02: Target

130 2 0
                                    

Chapter 2:

*^O^*Now playing: Young, Wild and Free by Whiz khalifa

"So what we get drunk, so what we smoke weeds, were just having fun, we dont care who see, so what we go out, thats how supposed to be, living young and wild and free.." sabay-sabay naming kanta. Ang sarap sa pakiramdam. Tawanan kami ng tawanan. Ang saya. Ganito ang buhay na gusto ko. Walang problema.

On the way na kami sa gimik namin. We used one car for safety pauwi. Para sabay sabay kaming makauwi.

"Finally were here.." Sabay-sabay kaming bumaba. All eyes on us. Sa gaganda ba naman namin.

Makatawag pansin talaga. New place new faces. Bagong tayo lang tong bar na toh and we decided to try their place. Mukhang ok naman.

We usually dont sit at the Vip area. We prepared at the crowded one. Para mas masaya. Puro kasi mayayabang at feeling gwapong mga anak ng mayayaman ang malimit na nakapwesto dun. And they are so annoying and cheap. Pakiramdam ko kasi kapag nakatingin sila sakin. Alam mo yung asong nauulol. Yung tulo pa laway. Iww talaga. Yak.. Sayang ang yaman.

"What is your order pretty ladies?" Isang cute na lalaking waiter ang lumapit samin. Nakakahawa pa yung smile nya. Ang cute talaga.

"Pwede bang ikaw nalang ang orderin ko?" Natawa ako sa sinabi ni Kish. Nakapalumbaba nanaman sya at nakatingin kay kuyang cute na waiter. Seryoso ba sya dun? Parang kasi. Hirap talaga basahin ng babaeng toh. Ngumiti lang yung waiter na parang nahihiya. Ayun nanaman yung nakakahawa nyang smile. Napangiti tuloy ako.

"Oo nga kuya. Ikaw nalang." Gatong pa ni Jem. Nagpapacute pa ang walangya. Natawa nalang si Tara.

"Naku pasensya na po kayo. Bawal po kasi sa trabaho namin yun." Sabi ni kuyang waiter. Kakamot kamot lang sa ulo. Mukhang probinsyano ang style. Mukhang matino. Nagtawanan naman sila Kish.

"Joke lang yun kuya. Where not that desperate. Ang cute mo kasi. Sarap biruin." Sabi pa nya habang natawa.

"Aah ok po.." mahina nyang sabi na parang nahihiya nanaman. Ngumiti nanaman sya. LOL kailan ba sya titigil kangingiti. Nakakaaning na kasi.

"3 buckets of san mig. Light thats all.." singit ni Tara. Napatingin ako sa kanya.

"Emo lang ang peg? Kailangan talaga seryoso?" Pabiro kong sabi. Sabay tawa.

"Ang popogi nyo kasi. Mukha na kayong mamasan. Hinaharas nyo na." Banat nya. Sabay tawa. Ngumiti nanaman si kuya. Tapos paalis na sana sya. Tinawag lang sya ni Jem.

"Hey kuyang cute na waiter." Tawag nya. Tumingin din tuloy yung mga nasa kabilang table. Namula tuloy si kuya. Tapos lumapit na sya ulit samin. "Ano ngang pangalan mo?" Tanong ni Jem.

"Eddie po." Sagot naman nya. Mukhang bata pa toh.

"Aah.." sabi ni Jem. "Cute name, cute like you." Dagdag pa nya. Lalo tuloy nahiya yung bata. "Friens?" Inabot pa ni Jem yung kamay nya. Nawala naman yung hiya ni Eddie at kinamayan nya si Jem.

"Thank you po." Sabi nya. Tapos tumingin sya sakin.

"Same here." Nagsalut lang ako sa kanya sabay kindat. Kinamayan din sya nila Kish at Tara.

"Sige na back to work kana. Baka mapagalitan ka pa." Sabi ko. At umalis na nga sya.

Pagdating ng drinks namin. Toma to the max. Malakas ang alcohol tolerance namin kaya drink all you want kami. Pinag-aralan namin toh. Hindi toh inborn. Marami kasing napapagsamantalahan o nagpapasamantala ngayon gamit yang alcohol na yan. Kaya kung ayaw mong maisahan ka at ikaw ang makaisa. Dapat hindi ka nalalasing.

Nakakailang bucket na kami. Wala parin. Boring. Tinatamad akong sumayaw. Ang papanget kasi ng nagyayaya sakin. Actually wala naman talagang panget dito. Hindi ko lang sila type kaya panget ang term ko. Buti pa sila Kish at Jem nag-eenjoy. Mga "pwede na yan girls kasi"

Kahit sino pwede na. Trip lang naman daw kasi. Pero kahit pa. Maisip ko palang na dadampi yung magagaspang nilang kamay sa makinis kong balat. Kinikilabutan na ako.

Kaya etoh kami ni Tara. Nakaupo lang. May kakaiba sa babaeng toh ei. Napapansin ko lang.

Bilis naman yata ng maturity nya.

"Hoy Tara. Matanong nga kita. May problema ka ba?" Tanong ko bigla. Out of the blue. Kaya nagulat sya. Nainom pa naman sya dun bote nya. Nasamid tuloy sya.

"Ano ba yang mga tanong mo Devi? Bibigyan mo nga ako ng signal. Bigla ka nalang nanggugulat sa mga out of the blue mong tanong." Sabi nya habang pinupunasan yung bibig nya.

"Wala napapansin ko lang kasi." Sabi ko sabay inom sa bote ko. Naglight pa ako ng yosi at pacross na sumandal sa sofa na inuupuan namin.

"Wag ako ang pinuproblema mo. Yang gabi mo atupagin mo." sabi nya. Sabay nguso sa likod ko. Nahawana ba sya kay Jem? Lumingon naman ako sa likod ko.

May padaan sa tabi namin. Na isang gwapong nilalang. Alam talaga ni Tara ang taste ko. Pagdaan sa harap namin. Naghigh five pa kami. Sabay tawanan.

"Go get your target." Malandi pa nyang sabi sakin. Pinipilit nya pa akong tumayo.

"Maya na. Mukhang kararating lang. Hayaan mo munang mag-enjoy." Tapos sinundan ko ng tingin yung pinuntahan nya. Isang grupo din ng mga kalalakihan. Mukhang boys night out nila. Mga gwapo din naman yung mga kasama nya. Bakit ngayon ko lang napansin eh kanina pa nandito yung mga yun. Lutang talaga ako grabe!

Napansin kong may tinuturo yung kasama nyang lalaki sa kanya. Sa direksyon namin. Kaya nong tumingin sya. Nagtama mga mata namin. Nataranta ako kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Napansin yata ako ni Tara.

"Anong problema mo Devi?" Tanong nya pero di ako naharap sa kanya. Napansin kong gumalaw sya. Tinignan nya yata yung direkson kung nasan yung lalaki. "Ooh Devi palapit na." Sabi nya. Nagulat ako hindi ko alam ang gagawin ko. Ang hitad ko. Parang teenager lang aah. Abah swerte sya. Minsan lang ako humanga sa lalaki.Nasa tapat na pala namin sya. Ho my gali. Ano gagawin ko?

Itutuloy...

Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon