakatira sa malapit no'n ang kaibigan kong si Franco." Dad answered.
I didn't know the exact reason why we had to leave our hometown. I was born and raised here, so leaving this place made me feel unhappy.
"Why do we have to leave, Mom, Dad?" kuryoso kong tanong.
Mom was busy packing our clothes while Dad had to nurse my baby sister. They stopped when I suddenly spoke.
"Kailangan natin, anak. Para sa negosyo." Dad patted my head while carrying my sleeping sister. "You will understand eventually. H'wag kang mag-alala mas maganda sa Maynila. Maraming pasyalan at tiyak kong mas madami kang magiging kaibigan doon." he continued.
Of course, I have no say on that matter. I only saw myself inside our car, making our way to our new house. To our new life here in the city.
Habang busy sila Mommy sa pag-aayos ng mga gamit namin ay ako naman ang nagbabantay sa kapatid kong si Kiel. Nasa garden kami noon at walang tigil ang kapatid ko sa pagtakbo. He seems to like our new house.
Habang nagmamasid sa paligid ay may nakita akong babae na nakasakay sa bisikleta. She's probably around my age, base on her built. And the moment I saw her face, it felt like the time suddenly stops. Corny as it may sound but that's what I actually felt at that time.
I gulped and try to calm myself. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa unti unti siyang nawala. Sino kaya siya? There are a lot of pretty girls on my previous school, but no one comes close to her. She has an unique angelic face. Long and wavy hair, fair skin, almond shape eyes, perfect nose and his pinkish cheeks and lips.
And in my 13 years of existence, this is the first time I got a crush on someone. Just by seeing a glimpse of her. Is that even possible? Well, I guess?
"Kliden, anak. Halika at ipapakilala kita sa mga kaedad mo." sabi ni Daddy.
Tamad akong naglakad palapit sa kaniya, ngunit agad kong napansin ang pamilyar na babae. 'Yung crush ko! Nakatingin lang siya sa akin at bahagyang natigilan. Nag-alala tuloy ako sa itsura ko ngayon.
Maraming ipinakilala si Daddy pero pangalan niya lang yata ang natandaan ko. Erina Astielle Del Valle. Pangalan niya pa lang maganda na.
Mula noon ay madalas akong puntahan sa bahay ng mga naging kaibigan ko. We hang out and have fun. Especially the boys that I played with in the basketball court.
Madalas din kaming pumunta sa bahay nila Erin lalo na at magkaibigan ang aming mga ama.
"Napakagwapo naman nitong panganay mo Sam, I bet he's also good in his studies. Mukhang malayo ang mararating." ani Tito Franco.
Nagkatawanan ang lahat.
"Kanino pa ba magmamana yan? Siyempre sa Daddy!!" halakhak naman ni Daddy. "And you're right Franco, my Kliden here is a consistent top student in his class. Masipag sa pag-aaral at hindi pinasasakit ang ulo ko."
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...