KABANATA 12: NURSE KEN

55 5 0
                                    


ALEXA'S POV

Late na ako nagising, Saturday ngayon. It means wala kaming pasok pero thug life lang dahil may trangkaso ako. Haysss.sa pagod siguro to sa school. Pano, dami pinagagawa nang mga teacher. I understand naman na graduating kami pero tao din kami, napapagod huhu... By the way, wala akong kasama ngayon sa bahay. Sila mom and dad busy sila sa company.Si kuya naman,busy sa training nila sa basketball team gayundin si kuya Xander tas si Rhea naman may out of town. Yung mga maids naman namin ay nag day off. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Pinilit kong tumayo pero di ko kaya. Nagugutom na ako. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard grabe parang binibiyak yung ulo ko. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko pero mas nawindang ako kung sino ang pumasok.

" Anong ginagawa mo dito? " nawiwindang kong turan sa lalaking iniluwa nang pinto

" Tinawagan ako ni Tita. " pa-cool niyang tugon

" Wala dito sila mommy, bumalik ka na lang sa ibang araw. " sabi ko saka umiiwas sa mga mata niya

" Di naman siya ang hinahanap ko. She just called me para sabihing meron ka daw sakit at walang magbabantay sa iyo kaya andito ako. " paliwanag niya

" Di naman kailangan. Umalis ka na at baka may gagawin ka pang mas importante. " malamig kong turan sa kaniya

" Free day ko ngayon kaya kahit paalisin mo ko, di ako aalis. " wika niya

Napairap na lang ako sa sinabi ng mokong na ito. Wala akong lakas para makipagtalo sa so called boyfriend ko. Yep, si Ken ang iniluwa nang pinto. Pagkatapos niya akong sigawan ng nakaraan, pupunta punta siya dito. If tinatanong niyo ako kung gusto ko ba na nandito siya, syempre gusto este ano aish. Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko siya muling magsalita.

" Nagugutom ka na ba? " tanong niya

" Hindi" tipid kong sagot

Ngunit sa kasamaang palad ay trinaidor ako nang tiyan ko dahil yumunog siya. Shete nakakahiya ! Narinig ko naman siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin pero di natinag ang mokong.

" Nagpapakipot pa eh, gutom naman talaga .Magluluto lang ako nang makakain sa baba then I will be right back, okay. For now, magpahinga ka na lang muna diyan. " nakangiti niyang turan saka siya lumabas ng pinto at marahang sinara ang pinto.

Napangiti naman ako sa pagngiti niya kanina. Bakit parang ang gwapo niya kapag nakangiti. Okay admitted naman na gwapo siya pagseryoso but mas gwapo siya pag nakangiti. I just shrugged off my thoughts, nababaliw ka na ata Alexa.

Dahil bored na ako sa kama ko at di rin ako makatayo, kinuha ko na lang ang phone ko at nag umpisa na magscroll sa facebook nang biglang tumawag si Rhea. Our conversation looks like this ....

" Hello" matamlay kong sinagot ang tawag niya

" Oh, di ka pa ba magaling? Balita ko andyan ang so called boyfriend mo? " wika niya na halatang may halong pang – aasar

" Pano mo nalaman? " tanong ko

" Sinabi sa akin ni Ca--- este ni ano" nauutal niyang turan

Pagkakataon ko naman para asarin siya. It is payback time

" Oh really, so magkasama kayo ni Caleb ngayon?" tanong ko na may halong pang-aasar

" Of course not. " deny niya

Napangisi naman ako sa sagot niya. Hindi marunong magsinungaling ang babaitang ito at nakita ko yung story ni Caleb with her and mukhang ngayon lang yun kinuhanan.

" Wag ako beshy, wag ako " natatawa kong tugon sa kaniya

" Fine, it is just ano kasi. " wika niya

" What? Ano ang hindi ko alam Rhea. " sabi ko habang kagat ang labi ko dahil kinokontrol ko na di ako matawa.

" Fine, dapat ikukwento ko sa iyo to sa Monday pero bigyan na kita preview. Yung parents ko saka parents niya is business partners. Then nung nagset up sila mommy ng out of town sinama niya yung pamilya nila

Caleb. " Mahabang paliwanag niya

" Owwww, so what is your score? " pang aasar ko

" Nothing, crush ko lang siya pero kuya mo pa rin talaga. " tugon niya

Nawala ang ngiti ko sa labi sa sinabi niya. Haysss, ang babaeng ito. Umaasa pa rin pala kay kuya

" Beshy" wika ko na may halong pag-aalala

" Wag ka mag-alala sa akin, alam ko beshy. Mawawala din ito. " sabi niya

Pero narinig ko ang pinakawalan niyang buntong hininga. Ang babaeng ito kasi, alam naman niya na silang dalawa ni kuya ay parang asymptote sa Math. Maglalapit pero hinding hindi magtatagpo kahit ano ang mangyari. Namayani sa amin ang katahimikan. Maya – maya

" Asan naman ang boyfriend mo? " pag iiba niya nang usapan

" Nasa kusina, magluluto daw. " sabi ko

" So what is your score? " pagbabalik niya ng tanong ko kanina

" Gaya – gaya ka ah, nothing. You know na fake lang lahat ito kaya di ko alam bakit ba siya nandito. " tugon ko

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may pumipilas rito. May sakit na kaya ako sa puso. Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita ulit si Rhea

" Oh pano beshy, I just called lang talaga to check you out. Mukhang okay ka naman na. Baka lovenat lang yan. " sabi niya

" lovenat? " tanong ko

" Lovenat, nilagnat dahil sa love. " sabi niya habang tumatawag

" Aish, kung ano ano pinagsasabi mo diyan. Ibababa ko na ito, nasstress ako sa iyo. " pag – iiba ko nang usapan

" Yeah right, Ms. In-denial, byeee. " sabi niya

Di na niya ako hinayaang magsalita pa dahil pinatay niya na ang tawag. Aish, lovenat lovenat. Ako? Maiinlove? Kay Ken? No way! Bigla namang bumalik sa alala ko ang ngiti niya kanina kaya napangiti ako.

" Para kang timang diyan. " sabi ng boses na narinig ko

Wala sa sarili akong napalingon sa boses na narinig ko at nakita ko naman ang lalaking dahilan ng pag ngiti ko este ng kabwisitan ko.

" Ha? " wala sa sariling sambit ko

" Ngumingiti ka mag-isa, tatawag na ba ako sa mental hospital? " tanong niya

" Hindi no may iniisip lang ako. " asik ko

" Ako ba iyan? " nakangisi niyang tanong

" Stop dreaming" pagtataray ko kahit ang totoo ay oo ang sagot ko

Tumawa na lamang siya at lumapit sa kama ko. Dahan dahan niyang inilagay ang breakfast table sa higaan ko at ipinatong ang sopas na gawa niya. Mukha namang masarap sa tingin pa lang

" Kumain ka na, yan lang kasi ang ingredients na nakita ko sa refrigerator niyo. " wika niya

Tumango na lang ako at nag umpisa nang kumain. Nang tikman ko ang sopas na gawa niya ay namangha ako. Grabe sobrang sarap, taste like heaven. Call me exaggerated pero ang sarap talaga. Napahinto naman ako sa pagsubo dahil gusto ko na namnamin ang lasa ng sopas.

" Hindi ba maganda ang lasa? " nag – aalala niyang tanong

" Masarap . " nakangiting turan ko sa kaniya

Umiwas naman siya ng tingin sa akin at napansin kong namula siya Teka, may sakit din kaya siya?

" Ayos ka lang? " tanong ko

Bahagya siyang tumikhim bago sumagot, " Oo, akala ko kasi di mo magugustuhan. Ikaw palang kasi pinagluto ko. " sabi niya

" Talaga? Kahit si Caleb? " tanong ko

" Oo kaya naman ubusin mo na yan para makainom ka na ng gamot. " utos niya

" Di ako umiinom ng gamot. " parang batang wika ko sa kaniya.

" Pwes ngayon iinom ka na because for today I am your nurse. Just call me nurse Ken at your service. " sabi niya nang nakasaludo

Isama na rin natin ang pagkindat niya. We'll I think kailangan ko ng uminom ng gamot baka magalit pa ang nurse ko.

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon