KABANATA 39: LIVING IN TRUTH

29 2 0
                                    

ALEXA'S POV

Agad akong dumiretso sa kung saan sigurado ako na naroon siya at di naman ako nagkamali dahil nakita ko siya habang nagbubuhat ng sarili niyang bangko.

" I cannot believe that I lose on a nerd like her. For sure, nagkaroon ng dayaan at pinanalo ang nerd na yun para mapabango ang pangalan ng school sa mga investors. What a perks for being a daughter of the owner of the school. " rinig kong lintiya niya sa kaniyang mga alagad.

" Ow, what is that smell? Smells like bitterness. " malakas na turan ko kaya naman napalingon sila sa akin.

" Look who is here, the cheater. Masyado ka ng desperada. " turan sa akin ni Tiffany ng nakalapit siya sa akin. Magkaharap na kami ngayon.

" Ako ba talaga? Tingin ko kasi ikaw ang desperada sa ating dalawa. Tanggapin mo ang pagkatalo mo, Tiffany. Sabagay, what a shame sa campus queen wanna be ang matalo ng isang nerd. " nakangising turan ko sa kaniya na ikinapula niya. Narinig ko naman ang mga impit na pag-agree ng mga naroon sa sinabi ko.

" Huwag ka masyadong magmataas, dear. You are just a nobody. " asik niya sa akin

" This nobody is the new queen of BEU. Tanggapin mo na lang ang katotohanan, loser. " matapang na turan ko sa kaniya. Kung dati ay hinahayaan ko na tapak tapakan niya ako. Ngayon di na ako papayag.

" Yeah, the new queen wanna be na nanalo lang dahil anak ng may – ari. " mapang asar na turan ni Tiffany sa akin.

" Yes, I am the only daughter of the owner of this school. Pero ang pagkatalo mo ay walang koneksyon sa pagkatao ko. " nagtitimpi kong turan sa kaniya.

" See, everyone. You hear what she said. She is the daughter of the owner of this school. Paano tayo makakasigurado na hindi niya dinaya ang pagkapanalo niya. " confident na turan ni Tiffany sa mga nakapalibot sa amin. Sari – saring opinion ang naririnig ko ngunit itinuon ko na lamang ang atensyon ko kay Tiffany.

" Alam mo lahat naman ng natatalo, laging sinasabing dinaya sila. Hindi naman ikabababa ng pagkatao mo kung tatanggapin mo ang pagkatalo mo. " mariin kong payo sa kaniya.

" Hindi ako bababa sa level mo. You are just a nobody, a loser. " mapanuyang turan ni Tiffany.

" Then, I guess I am wasting my time here. You know what, pwede mo akong siraan sa lahat, but you will never destroy me. Do not let your bitter heart hinder you to make a better decision. " payo ko sa kaniya saka siya tinalikuran ngunit agad din niya akong hinatak paharap sa kaniya.

" Sino ka para payuhan ako? You are just a nobody. " malakas na turan nito saka ako tinulak.

Ngunit bago pa ako bumagsak ay mayroon ng sumalo sa akin mula sa likuran. Nakahawak siya sa aking bewang. Idinako ko ang mata ko kung sino ang sumalo sa akin kahit na alam ko na kung sino siya kahit hindi ko pa nakikita. Iisang taong lang naman ang nakakapagparamdam ng kakaibang pakiramdam sa akin.

" Hindi ba sinabihan na kita dati. Do not lay any finger sa girlfriend ko. " mariing turan ni Ken na sobrang itim ng aura at wala kang ibang makikitang emosyon sa kaniyang mga mata kung hindi galit.

" Alam mo, isa ka pa eh. Mula ng dumating ka naging matapang na ang nerd na yan. Ugali mo ba talagang magligtas ng mahihina. " mariing turan ni Tiffany kay Ken. Inalalayan muna ako ni Ken upang makatayo ng maayos.

" It is such an honor that because of me she can unleash her confidence. Hindi niya deserve ang tapak tapakan ng katulad mong mahina na naglalakas lakasan lang. " sagot naman ni Ken kay Tiffany.

