Chapter 33
Marco pov
"Hello to Devi's world. Pwede po ba naming makausap si Marco?"
Minsan talaga nagtataka na ako kung pano nakakapasok tong mga kaibigan ko sa kwarto ko. Kahit pa ilock ko. Minsan tuloy iniisip ko. Na baka pati mga kasambahay namin e pinapatos na nila. Gross. Kaedad na kaya ni Mama lahat ng maids dito sa bahay. Ok sana kung mga kasing ganda ni Mama.
"Earth to Marco." Shit talaga ang kulit nitong si King. Kanina pa nila ako kinukulit lumabas ng bahay. E sa ayoko nga.
Galit sakin si Devi ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin. Wala naman akong ginawang masama. Meri is my cousin. Kaya hindi ko alam. Bakit kailangan kong magsorry.
"Marco Mar--"
"Shut up King!!" Napaupo na ako sa kama ko sa inis.
"Pwede ba kayo na lang. Marami akong iniisip ngayon!"
"Pare nakwento na samin ni Denver yang issue nyo ni Devi at sobrang simple." Segunda ni Jacob. Simple? Eh ako nga hirap na hirap.
"Pano naman naging simple yun? It's not my fault. Hindi sya marunong magtanong."
"Seriously Marco. Yan bang rason mo na yan kaya mong panindigan sa harap ni Devi?" Tanong ni Jacob. Napaisip naman ako.
"Off course hindi." Humina yung last word ko.
"Kitams. Baka pakainin ka lang ng kamao non." Banat ni Jacob. Kaya nagtawanan sila. Humiga na lang ulit ako.
Totoot.. Cp ko yata yun. Baka si Devi na.
Masiglang masigla akong umupo at inabot ang phone ko sa side table.
1 message from asawa ko.. Sabi ko na ei. Pero secret lang natin yung name nya sa phone ko. Hindi nya alam na ganyan ang name nya sa phone ko.
Open..
[Marco. Im really sorry na talaga. Narealize kong ako pala ang mali. I love you. See u at YWAF.]
"Mga tol nauulol na tong si Marco. Iwan na nga natin." Tumalikod na si Tyron.
"Nakakasira ng ulo yan Pre." Tinapik pa ako ni King sa balikat bago lumakad na.
"Baka mapunit yang labi mo Marco." Natatawa ding sabi ni Jacob. Paalis na din sya.
"Jacob wait. san ba kayo?" Sigaw ko. Palabas na kasi sya ng pinto.
"YWAF."
"Ha? Wait pre. Liligo lang ako." Dali dali na akong nagpunta sa CR.
Sa YWAF
"Hi Marco."
May bumati agad saking chick. Pero Hindi ko na pinansin. Asan kaya si Devi?
"Iba kana talaga bro." Inakbayan pa ako ni King. Anong iba na daw?
Hayae na nga. Asan ba ang Tsuma ko?
"Nandito." Napatingin ako kay Tyron.
Naglalakad na sya pakaliwa. Kaya sumunod na lang kami.Natatanaw ko na sila. Pero anong ginagawa ng lalaking yun dito?
"Hi guyz. Hi sis." Bati ni King. Pero deadma. Bc sa pagpapacute.
"Hi Tsuma." Umakbay na ako sa Tsuma ko. Pero no response. Galit pa rin yata. "Tsuma so-"
"I missed you Husby." Niyakap nya ako.
BINABASA MO ANG
Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)
General FictionA story of a girlna walang alam ibang gawin sa buhay kundi ang magsaya -Devi Piamonte. Live your life to the fullest. Yan kasi yung motto nya. Nasa kanya na lahat. Yaman, Talino, Beauty. Pakiramdam nya kumpleto na. She didnt accept HURT as a word. G...