Chapter 26
Hindi na nakapasok si Devi. Tumuloy sa bahay nila yung lagnat nya.
Ako naman etoh sa bahay. Nag-iisip.
Sino kaya yung lalaking yun? Sigurado ako ngayon nabalitaan nya na nakaligtas si Devi. I should find that guy bago pa may mangyaring masama ulit kay Devi.
"Bunso balita ko nakauwi na daw si Devi? How is she?" Nagulat naman ako sa biglang sulpot ni Ate Iane.
"She's fine. She just need some rest." Sabi ko.
"Dadalaw ka ba ngayon? Can i go with you?" Tumabi na sya sakin sa higaan ko. Nakaupo lang sya.
"Sure." Sabi ko. Tumayo na sya agad. Parang wala sa sarili?
"By the way bunso. Tumawag si Denver kanina. Di ka daw kasi macontact. Thanks daw." Sabi nya bago sya tuluyang lumabas ng room ko.
Non ko lang naalala yung phone ko. Kinuha ko lang sya sa drawer sa tabi ng kama ko.
Nabasa nga pala ng ulan. Bibili nalang ulit ako ng bago.
Nasa kotse nga pala yung bag ni Devi. Naalala ko bigla.
Bumangon agad ako.
"Iho buti bumangon kana. Kumain kana ba?" Nasa sala si Mama kasama sila ate Margot at ate Marjo.
"Busog pa ako Ma. Thanks." Sabi ko pero direderetso ako ng lakad papuntang parking area.
Pagbukas ko ng pinto ng kotse ko nakita ko agad yung bag ni Devi.
Pabalik na ulit ako sa kwarto ko.
"Oh iho kanino yang dala mo?" Si Mama talaga.
"Kay Devi po Ma." Sabi ko. Nasa hagdan na ako pero naririnig ko yung sinasabi ni Mama kina ate Margot.
"Parang kakaiba yata kapatid nyo ngayon. Hindi na suplado."
"Sila na yata ni Devi Ma."
"Talaga? Binata na talaga ang bunso ko."
Napangiti tuloy ako.
Pagdating ko sa room ko. Nilapag ko lang yung bag ni Devi sa kama ko. Tapos dumeretso na ako ng Cr. Para maligo.
Paglabas ko ng Cr. Napatingin ako sa bag ni Devi.
Ang uchusero ko ba?
Binuksan ko yung bag nya. Organize pala sya sa gamit.
Laptop, cellphone na nakalagay sa red case, comb(walang make-up?), binder, at ballpen.
Kinuha ko yung laptop nya. Napakapakielamero ko talaga!
May password? Tsk!
Cellphone? Meron din? Tsk!
"Bro." Bigla bumukas yung pinto ng kwarto. Hindi ko pala nalock?
Si Ty.
"Kamusta?" Sabi nya. Palapit na sya sakin.
"Uy laptop ni Devi yan ah?" Parang nagulat sya.
"Nakalimutan ko lang ibalik sa kanya." Sabi ko. Isinara ko na. Huminga naman sya ng malalim. Bat kaya?
"Hindi ka kasi macontact kaya nagpunta na kami dito." Sabi nya. Kami?
"BIL kamusta?" Biglang pasok ni Denver. Sinong Bill?
"Kanina pa yan BIL ng BIL. Brother in law daw." Tatawa pa si Jacob. Napangiti lang ako. Ang dami talagang kakornihan nitong si Den sa katawan.
"Wala ka bang balak pumasok? May problema kang kailangang ayusin sa school bago pumasok si Devi." Sabi ni Denver.
"Bakit anong problema?" Sabi ko. Inabot sakin ni King yung school newspaper.
"Huminga ka muna ng malalim. Panigurado magwawala si Devi dyan." Sabi pa nya.
Front page.
"Miss Devi and her former boyfriend- Marco. Do the usual thing at the school clinic." At talagang usual thing pa!
"Who did this? Damn it!" Sabi ko sa galit.
"Basahin mo yung next page." Sabi ni Tyron.
"Pero Marco hindi mo naman ginawa sa kapatid ko yun noh?" Sabi ni Denver.
"I respect her you know that." Sabi ko.
"Good!" Sabi nya.
Totoottt.. cellphone ringtone.
Sabay sabay nilang kinuha yung phone nila. Pero kay Denver yung txt.
"Magbihis kana Marco. Si Devi daw pumasok." Sabi ni Denver.
Shit naman talaga! Ang bilis kong nagbihis. Bitbet ko na din yung bag ni Devi.Devi pov
Masakit pa ang katawan ko. Pero kaya naman na. Buti nalang may sa pusa ako.
Magpaparada palang ako ng kotse ko. Napansin kong nakatingin sakin lahat ng Studyante?
Naconfirm ko na pagbaba ko. Kasi nagbawi sila lahat ng tingin.
Habang naglalakad ako. Sige tingin lang. Yan lang naman kaya nyong gawin.
"Abat pumasok pa talaga!"
"Ang kapal grabe!"
Hindi na nahiya! Yan ang narinig ko sa left side ko.
Mukhang ako yata yun ah? Lingon sa left side.
Isang grupo ng mga babae. Dati ko na silang nakikita. Kaya lang hindi ko na pinapansin. Mga no wents naman kasi.
Napansin ko yung dalawang babae. Sila yung nambubully kay Iane last time bago ako makuha nong stalker ko ah?
Aah! Kinikilabutan talaga ako kapag naalala ko yung crazy lover na yun.
Lumapit ako sa kanila. Talagang lumapit ako. Ano ako yung bidang babae na inaape? No no no! Sa panaginip lang yun.
"Anong problema nyo?" Sabi ko.
"Wala naman. Hindi lang namin matiis yang kalandian mo!" Mayabang na sabi nong isa. Na leader yata.
"So. April pala ang pangalan mo? Tandaan mo yang pangalan mo. Baka kasi mamaya makalimutan mo na." Nakita ko lang sa I.D nya yung pangalan nya.
Tinignan nya yung ID nya tsaka humarap uli sakin.
Bigla ko syang nilapitan. At hinawakan sa kwelyo. Nakaupo sya sa lamesa. Yung kanang paa ko nakapatong sa lamesa at yung kaliwa sa upuan.
Pinipilit nyang tanggalin yung kamay ko sa kwelyo nya. Pero mahigpit ang hawak ko. Hindi na yata sya makahinga.
"Kahit ano ako at kahit anong gusto kong gawin. It is none of your business." Gigil kong sabi. Ubo na sya ng ubo. Kinalmot pa nya yung braso ko.
"Abat nalaban ka pa!" Sinampal ko pa ng isa. Yung mga kasama nya hindi malaman ang gagawin.
"Miss Devi tama na po yan." Sabi nong isang babae na nambully ky Iane.
"Miss Devi baka mapatay nyo po si April." Sabi pa nong isa. Kita mo yung takot sa mukha nila. Grabe naman! Mapatay agad?
"Devi." Biglang may sumigaw sa likod ko.
Paglingon ko si Marco. Shit naman talaga oh!
Mabilis pa sa alas kwatro kong binitawan yung impaktang babae.
Lumapit sya sakin. May hawak syang newspaper. At kitang kita ko naman yung napakaganda kong mukha sa frontpage.
Inagaw ko sa kanya. Nagulat naman sya. Kinukuha nya ulit sakin.
"Magtigil ka nga. Makikibasa lang." Sabi ko sa kanya. Ang kulet kasi. Inaagaw pa.
At natawa naman ako ng malakas.Itutuloy..
THAnks po kay dyosaneal_01 for adding mg story to her reading list..
Thank you so much..
BINABASA MO ANG
Young,Wild and Free(Liberated Brat Girls)
Ficción GeneralA story of a girlna walang alam ibang gawin sa buhay kundi ang magsaya -Devi Piamonte. Live your life to the fullest. Yan kasi yung motto nya. Nasa kanya na lahat. Yaman, Talino, Beauty. Pakiramdam nya kumpleto na. She didnt accept HURT as a word. G...