Chapter 6"Ganda ng ngiti mo aah? Parang hindi ka nasabon kagabi? Nakapagbanlaw kana ba?" Tinignan ko lang ng deadly look si Kish. Sa totoo lang hindi ko nga din alam bat masaya ako. Pero basagan ba. Tumawa naman sya ng malakas.
"Mukhang hindi ka napagalitan aah? Lakas mo pa mang-asar." Ang sama parin ng tingin ko sa kanya.
"Well dahil hindi kana bumaba kagabi. Tinuloy namin yung party. Kasama sila kuya. Ok din pala kasama kuya mo." Ngiting ngiti ang loka. At bat hindi ko alam na nandun pa sila. Nakatulog na kasi ako sa sama ng loob.
"Hoy luka! Ano yang mga ngiting yan? Wag ang kuya ko sinasabi ko sayo. Walang taluhan." Naglalakad na kami sa hallway papuntang room namin.
"Makaluka wagas? Nakakatuwa lang kagabi." Tumawa nanaman sya ng malakas. Naloloka na talaga tong babaeng toh.
"Bakit? Ano ba nangyari kagabi?" Nagtanong na tuloy ako. Naintriga na ako ei.
"Wala yun Devi. Masaya lang kainuman ang mga kuya." Biglang umakbay si Jem saming dalawa. Napansin ko namang napangiwit si Kish. Anong meron??
"ALam nyo para kayong may mga toyo." Nakakaasar na. Parang may hindi ako alam. Naglakad na ako pauna.Pagliko ko sa kanto. May nakabunggo nanaman ako. This time napaupo na ako sa sahig dahil tumatakbo yung nakabunggo ko.
"Ang sakit ha!" Galit kong sabi.
"Sorry." Inangat ko yung ulo ko. Inaabot nya yung kamay nya para itayo ako. Syempre inabot ko.
Pagkatayo ko. Nagsalita sya. "Sorry ulit ha. Nasaktan ba kita?" NAkatingin lang ako sa mukha nya. Mas gwapo pala sya sa malapitan. "Ok ka lang?" Natauhan ako sa sinabi nyang yun. Tulaley pala ang lola nyo. Nakakahiya.
"Aah aah ano. ok lang ako." Ano ba tong sinasabi ko.
"Sige. Mauna na ako. May hinahabol kasi ako. Sorry ulit." Tapos umalis na sya. Hinabol ko pa sya ng tingin. Paglingon ko sa may right side. Shocks! Sila Kish.
"Ano yun ha?" Papalapit sakin si Kish.
"Anong ano yun?" Kunware walang alam effect ang lola nyo.
"Si Marco yun diba?" Si Jem mukhang kinikilig pa.
"And so?" Sige pa Devi. Deny pa.
"Aah ewan ko sayo. Ang manhid mo.!" Binatukan ni Tara si Jem."Aray ha.." Tumingin pa sya ng masama kay Tara. At yung titig ni Tara ang nagwagi.
"Kung ayaw nyong sabihin sakin. Fine! Kalimutan nyo ng kaibigan nyo ko." Nakakahalata na kasi ako. Parang may tinatago sila sakin. Walk out nanaman ang effect ko. Pero hindi sila sumunod.
Paglingon ko. Nag-uuyuan pa sila. Meron talagang kakaiba.
Nagpunta akong library. Dala ko yung laptop ko. Dito nalang ako pupwesto para tahimik.
Bandang dulo ang napili kong upuan. Yung tipong ako lang talaga.
Nag-open ako ng facebook. Scroll down scroll up. Wala namang magawa. Boring. Ilalog-out ko na sana ng may maalala ako.
Friend ni kuya si Marco. Panigurado friend din sila sa fb.
Search.. search.. search..At ayun. Marco Romualdez. Ang cute naman ng profile pic. nya. Nakanerd shades sya tapos stolen. Half body yung kuha. Mukhang nakaupo sya.
Click. Profile.
Nice cover photo. Sila nila kuya. Mukhang nasa outing sila nito aah.
Nagtingin tingin pa ako. Ang dami nyang picture. Ang cute. Pero bat ganiti mga picture nya. Lahat nakangiti sya. Pero bakit kapag kaharap nya ako. Laging nakakunot yung noo nya. Nakakainis naman.
Sinave ko yung profile pic. Nya sa laptop ko. Tapos ginawa kong wallpaper. Yan! Nakangiti kana ngayon sakin.
Nilagay ko din sa phone ko.Pero hindi ko ginawang wallpaper. Baka makita pa nila Kish.
Nilagyan ko ng password yung laptop at cp ko. So we can be safe. Evil laugh in my mind.
Para sa laptop. MarcoDevi yung password. Para naman sa phone ko. Pattern . "M" for Marco. Stalker lang ang style ko aah.
Hindi ko alam bat ganito ako. Basta ang alam ko. Crush ko sya.Crush ko si Marco. Pero crush lang ha. Crush lang.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)
Художественная прозаA story of a girlna walang alam ibang gawin sa buhay kundi ang magsaya -Devi Piamonte. Live your life to the fullest. Yan kasi yung motto nya. Nasa kanya na lahat. Yaman, Talino, Beauty. Pakiramdam nya kumpleto na. She didnt accept HURT as a word. G...