Kabanata 13

192 17 9
                                    

Kabanata 13

"So you knew him even before?" pagtitiyak na tanong ni Colette.

Naikwento ko kasi sa kaniya ang plano ko. Pati na din ang pagkagusto ko sa lalaki. At mukha namang naiintindihan niya ako.

"Oo, magkababata kami at halos magkapit bahay din."

She nodded. "Sabagay, guwapo din naman talaga 'yung si Klive. But I've heard he's a womanizer, what can you say about that?"

"Hindi naman siya dating ganyan. Ilag nga siya sa mga babae noong highschool kami."

"That's a huge transition. From a woman hater to a womanizer. He's quite mysterious Erin."

I bit my lower lip. "Alam ko."

"But don't get me wrong, I won't stop you from pursuing him. Gusto ko lang na mag-ingat ka pa rin. Kahit matagal mo na siyang kilala, you'll never know what are the things he's capable of doing. That might make or break you.."

I know what she's trying to say. And I'm happy to find a friend like her.

"Oo naman. Salamat sa advice.."

"No problem.. We're friends right?"

I nodded and we smiled at each other. Nakakagaan sa pakiramdam.

Nang sumunod na araw ay sa gym ko ulit nakita si Klive. But now he's wearing a jersey and looking so busy dribbling and shooting the ball. Hindi ko alam na nagbabasketball pala siya.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan siya ng stolen shot. He looks so cool while playing. Tinago ko na ang phone ko ng makuntento ako. Napansin ko ang gym bag niya na nasa bleachers kaya doon ako pumwesto bago siya batiin.

"Hi Klive!"

Napatigil naman siya at medyo hinihingal pang bumaling sa direksyon ko.

"You're here.." wala gana niyang sabi.

I nodded happily. Siya naman ay binitawan muna ang bolang hawak at nagsimula ng maglakad papalapit. Nakita ko naman ang towel niya mula sa bag niyang nakabukas na kaya dinampot ko iyon, nang saktong makarating siya. Inilahad ko iyon sa kaniya, na tinanggap niya naman. Nagpunas na siya ng pawisan niyang mukha saka ako muling binalingan.

"What do you need this time?" tanong niya.

"Need talaga?" tumawa ako ng bahagya. "Wala naman, gusto kitang makita saka dinalhan kita nitong hinanda kong pagkain. Pasta 'to saka sandwich, since hindi ko pa nakakausap si Tito kung anong paborito mong ulam."

"You don't have to do this. I can buy my own meal.." suplado niyang sabi.

Alam ko naman.

"Naniniwala kasi ako sa kasabihan na "A way to a man's heart is through his stomach". Tsaka masarap akong magluto Klive.. sabi nila Mommy. "

"Tss. Of course they will tell you that, dummy."

"Tikman mo na lang kasi para malaman mo."

"Nah. Carrying and eating food inside a lunchbox will make me look like a loser. Gusto mo ba akong mapahiya?"

Nakakahiya ba iyon? Wala namang masama sa pagbabaon ah? Ako nga minsan nagbabaon pa din ng mga niluluto ni Mommy, lalo na pag hindi siya busy. Sa kaniya ko rin hiningi ang advice na ipagluto si Klive. Baka kasi sakaling magustuhan niya.

"Wala namang masama sa pagbabaon Klive at hindi ka magmumukhang loser dahil lang 'don okay?" tumingin ako sa wrist watch ko at napansing malapit na ang klase ko.

Hinawakan ko ang paper bag na naglalaman ng niluto ko at pilit na ipinahawak sa kaniya.

"Kunin mo na 'to! Aalis na ako at may klase pa 'ko. Pakabusog ka, bye!" saka ako tumakbo paalis.

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon