04: Car

101 0 0
                                    

Chapter 4

"Tinatamad akong pumasok." Nakapalumbaba nanaman si Kish. This time sa bubong naman ng kotse nya. Nasa parking lot kami at nakatambay.

"Wag na tayo pumasok Devi. Inom nalang tayo sa bahay." Sang-ayon naman ni Jem. NAkaupo sya sa front seat ng car nya na nakaopen yung door.

"Sige pero dun nalang tayo sa hauz namin. May mga bagong alak si daddy na tinago dun sa bar nya." Nakasandal naman ako sa kotse ni Jem. Magkatabi lang yung car ni Jem at Kish kaya hindi kami ganung magkakalayo.

"Panigurado patay ka nanaman sa daddy mo." Tatawa tawa lang si Jem.

"Dont worry guyz. Alam nyo namang loves na loves ako nong si daddy." Nakatawa ko lang ding sabi.

"Sya sige na ikaw na only daughter. Pero sigurado ka bang wala dun ang kuya Denver mo? Dun tayo patay panigurado." Sabi naman ni Kish.

"Wala yun dun. Narinig ko kasi kanina yun. May kausap sa phone. May night out yata silang magkakaibigan ngayon." Laki ng ngiti ko.

"Ooh sya sige. Siguraduhin mo lang. At ayokong majackapatan kila kuya King. Sumbungero pa naman yang kuya mo." Sabi pa ni Kish. Magkakaibigan din pala ang mga kuya namin. Sila ang rason kung bakit nagkakila kilala kaming magkakaibigan.

"Dont worry guyz. Kapag pumalpak. May tig iisa kayong wish sakin." Nagtawanan naman sila.

"Ano ka Genee?" Tawanan pa sila lalo.
"Hindi ako nagbibiro. Bahala kayo kung ayaw nyo." Naiinis na ako sa totoo lang.

"Geh payag ako." Napatingin ako kay Tara. Kanina pa kasi no comment tapos bigla iimik. Sa back seat sya ng kotse ni Kish nakaupo. NAkaopen din yung door. Nakangiti pa sya. "Siguraduhin mo lang tutuparin mo yung hihilingin ko ha." Nakangisi na sya. Parang gusto ko ng umatras. May naamoy akong kawalangyaan kay Tara.

Mukhang nagets naman na ni Kish at Jem kung ano man yung iniisip ni Tara. "Geh payag na kami." Sabay pa sila. Nag-apir pa sila. Ang slow talaga. Para san naman yun?
Paalis na kami. Nagtayuan na sila. Napatigil lang kami. May dumaan kasing black sports car. Ang gara. Mayaman. Sino kayang may-ari? Baka naman kung anong ganda ng kotse syang panget ng mukha ng may-ari? Sa isip ko lang.

Bumukas yung door ng car. Napatingin ako kila Kish. Abangers din ang mga loka.

Paglabas nong driver. Nakashades pa. Nakapoker face na agad ako.

"Ang gwapo naman." Sabi ni Kish sa mahinang boses. Pero rinig naming tatlo. Ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya. Sya naman parang kinikilig.

"Si Marco pala. Ang hot nya talaga." Nagpuppy eyes pa si Jem. Yak lang ha.

"Oh ikaw TAra wala ka bang sasabihin?" Badtrip kong sabi. Natawa naman sya.

"Nothing." Nagpipigil pa sya ng tawa.

"Meron ka ba teh? Init ng ulo mo. Ang ganda ganda ng view oh." Nginuso pa nya yung direksyon ni Marco. Kinikilig ang puta.

"Anong maganda sa view? Eh ang panget panget naman ng Marco na yan." Oops! Napalakas yata pagkakasabi ko. Napatingin kasi samin yung mga studyante sa parking lot. At syempre narinig din yun ni Mr.Mahangin.

Palapit sya samin. Hindi tuloy ako makalingon ng maayos. Etoh nanaman yung pakiramdam na. Natatanga ako.

Palapit na sya. Malapit na malapit na. Malapi-------.

"Hi babe." Isang babae yung lumapit sa kanya. Hinalikan sya sa labi. Humawak pa sa braso nya. Tapos hinila na sya paalis.

"Sayang! Akala ko pa naman satin lalapit." Pumitik pa si Jem. Napailing nalang ako. Napatingin ako kay Tara. Nakangiti sya sakin. Nang-aasar ba sya? Inirapan ko lang sya. Lumakas naman yung tawa nya.

Bwiset na lalaki yun. May araw ka din sakin. Akala mo sya lang may babae. Ako din noh.

Itutuloy.....

Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon