Chapter 4: His Rules

99 9 0
                                    


ALEXA'S POV

Antok na antok pa ako pero dahil sa asungot kong boyfriend kuno, heto ako maaga pa lang ay binabagtas ko na ang daan papunta sa classroom namin. Humihikab akong pumasok sa classroom namin at agad ko namang nakita ang asungot. Inis kong ibinagsak ang mga gamit ko sa aking upuan na nagdulot ng ingay kaya naman naagaw ko ang atensyon niya.

"Bat ang tagal mo? " tanong niya

" At least diba dumating. " pilosopo kong sagot.

" Ang aga-aga ang sungit mo " pang-aasar niya

" Pake mo" I replied with my eyes rolling.

" Bat ba ang taray mo? Time of the month mo na ba" wika niya

Agad namang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Seriously, kailangan niya ba talaga itanong yun? Manyak talaga.

"Pervert" sigaw ko sa kaniya

" I am just kidding, you know, I am enjoying messing up with you. " natatawa niyang wika.

Agad ko naman siya sinamaan ng tingin. Nakakabwiset talaga yung taong to.

" Hey, kalma lang okay? Ang aga-aga kasi ang sungit mo " pigil tawa niyang wika.

" Yun naman pala eh ! Alam mo namang ang aga-aga pa tapos papupuntahin mo ako dito. Sinisira mo ang beauty rest ko eh. " inis kong sigaw sa kaniya

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya kaya kinabahan naman ako. Ano bang trip sa buhay ng mokong na ito.

" Maiintindihan ko pa yung rest, pero yung beauty, nasaan? " pagkasabi niya nun ay tumawa na naman siya.

Gosh this guy ! He is really getting into my nerves. Nanatili akong tahimik. Alam ko namang di ako maganda sa disguise na ito pero masakit pa din malait. How I wish he is here to defend me. Agad ko namang winaksi ang nasa isip ko. Gosh Alexa ! What are you thinking! Napansin niya naman na di ako nagsasalita kaya umubo siya para pigilan ang tawa niya.

" Fine seryoso na. May dapat tayong pag-usapan. " wika niya

I just raise my eyebrow and give him "what is it" look. Kung magsasalita pa ako, mauubusan ako ng energy sa mokong na ito.

"Our relationship" tipid niyang sagot.

" Huwag tayo dito. Follow me. " Pagkasabi ko nun, lumabas na agad ako ng classroom.

Habang binabagtas namin ang mini office ko sa school ay walang nagtangkang magsalita. Konti pa lang ang mga estudyante dahil maaga pa. Pagkarating namin sa aking mini office slash hideout ko kapag binubully ako ay dumiretso na ako sa sofa at umupo.

Sinara niya lang ang pinto at umupo na rin sa tabi ko. Binigyan niya ako ng papel at ballpen. I just gave him "ano gagawin ko dito" look.

" Try mo titigan baka masulatan yan" pilosopo niyang wika

"Pilosopo" naiinis kong balik sa kaniya

" Put there all the rules you want to suggest for this fake relationship to work. Then, pagsamahin natin mamaya. " sabi niya

Tumango na lang ako at nag umpisa na magsulat. Pagkatapos namin magsulat, hiningi na niya yung papel ko at sinimulan niya ng basahin. Ganun na lang ang paglaki ng mata ko ng wala siyang magustuhan. Seriously?!

" Ano ba ! Bakit wala kang pinipili? " inis kong sabi

" Eh pano ba naman?! Lahat ng nilista mo, puro ka "no". Magjowa tayo remember! " inis na sabi niya pabalik

" Correction, we are fake kaya we cannot break our limits no " pagtataray ko sa kaniya.

" Kahit fake or not tayo, we are still in relationship sa mata ng public kaya we should act like a real couple. " mahaba niyang explanation sa akin.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon