07: Laptop

72 1 0
                                    

Chapter 7

              Nandito ako ngayon sa bahay. Walang pasok. At guess what. Sino nandito.

              Nandito lang naman ang mga kaibigan ng kuya ko. Nanonood ako ng tv sa sala ng dumating sila.

              "Devi umakyat ka sa taas at gagamitin namin tong sala." Nag-utos nanaman ang bakulaw. Istorbo talaga tong si kuya! Padabog akong tumayo at niligpit yung dala kong favorite kong unan at kumot. Nakakainis talaga!
               "Devi nice bra." Sabi ni Tyron. Napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Nakasando nga lang pala ako. Yung bra na tinutukoy nya hindi yung pang two piece or swimming. Bra talaga yung pang everyday lang.

                 "Pervert." Hinarang ko yung unan ko sa harap ko. Hindi naman kalakihan yung dibdib ko. Tama lang naman. Maipagmamalaki din. Pero nakakahiya pa din. Napatingin naman ako kay Marco.

                Aba't sa ibang direksyon nakatingin ang luko. Hindi ba talaga ako kaakit akit sa paningin nya. Lalo tuloy akong naiinis.

                Walk out nanaman ang eksena ko. Kainis!
               "Denver mukhang lalong nagalit yung Lil sis mo." Tumawa pa si Tyron. Nadinig ko pa.

               "Don't bully her. Alam mo namang ako lang ang may karapatang asarin yan." Narinig ko pang sabi ni kuya. Akala ko pa naman pinagtatanggol ako. Hmmp!

Tyron pov

                Nandito kami ngayon sa bahay nila Denver. Ito kasing si Marco ang kulet. Sisilay lang naman. Sinama pa kami.

                "Nakakainis ka na naman Den! Bat kasi pinaakyat mo si Devi. Kaya nga tayo pumunta dito diba." Etoh na nagmamaktol na si Marco. Maghapon na kasi kaming nandito. Hindi parin nababa si Devi. Natatawa nalang ako.

                "Marco bawas bawasan kasi ang ligaw tingin lang. Ano ba nahihita mo dyan?" Banat ni Jacob. Nagtawanan tuloy kami. Badtrip si mokong.

                "Baka nakakalimutan nyo yung napakagaling nyong plano. Kung bakit nagalit sakin si Devi." Asar nanaman sya. Naalala nanaman nya kasi yung sa bar. Yung sinabi ni Jason na hindi daw type ni Marco si Devi.(Chapter 3)
                "Kanino ba kasing plano yun? Diba sa magaling nyang kuya." Sabi ko. Sabay pa kaming tumingin ni Jacob kay Denver.

                "Guyz I know Devi. Ayaw nya sa mga lalaking naaakit sa ganda nya. Siguro kung nakasama mo sya non. Kinaumagahan hindi ka na kilala non." Tumatawa nanaman sya. Siraan ba naman ang sariling kapatid. "She should like you because she like you not because you like her." Genus mode ang luko.

                 "May punto din naman dun si Mr.Love. Makinig kayo." Basag ko naman. Tawa pa ako ng nakakaloko. Badtrip sila Marco. Sabay sabay nila akong binato ng throw pillow.

                "Aah! Pagtulungan ba? Pag ako naiinis. Ako manliligaw kay Devi ei." Napalakas yung pagkakasabi ko. Nagulat naman si Denver at Jacob sa sinabi ko. Si Marco mukhang galit.

                "As if namang sagutin ka kung ligawan mo." Yan ang gusto ko kay Marco taas agad ang bandila.

               "I like her but your my friend. Hindi ako tumatalo ng kaibigan." Naniningkit na yung mata ni Marco. Natatawa na tuloy ako.

               "Tigilan nyo na nga yan Tyron-Marco. Baka magkapikunan pa kayo. Pumagitna na si Denver. Pero hindi naman talaga kami mag-aaway. Inaasar ko lang talaga si Marco. Pano inlababong inlababo kay Devi.

                Lumapit na ako kay Marco. Inakbayan ko pa sya. "Peace yow." Siniko nya lang ako. Tapos nagkatawanan na ulit kami.

               "Tama na nga yan.Dito na pala kayo magdinner. Nagluto na sila manang." Tumayo na si Denver. Sumunod nalang kami sa kanya sa kitchen.

                "Yes foodtripan na." Tuwang tuwa si Marco. Yan kasi ang hobbies nyan. Ang kumain.

                "Umatake nanaman yang kasibaan mo Marco." Tatawa tawang sabi ni Jacob. Nagtawanan na kami lahat. Pagdating talaga sa pagkain. Nag-iiba bigla si Marco. Napakatakaw. Pero di naman nataba. Umupo na kami. Daming niluto ni manang. Daming kinuha ni Marco. Bagilo sya sumubo.

                 "Mind your own business Jacob." Nanlilisik pa yung mata nya. Natawa rin naman  sya sa sarili nyang expression.

                "Oh Yaya Celing san po kayo pupunta?" Dumaan kasi sa harap ko si Manang Celing. Yung yaya nila Denver. She's 38. Siya ang tumayong 2nd mother kila Denver at Devi dahil bc sa trabaho ang parents nila.

                "Tatawagin ko lang po si Seniorita." Sagot nya. Yumuko pa sya ng konte. Tanda ng paggalang. Kakaiba talaga mga katulong dito kila Denver. Napatingin naman ako kay Marco. Mukhang nagulat sya. Never pa kasing sumabay pagkain si Devi samin. Malimit kapag ganitong oras nasa galaan na yun. Nakakapagtaka nga at nandito sya ngayon.

                 "Tyron ikaw na ang tumawag." Sabay sabay kaming napatingin kay Denver. Syempre why me? Bat di si Marco. "Ikaw na Tyron at baka gahasain pa ni Marco yug kapatid ko dun sa taas." Nagkatawanan tuloy.

              "I see." Tumingin pa ako kay Marco bago tumayo. Nan sama tumingin.

              "Tyron binabalaan na kita." Nagsalita din si Ugok. Nag-evil smile lang ako. Asaar!

             "Marco i asked Tyron kasi hindi bababa yung si Devi kapag sinabing kasabay tayo. Malakas mang-asar yang si Tyron kaya panigurado mapababa nyan si Devi." Umaliwalas naman yung mukha ni Marco kahit kailan talaga. Umakyat na ako.

                Nasa pinto na ako ni Devi. Hindi ako kumatok aasarin ko nga kasi sya. I liked her when she's irritated.

                Pagtulak ko ng pinto. Hindi nakalock. Napaka careless talaga ng babaeng toh. Pagsilip ko. Wala sya. Pumasok na ako. Balak ko sanang gulatin sya.

               Pagpasok ko. Iniwan ko lang bukas ang pinto. Baka mapag-isipan pa ako ng masama.

               Lumakad ako palapit sa kama nya. May laptop sa ibabaw.

              Hmmmm? Paglapit ko. Hindi nakapatay. Ibig sabihin nandito lang sya. Paglapit ko pa.

              Grabe ang gulat ko. Hinarap ko pa sakin yung laptop. Biglang lumabas si Devi sa cr. Nakatowel lang sya.

              Sumigaw sya nong makita nya ako. Pero hindi sya sumigaw dahil nakatowel lang sya. Sumigaw sya dahil hawak ko yung laptop nya.

             "Aaaaaaaaaahhh!" Grabe nabingi ako. Tumakbo pa sya palapit sakin at kinuha yung laptop nya. Niyakap pa nya. "Anong ginagawa mo dito? Pakielamero ka talaga kahit kailan Tyron." Mukha syang naiinis. Tawa naman ako ng tawa.

                "What so funny?" Irita nyang sabi.

                "We never know na you like Marco." Tapos tumawa pa ako ng malakas. Hindi ko mapigil yung tawa ko. Ang sakit ng ng tiyan ko.

              

Itutuloy...

Guyz sorry po sa late update nasira po data connection ko.
Akala ko di na maayos..
So happy paggising ko this morning..

Ty po waiting..

Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon