KABANATA 46: BIRTHDAY SURPRISE ( PART 1)

27 0 0
                                    

ALEXA'S POV

" Hay!"

Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako ngayong umaga. Paano ba naman kasi ako pa lang ang narito. Maaga kasi akong dumating ngayon dito sa classroom upang ibigay sa kanila yung invitation card para sa birthday party ko bukas. Kind of disappointing nga lang na wala pa sila dito lalo na si Ken. Ilang araw na siyang di nagpaparamdam sa akin. I mean, di naman sa nagtatampo ako or being possessive about him. Medyo weird lang pala ang feeling kapag nasanay ka na lagi kang nandiyan tapos di na lang magpaparamdam bigla. