Kabanata 21

224 18 50
                                    

Kabanata 21

Kumurap pa ako ng ilang beses bago narinig ang munting tawa ni Mommy.

"Ang slow ni Ate." mahinang sabi naman ni Eijjei.

Mas naging mapula pa ang mukha ko. Did he just confess na ako 'yung babaeng tinutukoy niya? Na hinihintay niya? Seryoso ba?

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Is he making fun of me? For what? At sa harap pa talaga ng pamilya ko?

"Enough of your jokes, Engineer. Don't give them ideas that we can be together, that will never happen."

Hindi ako pinatulog ng hapunang iyon. Bumalik sa alaala ko ang larawan namin. Malaki ang ngiti ko sa labi habang suot ang wedding gown na props namin sa wedding booth. Bahagya ko pang itinaas ang kamay ko kung nasaan nakasuot ang nagsilbi naming wedding ring. I looked genuinely happy.

Since I got my heart broken, I never recall smiling like this. 'Yung ngiti kong walang halong pagkukunwari. 'Yung ngiting nagpapakita ng totoo kong damdamin. At 'yung ngiting sobrang saya dahil natupad ang isa sa mga pangarap ko kasama ang lalaking gusto ko.

This is the young, persistent and kind-hearted Erin. Ibang iba na sa Erin ngayon.

The next day, I woke up still feeling sleepy, pero nagulantang ako ng mapansing 8:30 na ng umaga! Dali dali akong naligo at nagsuot ng nude colored sleeveless jumpsuit at black stilletos. Mabilis ang ginawa kong pag-aayos kaya hindi ko na nagawang i-blower pa ang buhok ko.

I grabbed my bag and hurriedly went downstairs.

For sure, nakaalis na si Daddy sa oras na ito. Saan kaya ako sasakay nito?

"Good morning, princess. Napasarap yata ang tulog mo?" bati ni Mommy.

"Medyo nahirapan lang pong makatulog agad. Naka-alis na po si Dad?"

"Yes, anak. May maaga siyang meeting ngayon eh."

Sabi ko na eh. Paano kaya? Tawagan ko ba ang company driver? Ganon na nga lang siguro..

"But don't worry princess, nandito na ang sundo mo.."

Sundo? 'Yung driver?

"Saan 'My?"

"There!" turo niya sa lalaking nakatayo sa may pintuan.

Klive is dashing in his all-black Armani suit. He looks expensive and intimidating. Na parang kahit na sinong makakita sa kaniya ay mapapalingon sa taglay niyang kagwapuhan. His over-all aura can melt any girls heart in an instant. May suot pa siyang aviators, na ngayon ay ibinaba niya ng kaunti para tignan ako.

He's smiling at me. Kung ako pa 'yung dating Erin, I would surely melt. Baka maghugis puso pa ang mga mata ko sa sobrang kilig. Pero iba na ngayon. Nagtaas lang ako ng kilay sa kaniya na siyang dahilan ng mahina niyang pagtawa.

"Good morning Erin.." he greeted using his baritone voice.

Bumaling ako kay Mommy para kumpirmahin ang sinabi niya.

"Siya po ang tinutukoy niyong sundo ko Mommy?"

"Yes, anak. Siya pa mismo ang nagpresinta sa Daddy mo." tumingin siya sa lalaki. "Hindi ba, hijo?"

"Yes, Tita.."

Umagang umaga mukhang sira na naman ang araw ko. Hindi na nga ako nakatulog dahil sa sinabi niya kagabi, tapos heto siya at maaga akong iinisin.

"Sige na, lumakad na kayo at anong oras na. May pupuntahan ka pa Klive anak, hindi ba?"

"Yes, I do. But of course it can wait." ngayon ay sa akin na siya nakatingin. "We'll be leaving now, Tita.."

Fall All Over Again (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon