KABANATA 59: ONE MORE CHANCE

61 3 0
                                    

ALEXA'S POV

" Ladies and gentlemen, its look like kumpleto na tayo kaya naman let this reunion begin. Sana na-enjoy niyo na ang pagkain natin sa buffet area sapagkat tayo ay pupunta sa event hall ngayon para tunghayan ang isang melodrama na piniling isabuhay ng mga estudyante ngayon mula sa mga tsismis o totoong istorya sa nagdaan nating batch. Ang title ng melodramang ito ay Blind Date,"

" Melodrama?" takang tanong ko kay Rhea.

" Yep. Well, since hindi ka naman nagse-seen sa group chat natin, I will explain. The organizer actually reached out to our classmates to share some unforgettable story on our time and chosen students will present that story. " Nakangiting paliwanag ni Rhea sa akin kaya tumango na lang ako.

Weird! I felt something strange about the title. It sounds familiar. Ilang minuto ang lumipas bago kami dinala ng emcee sa event hall. Pagpasok namin ay namangha ako sa ganda ng set-up. Para itong malaking theater room, ang kaibahan lamang ay wala kaming upuan. Napapitlag ako ng dumilim ang paligid, ngunit agad ding namangha ng makita ko ang pinukosan ng spot light. Para itong festival at maraming table and chairs.

" Ano ba? Bitawan niyo nga ako. Sino ba naman kasi ang baliw na makikipagblind date sa akin," Singhal nung babae habang nakaposas siya.

Ngunit hindi naman siya sinagot ng mga lalaking kasama niya. Inalalayan siyang umupo kaharap ang nakatalikod na lalaki. Walang salitang ikinabit ng lalaki yung posas niya sa upuan at saka umalis yung kasama niyang mga lalaki kanina. Dahil roon ay may kung anong tumusok sa puso ko. Ang istorya na ito ay...

"Tsssss ! Pipili na nga lang na makakadate ko, panget pa." Natigil ako sa pag-iisip ng marinig kong magsalita yung lalaki. Ito ay eksaktong sinabi sa akin ni Ken ng foundation day anim na taon na ang nakakalipas.

" Aba't hoy ikaw,ang kapal ng muk----" *tsup*

" Too naisy" ngisi niya.

Umani ng samu't saring reaksyon ang ginawa ng lalaki doon sa babae. Hinalikan niya kasi ito ngunit sa pisngi lamang hindi gaya ng ginawa ni Ken sa akin noon. Muling namatay ang ilaw pagkatapos ng scene na iyon. Napahawak ako kay Rhea dahil nanlalambot ang tuhod ko. Bakit naman ang istorya pa naming dalawa ang napili ng organizers?

" Be my fake girlfriend,"

Napasinghap ako dahil sa narinig ko. Nagtutubig na rin ang mga mata ko dahil sa mga ala-alang bumabalik sa akin dahil sa melodrama na ito. Iba talaga magbiro ang tadhana kung minsan. Anim na taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang naganap ang lahat. Nagpatuloy ang melodrama ng ang isip ko ay tila lumilipad sa mga ala-ala na matagal ko nang binaon sa limot.

" Hala, bitin"

" Ano ang ending?"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang samu't saring daing ng mga nanonood. Ayun sa pagkakaintindi ko ay nirereklamo nila ang tungkol sa katapusan ng melodrama na hindi ko din napansing natapos na rin.

" Everyone, alam ko na nais niyong malaman ang ending ng story na ito kaya naman tinatawagan ko sa stage ang ating sender upang ipaliwanag sa atin ang katapusan," masiglang turan ng emcee habang pinapakalma ang lahat.

Hindi ko maunawaan ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita kong naglalakad papunta sa stage si Ken. Alam ko naman na ang istorya kanina ay tungkol sa amin ngunit mayroon pa ring kakaiba sa tibok ng puso ko.

" Ahem, gusto ko lang sabihin na anim na taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari lahat. Siguro kasi siya pa rin ang minamahal ko hanggang ngayon," sinserong turan ni Ken. Nagtilian naman ang mga tao sa sinabi niya. Maging si Rhea ay nagpipigil ng tili kaya tiningnan ko siya. Tsk, alam ko na isa siya sa organizer kaya sigurado akong kasama siya sa nagplano nito.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon