Kabanata 16
"Erina!!" Kelly's loud voice almost echoed all over the place.
Ganito ang ginawa niyang pagsalubong sa akin nang makita niya ako habang tulak ang mga maleta ko. I missed her! It's been ages since we last saw each other. Mula kasi ng mag-migrate dito sila Tita ay hindi na kami nagkita. It was even before I met.. Klive. At dahil sa paghanga ko sa lalaking 'yon, hindi ko pinauunlakan sa tuwing inaaya ako ng pinsan kong magbakasyon sa kanila.
"Finally! Nandito ka na!" Kelly is almost jumping out of happiness. Agad niya akong sinalubong ng mainit na yakap.
Nag-iisang anak siya kaya kami noon ang madalas na magkalaro. Hindi rin naman kasi nalalayo ang edad namin sa isa't isa. She's just a year older than me.
"I miss you Kels!" atsaka ako gumanti ng yakap sa kaniya.
"Kung bakit ba naman kasi ngayon mo lang naisipang pumunta dito! Nagtatampo na nga ako eh, buti na lang talaga at nandito ka na."
Malamig na klima ang sumalubong sa amin paglabas namin ng airport. Kelly came to fetch me because Tita Rhian and Tito Clark are busy. Sinama naman niya ang driver nila para hindi na kami mahirapan pa.
"Gumawa na ako ng list ng mga pupuntahan natin, susulitin natin ang bakasyon mo dito. Baka mamaya sunduin ka kaagad nila Tita, atleast na-enjoy mo dito."
She's talking non-stop like we never talked over the phone for years. Sa dami ng kwento niya ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami. Their house was big and grand. I can call it a mansion. Tito and Tita really did great when it comes to business.
"Ang laki pala ng bahay niyo dito Kels."
"Yeah, but it's super lonely. Dad and Mom are always busy so I'm always alone with the maids and guards. Good thing that you're here already, may makakasama na ako."
I smiled.
Hindi man ako sanay sa klima ng bansang ito, madali naman akong nakatulog. Dahil na rin siguro sa pagod at sa mahabang biyahe. The next morning, Tita and Tito greeted me on the breakfast table.
"Good morning Erina! We're so happy you're here! Buti pinayagan ka ng Mommy mo? Napaka over protective pa naman non ni Ate.. lalo na sa 'yo.."
I kissed her cheeks. "Good morning Tita, Tito. Medyo nahirapan nga po ako pero mabuti na lang po at tinulungan ako ni Daddy.."
"Kuya Franco really spoils you hija."ani Tito Clark.
"They do.." saka kami nagtawanan.
I really enjoyed my first month here. Napakarami ng destinations na pinuntahan namin ni Kelly. Na ultimong pati 'yung hollywood sign ay hindi niya pinalampas. I enjoyed the freedom I am feeling right now. Inaamin ko, minsan ay umiiyak pa din ako kapag naaalala ang mga nangyari. Those hurtful scenes and words. They kept playing on my mind whenever I'm alone inside my room. But I'm thankful, na sa loob ng isang buwan ay nabawasan 'yon.
I was doing fine and getting along so well, not until my Mom called me. She was crying and apologizing to me. At first, I couldn't understand why but when she mentioned his name, my eyes quickly widened.
"Anak, kaya ka ba umalis dahil sa kaniya? Sorry, 'di napansin ni Mommy na nasasaktan ka na pala. Hinding hindi ko na hahayaang makapunta dito ang lalaking 'yon anak, just please come home to us.."
It saddens me to hear my Mom crying. Lalo na ngayong malayo ako sa kaniya.
"No Mom, hindi mo po kasalanan 'yon. Ako po ang nagpumilit ng sarili ko sa kaniya kaya ganito. I'm sorry for worrying you Mom." pinipigilan kong humikbi dahil mas lalo lamang siyang iiyak. "Si Daddy po, 'My?"
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...