05: Dance

96 1 1
                                    

Chapter 5

Nandito na kami sa hauz namin. Pinatulog ko na yung mga maids. Para walang istorbo. Hindi lang kasi kaming apat ang nandito. Sinama namin yung mga new boyfie namin. Si Tara lang ang behave. Tamang inom lang.

Nandito kami ngayon sa swimming pool sa loob ng bahay. Sound proof ang mga rooms dito samin. Kaya ok lang ang malakas na sounds.


Playing 1,2 Step by Ciara ft. Missy Elliot

Nagdedirty dancing si Kish at yung jowa nyang si Pablo. A model and a hunk. Nakashort lang sya kaya kitang kita yung ganda ng katawan nya. Grabe sumayaw tong dalawang toh. Parang mga linta. At etoh na po. Naghahalikan na sila habang nasayaw.

Si Tara tatawa tawa lang. Pati si Jem. Napapatawa nalang din ako. Nakayakap naman mula sa likod ko yung new boyfie ko. Si Loyd. Gwapo din naman sya. Maganda din ang katawan. Pero hindi ko talaga alam. Hindi ko sya type ei. Type ko lang for the night.

Hinahalikan nya ako sa balikat. Natatawa nalang ako sa isip ko.

Napalingon ulit ako sa mga kaibigan ko. Si Tara namimili ng new song. Mukhang sasayaw ang luka. Si Jem naman inaaya yung jowa nyang si Ron.

Playing Whine Up by Kat Deluna.

Ang kulet ni TAra. Lasing na yata. Ang gulo na nong sayaw. Hindi naman Kj yung mga boys. Nakijoin sila. Hinila ko naman si Loyd. Para makijoin din kami. Sumama naman sya. Nakakatuwa.

Sayawan to the max. Tawanan kami ng tawanan. Kumuha ako ng isang bote ng alak. Inalog ko. Tapos pagbukas ko sumirit yung alak. Pinaikot ko. Naliligo kami ngayon sa alak. Ang saya. May mas sasaya pa ba sa buhay ko ngayon?

"Huuuuuuuu...." Sigawan namin. This is life.


Next song Papa Americano

Naghahalikan na kami ni Loyd habang sumasayaw. Yung iba. Tuwang tuwa sa kasasayaw at kaiinom.

"What is this?" Malakas na buong boses yung umalingawngaw sa buong room. Natalo pa yung sounds. Napatingin ako sa pinto. Dun kasi sila lahat nakatingin.

"Anak ng tokwa! Patay tayo Devi." Bulong sakin ni Kish. Napabitaw naman ako sa pagkakayakap sakin ni Loyd. Naitulak ko sya ng bahagya.

"Aah ano kasi kuya. May konting celebration lang kami." Natatakot na ako. Mas nakakatakot kaya si kuya kaysa kay daddy.

"Celebration? O sinamantala mo lang na wala ako?" Mukhang galit na si kuya. "At kayong mga lalaki kayo. Get out of our house. If you dont want me to call your parents." Kaedad lang kasi namin sila. Nagtakbuhan naman paalis yung mga lalaking duwag. Bwiset!

"Sa totoo lang Devi principal ba kuya mo?" Bulong nanaman sakin ni Kish. Siniko ko na sya. Nagagawa pa kasi nyang magbiro. Nasa hot seat na kaya kami.

"Tsk tsk tsk. Lagot ka kay mommy mamaya." Biglang lumabas sa likod ni kuya si King, kuya ni Kish.

"Anak na! Anong ginagawa mo dito?" Sumigaw si Kish.

"Lil sis wag mo akong sigawan ngayon. Kasi baka isumbong kita kila mama." Pang-aasar pa ni King. I dont call them kuya two years lang kaya gap namin. Pakiramdam ko ang OA. Pero iba lang kay kuya ko.

Lumapit na si Kish sa kuya nya. Nilalambing lambing nya. Pumasok naman si Jacob kuya ni Jem. Sumunod naman si Tyron kuya ni Tara. Sa totoo lang bat nandito silang lahat?

"Bakit nandito kayong lahat?" Hindi ko na napigil.

"Gawa nong isang tao ja----." May sasabihin sana si Tyron. Siniko lang sya ni Jacob. Parang mga tanga. Bahala nga sila.

"Hoy Devi wag kang magsisigaw jan. Lumapit ka dito sakin." Sinesenyas pa nya yung kamay nya na halika dito. Humakbang naman ako. Pero kinakabahan talaga ako.

Pagkalapit ko sa kanya. "Look at your self. Your a mess." Ipapahiya ba talaga nya ako sa harap ng mga kaibigan ko? Si kuya lang talaga ang may kakayanang paiyakin ako. "Go to your room and put some clothes. Binebenta mo ba yang katawan mo?" Etoh na naiiyak na ako. Hindi ako pwedeng sumagot. Panigurado sasampalin ako ni kuya.
"And next time if your going to get a new boyfriend. Siguraduhin mong yung kaya akong labanan." Pahabol pa nya.

Tumakbo nalang ako ng nakayuko. May nabangga naman akong tao. Pagliko ko sa pinto. Napaatras tuloy ako.

Pag-angat ko ng ulo ko. "What are you doing here?" Naiiyak ako at the same time naiinis. Kung nandito sya ibig sabihin nakita nya lahat. Nakakainis! He didnt answer me. Hindi sya nakatingin sakin. Nakakunot nanaman noo nya. Ano bang problema ng taong toh? And so what kung nakita nya? Bahala nga sya.
Nilagpasan ko na sya. Nanakbo na ako papunta sa kwarto ko. Pero hindi na ako naiiyak.

Nakangiti ako..

Itutuloy.....

Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon