Kabanata 8
Katatapos lang ng unang game ngayong first day ng Sportsfest. Juniors ang naglaban para sa larong basketball. Successful ang naging opening namin and so far maayos ang takbo ng buong event. Kasama rin kasi namin ang ilang sa mga teachers sa pagsusupervise at paghahandle ng lahat.
Halos 2 linggo na din ang nakalipas mula nung nangyari 'yon kay Stacey. She's being silent all the time but I caught her sometimes rolling her eyes on me. Hindi ko na lang pinapansin para wala ng gulo. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi alam.
"Sasali ka ba sa games Erin? You're good at volleyball right? Pati na din sa badminton." ani Louise. She's lazily chewing her gum.
"I want to... pero baka sabihin unfair lalo na kung mapunta ako sa mananalong team. Since they knew I'm a part of Student Council."
As I've said before, I really enjoy outdoor activities. Kahit nga pag-jojogging lang, gusto ko. Lalo na ang sports, but to be fair I won't join any game or event. May ibang pagkakataon pa naman siguro para makapaglaro ako. This is not just the right time.
Louise is right when she said that I played volleyball and badminton. I aced those games. But I can't call myself as an athlete. I just play for fun and satisfaction. May pagkakataon din na nakakapaglaro ako ng basketball kasama sila Daddy, Kuya at bunso. At dahil nag-iisa akong babae, bukod kay Mommy, no choice sila kundi isali ako.
"Kain muna tayo, kanina pa 'ko ginugutom... May bagong hotdog stand malapit sa gate, don tayo!" Carrie giggled.
Basta hotdog talaga Carina.
Hinayaan na lang namin siya at sabay sabay na kaming umorder bago bumalik sa gym. May ilang game pa bago matapos ang araw. Kailangan kami doon bilang committee at kung ano ano pa. Sa susunod na araw ibang officers naman ang in-charge kaya ayos lang.
"Halos 2 weeks ang event na 'to.. Tas next month Valentines day naman. Di naman sa nagrereklamo ako ha pero nakakapagod na maging officer.." ani Louise.
"Konting tiis na lang.. Ilang buwan na lang naman. Sa March finals na natin tapos graduation." sumubo ako ng hotdog sandwich.
"Oo nga, sulitin na natin 'no.. Lalo na at magkakaiba tayo ng school sa college. Hays..."
Malungkot pala kung iisipin. Ngayon pa lang yata ako mahihiwalay sa dalawa. Mula kase Junior high magkakasama na kami. Pero ayaw ko naman i-give up ang university na gusto ko. Lalo pa ng mabanggit minsan ni Tito Sam na doon din mag-aaral si Klive. Call me stalker, pero chance ko na 'yon, kaya ginrab ko na.
Nagpatuloy ang event at minsan nagkakahiwalay kaming tatlo. May ibang araw na ibang officers ang kasama ko. Mababait naman sila lalo na si Nico. Nakasama ko siya ng isang beses sa larong volleyball.
"Ang lakas ng spike nung junior na 'yon." he said while pointing at the girl inside the court.
"Oo nga, di mo aakalain lalo na at medyo balingkinitan. But she's good.. They all are." sabi ko na ikinangiti niya.
Break muna bago ang second set kaya kami nagkaroon ng chance makapag-usap.
"Buti nakasama kita ngayon 'no? Parati ka kasing mukhang busy o kaya ay kasama 'yung dalawa mong kaibigan. Nahihiya tuloy akong lumapit."
Humawak siya sa kaniyang batok. Na tila nahihiya sa sinasabi niya.
"Hindi naman, saka alam mo namang kaming tatlo halos di mapaghiwalay. Okay lang naman kung lalapit ka, mabait naman sila, maloko nga lang minsan." tawa ko.
Ngumiti rin siya pabalik. "O sige minsan sasabay ako sa inyo."
Ngayong araw iba na naman ang kasama ko. Nagtuloy ako sa gym at pinagmasdan ang mga nagwawarm up na players.
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...