Kabanata 14

352 21 29
                                    

Kabanata 14

Tulad ng inaasahan, Klive passed. He's now a part of the university's basketball team. Pero kapag naaalala ko pa rin ang intense na pagtingin sa akin nung dalawa, para akong panlalambutan ng tuhod.

"You okay?" tanong ni Colette.

Nasa library kami para sa research paper namin. It's by pair kaya kami ni Colette na ang naging mag-partner.

"I'm fine..."

We started working on our papers. We were both silent and focused. After finishing some parts, we decided to take our lunch.

"Next week pa naman due 'yun kaya kumain muna tayo."

"Yeah, I'm hungry as well.."

Ako naman ang nag-order ng pagkain namin. Wala naman kasing pili sa pagkain si Colette. She eats whatever you serve infront of her. Kahit yata hotdog, naalala ko tuloy si Carrie.

"How is it going with your guy Klive? I heard he's accepted in the team.."

Ngumiti naman ako. "Okay naman. Dinadalhan ko siya ng niluluto kong foods."

She nodded and started chewing his food.

Maya maya naman ay umingay ang paligid. May pumasok yatang mga sikat dito sa cafeteria kaya halos kiligin na ang babaeng nandito. Lumingon ako para makita kung sino iyon pero isang pares ng mata ang muling nakapagpakaba sa akin. Siya na naman? Sino nga siya ulit?

"Si Captain!"

"Ayieee!! Ang gu-guwapo talaga ng basketball team natin! Lalo na si Cap."

Ah, 'yung Captain Lance nga 'yon. Bakit na naman kaya siya nakatingin sa akin? Iniwas ko na ang paningin ko at muling kumain.

"Erin, nakatingin na naman sa 'yo yung Capt. Lance. Kilala mo ba?" tanong ni Colette.

Kasama ko nga pala siyang nanuod sa try-outs. She must have notice how that guy stare at me that time.

"Hindi." iling ko. "First time ko siyang makita sa gym last time."

"E bakit kaya nakatingin na naman  sa 'yo?"

"Hindi ko din alam Colette.."

Dumaan sila sa harap namin, saka naupo sa katabi naming bakanteng mesa. Ngayon ay hindi na lang 'yung lalaking 'yon ang nakatingin sa akin. May iilan na din sa kanila ang napasulyap sa amin, o sa akin. Bakit? Bakit ba sila nakatingin? May dumi ba ako sa mukha?

"Colette, may dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko na hinawakan na din ang pisngi ko.

Napatawa naman siya ng bahagya. "Wala Erin..."

"E kase naman ang dami na nilang nakatingin e. Ano bang meron?"

"I don't know.. Maybe they're just curious about you. Bagong mukha ka kasi.."

Umismid ako. "Hindi naman kailangang tumitig. Medyo nakakailang na kasi.."

"Hindi ka ba sanay ng tinitignan? You're beautiful Erin. Hindi mo dapat pagtakahan kung nakatingin sila
sa 'yo." she chuckled. "You're so innocent."

"Oo na nga..."

Hinayaan ko na lang ang trip nilang pagtingin. I mean, hindi ko naman sila pwedeng sitahin. Baka mamaya mapahiya pa ako. They started to talk about the incoming opening of the basketball league in the universities around Manila. They sounded so excited, sila raw kasi ang defending champion.

"Capt, swerte tayo this season. Magagaling ang nakuha nating players."

"Oo nga. Matatangkad din sila."

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon