Chapter 28
Ang gwapo naman nya.
Oo nga. Ang cute.
Bagong classmate?
Yiiiiiee..Sino kaya sya?
Ilan lang naman yan sa narinig ko. At sobrang nakakairita.
Gwapo naman talaga sya. Pero hindi ko maiwasang kilabutan ngayong nasa harap ko nanaman sya.
Dito lang naman sya sa room namin dumeretso pagkakita ko sa kanya sa baba.
"Mr. Nakahama anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sir.
'So hindi namin sya new classmate?'
"Aah Sir. Makikiseat in lang sana. May hindi po kasi ako naintindihan kanina sa tinuro nyo."
"Aah ganun ba Mr. Nakahama. Sure sige tuloy ka."
'So same year lang pala kami. Bat ngayon ko lang sya nakita?'
Umupo sya sa hilera lang namin sa likod. Bale dulo dulo kami.
Nakatingin sya sakin at nakipagsukatan lang din ako ng tingin sa kanya.
"Ang creepy Devi. Nakakatakot syang tumingin." Biglang sabi ni Jem. Pabulong lang.
"Kilala mo ba sya?" Tanong ni TAra.
"Sya yung kumidnap sakin." Pabulong ko ding sabi.
"What???" Sabay sabay pa sila.
Ang lakas kaya."Ms. Chaves, Ms. Rems, Ms. So and Ms. Piamonte care to share? Mukhang may sarili kayong discussion?" Sabi ni Prof.
Samin nakatingin lahat.
'Pasalamat sila wala ako ganang mambara ngayon.'
"Ang hina kasi ng boses mo prof. Hindi namin dinig dito yung dinidiscuss mo." Sabi ko. Note the sarcasm.
'Wala pa ako ganang mambara nyan.'
"Ganun Ms. Piamonte. What about you Mr. Nakahama? Hindi mo rin ba naririnig dyan yung dinidiscuss ko?" Sabay baling nya kay crazy lover.
'Impakto talaga tong si Guazon. Pinapalabas pang sinungaling ako.'
'Eh totoo naman.' Tawa nalang!
"Aah Mr. Guazon medyo mahina nga po yung boses nyo." Nahihiya pang sabi nitong si crazy lover. Pero infairness hindi nya ako pinahiya.
Mukhang asar naman si Guazon. Pano malakas naman talaga yung boses nya. Mapuputol na nga yata litid sa lakas. Eh gago ako ei. May magagawa ba sya?
Napatingin lang ako kay crazy lover. Nakatingin din sya sakin.
Nagtirikan nanaman balahibo ko. Nagbawi agad ako ng paningin.Hindi na ulit ako lumingon.
DISCUSSION
Sa wakas tapos na.
Hindi ako nakapagconcentrate.
Gago tong si crazy lover ei.Paglingon ko sa inupuan nya.
'Wala na?'
Ang gagwapo talaga nila.
Ang gagwapo talaga nila.
Hindi na kailangang lingunin.
Alam na."Hi babes." Rinig ko na agad si kuya. Inaayos ko pa yung gamit ko.
"Tsuma."
'Tama ba dinig ko? Parang si Marco yun?'
Pag-angat ko ng ulo.
BINABASA MO ANG
Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)
General FictionA story of a girlna walang alam ibang gawin sa buhay kundi ang magsaya -Devi Piamonte. Live your life to the fullest. Yan kasi yung motto nya. Nasa kanya na lahat. Yaman, Talino, Beauty. Pakiramdam nya kumpleto na. She didnt accept HURT as a word. G...