" How dare you?! Alam mo, gustong gusto kita pero simulan ng patulan mo ang nerd na yan. Bumaba na ang tingin ko sa iyo. " mapanuyang turan ni Tiffany kay Ken. Aba, sumusubra na ang babaeng ito ah.

" Ganun ba? Alam mo kasi ako mababa na ang tingin ko sa iyo simula ng una kitang makita. Desperate for attention, power and love. " nakangising turan ni Ken na mas ikinapula ni Tiffany.

" Ken let's go. Nagsasayang lang tayo ng oras sa babaeng yan. " pag – aya ko kay Ken saka hinawakan ang kamay niya at hinatak ito papalayo kay Tiffany. Ngunit nakakailang hakbang pa lang kami ay muling nagsalita si Tiffany na ikinahinto ko.

" I do not know kung bakit nagsasayang ka ng oras sa babaeng yan. Why not break up with her? Ah, I remember, wala namang break up na magaganap dahil fake ang relationship niyo. Mas fake pa sa pagkatao ng babaeng yan. Parang anghel pero hindi naman talaga. " malakas na sigaw ni Tiffany.

" Alam mo imbes na magkalat ka ng fake news o makisawsaw sa relasyong di ka naman kasali, why not magpaayos ka ng ugali. Baka sakaling bumait ka. " turan ni Ken na hindi lumilingon kay Tiffany.

Kitang – kita ko ang pamumula ni Tiffany na parang sasabog na. Ngunit agad ding nawala iyon sa paningin ko ng simulan akong hatakin ni Ken paalis ng cafeteria. Patuloy lamang niya akong hinatak hanggang sa makarating kami sa rooftop ng school. Napangiti lamang ako ng maalala na nangyari na ito dati.

" Anong nginingiti – ngiti mo diyan? " nagtatakang tanong ni Ken sa akin.

" Wala lang, parang nangyari na ito dati. " natatawang turan ko sa kaniya pero agad ding nangunot ang noo ko dahil sa pagseryoso ng kaniyang mukha.

" Naalala mo pa pala yun. " seryosong turan niya

" Oo, dito mo ako blinackmail para maging fake girlfriend mo. Pero bakit ang seryoso mo diyan? " kinakabahan kong tanong sa kaniya.

" Ngayong alam na ng buong school na anak ka ng may – ari ng school na ito, it is time for you to live with the truth. " seryosong sagot niya sa akin.

" Anong ibig mong sabihin? " naguguluhan kong tanong sa kaniya.

" Ayun lang naman ang reason kung bakit pumayag kang maging fake girlfriend ko diba. Now, your secret is already out. Wala ng rason para magpanggap pa tayong dalawa. " sagot niya na parang mga patalim na tumutusok sa puso ko. Ngunit ang sunod niyang sinabi ang nagpahinto ng ikot ng mundo ko.

" Let's end this fake relationship. Maghiwalay na tayo. " malamig na turan ni Ken

" W-what? " tanging nasambit ko.

" Ayaw ko na, Alexa. Tapusin na natin ang pekeng relasyon na ito. " sagot niya na hindi tumitingin sa akin.

Nararamdaman ko ang pagluluha ng mata ko ngunit pinipigilan ko ito. Akala ko ba mahal niya ako? Baka napagod na siyang iligtas ako at mahatak siya pababa. Mapait akong ngumiti sa kaniya.

" Kung ayan yung gusto mo, let's end this, fake boyfriend. " turan ko sa kaniya.

Hindi na siya muling nagsalita at tinalikuran na lamang ako. Kasabay ng paglalakad niya palayo sa akin ay ang pagpatak ng mga luhang pinipigilan kong pumatak kanina pa. Ang pagsara ng pinto ng rooftop ay senyales ng pagtatapos ng relasyon naming dalawa. Napaupo ako sa sahig dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Napatingin ako sa kalangitan at mapait na ngumiti. Dito sa rooftop na ito nagsimula ang lahat. Hindi ko namang akalain na dito rin magtatapos ang lahat.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon