Kabanata 29
Dahil balik trabaho na kami. Kaagad akong naligo at nag-ayos sa pagpasok. Nadatnan ko pa si Klive na pumasok ng kuwarto na nakatapi lamang ng puting tuwalya at halatang bagong ligo. Kahit kailan ang kalat ng lalaking 'to!
"Klive, what the hell?! H'wag ka ngang magpapakita sa 'kin ng ganyan lang ang suot mo!" angil ko na ikinatawa lang niya.
"You can get used to this, after all we are married. Palagi mong makikita akong nakaganito, oh kahit na walang suot na kahit ano.." ngumisi pa siya na lalo kong ikinainis.
Namumula man ang pisngi ko ay sinagot ko pa rin siya. "Ang bastos mo! Hindi ko gustong makita 'yang katawan mo! Lalo na at madumi na 'yan dahil sa kalandian mo!"
"Ikaw lang naman ang nilalandi ko.. Just don't mind me and my sexy body. Baka kung saan pa mapunta itong usapan naten."
Saan naman mapupunta? Itong si Klive nasobrahan na sa talino eh kaya minsan ang hirap intindihin.
Natapos ko ang pagboblower ng buhok ko. Light make-up lang naman madalas ang nilalagay ko. Pero hindi nawawala ang sunscreen at liptint ko.
Nasa sasakyan na kami nang may may maisip akong sabihin.
"Klive, you won't tell anyone that we're married, okay?" kumunot naman ang noo niya saka seryosong tumingin sa akin.
"Why is that? Are you ashamed of me being your husband?" nagbabadya ang inis sa tono niya, pero alam kong pinipigil niya iyon.
Tumingin ako sa labas saka sumagot. "This marriage was your plan to pin me down. Kaya bakit kailangan natin ipaalam sa iba? Hindi ka pa ba masaya na nagawa mo na ang gusto mo?"
"But I want the whole world to know that you are my wife! That you're mine." mariin niyang sabi.
"You really did this on purpose. Tsk. Basta wala kang pagsasabihan, not even your team."
I crossed my arms.
Ilang minuto ang pinalipas niya bago muling nagsalita.
"Fine, I will, but in one condition.." pagsuko niya.
May kondisyon pa?
"Ano naman 'yon?" tanong ko.
"You will never meet with that Lance again." he said with finality.
Ano? Bakit?
"Kaibigan ko si Lance, Klive. Walang malisya 'yun at isa pa babalik na din siya sa America sa mga susunod na araw."
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at pagseryoso ng kaniyang ekspresyon.
"That's what I want. I will never tell anyone about us, just don't see that bastard again. Deal?"
Ang laki talaga ng problema niya kay Lance, wala naman ginagawa sa kaniya 'yung tao, unless..
"Teka nga, bakit ba galit na galit ka kay Lance? Nagseselos ka ba sa kaniya?" kuryoso kong tanong.
Kahit noong highschool pa lang kami grabe na talaga si Klive sa mga lalaking nagiging malapit sa akin. Isa na dun si Nico, Lance's cousin. I remember how he confiscate my phone just because we're texting and that one time that we were eating and Nico wiped something on my face. Tinakot niya pang pda daw ang ginagawa namin saka ako hinila kung saan. I also remember how I received his punishment kiss afterwards.
Does that mean he's also jealous that time?
"So what if I am? Tss, I'm your husband. I have all the right..."
Inaamin na niya?
"Nagseselos ka nga.."
"Oo na kaya hindi ka na makikipagkita sa kaniya. Naiintindihan mo ba, asawa ko?"
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again (Completed)
RomanceCan you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astielle Del Valle has a huge crush on Klive Zayden Cleovarez. The son of her father's friend. Their famil...