ALEXA'S POV
" Ken Andrew Valenzuela, 18, your future engineer kung di papalarin, di mo pa rin magiging future. I am in a relationship with someone here already. "
Napaangat ako ng mukha dahil sa narinig ko. Seriously, bat niya kailangang sabihin yun. Naramdaman ko naman ang pagkurot sa akin ni Rhea. Nang lingunin ko ito ay todo ngiti ang loka, kinikilig siguro ito. I glare at her then she pouted. Sigurado akong aasarin na naman ako neto mamaya.
* KRING KRING *
Tumunog na ang school bell hudyat na lunchbreak na. Inayos ko ang mga gamit ko sa bag at tumayo na nang biglang lumapit sa akin ang mokong.
" I will carry that. Sabay na tayo magluch. " nakangiting turan neto
Dahil sa lakas ng boses niya ay pinagtinginan kami ng mga kaklase namin. Ano ba kasing pauso nang lalaking ito.
" No, ako na lang. Saka I will not eat lunch. Let's go Rhea"
Nilagpasan ko na siya at nagsimulang maglakad nang bigla siyang umakbay sa akin. Anlakas talaga ng trip ng mokong na ito.
" Hindi pwedeng di ka kumain, mapano ka pa baka maaga akong mabyudo saka isa pa, wag ka nang makipagtalo sa akin, di ka mananalo. " bulong niya
Inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin at nagpakawala nang buntong hininga.
" Fine"
Seriously self, pano ka sumusurrender sa taong ito. Habang naglalakad papuntang cafeteria ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Sigurado akong nilalait na naman nila ako sa isip nila. Napayuko ako dahil sa thoughts na iyon. Ken hold my hand kaya napalingon ako sa kaniya.
" Even people look down on you, never look down on yourself, chin up. " seryoso niyang sabi
Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Did he just comfort me?
" Wag ka masyado mag-isip. I am just doing this because you are my girlfriend. "
" Thank you" bulong ko
Dumire-diretso na kami sa cafeteria at di naman kami nahirapang makahanap ng upuan.
" Kami na ni Caleb bibili ng lunch natin, just sit down here" utos niya
" Pano kong ayaw ko? "
" You, bantayan mo ito. Siguraduhin mo na di yan aalis dito " utos niya kay Rhea
Ngumiti lang ang loka sabay sabing "sure handsome"
Napatapik na lang ako sa noo dahil sa sinabi niya. Seryoso, akala ko ba ako ang kaibigan neto. Ngumiti lang si Ken at pumunta na sa mga stall to buy foods. Nang magkalayo sila ay nakaramdam ako nang hampas sa braso ko. Inis kong tiningnan si Rhea.
" What is your problem "
" Duh, ang pogi pala nang boyfriend mo at sobrang sweet pa plus may pogi din siyang bestfriend "
Pagkakataon ko naman para tampalin siya.
" Ikaw, ibinebenta mo ko dahil dun sa pogi niyang kaibigan. "
" Hindi lang naman dun, want ko din na maging masaya ka ulit. He is so caring naman saka maybe it is the right time for you to have a new life"
Parehas kaming natigilan sa sinabi ni Rhea. She knows na hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ito.
" Ano nangyari? May dumaan bang anghel" wika ni Ken
Ibinaba niya ang dala niyang tray. Bat parang ang dami nang pagkain. I look to Rhea and her eyes seems to apologize. I just give her a smile to assure that everything is alright. Umupo sa tabi ko si Ken at yung tropa naman niya ay tumabi kay Rhea. Nag-umpisa na kaming kumain. Maya-maya ay nagsalita si Ken dahilan para mabilaukan ako
BINABASA MO ANG
BLIND DATE | COMPLETED |
Teen FictionThey say mapagbiro ang tadhana. At sa dinami-dami ng taong pwede netong paglaruan tayo pang dalawa. Will we win or we will just be a victim of fate - Alexa We started things wrong, will our ending be right. - Ken Tadhana ang nagsimula ng ating kuwen...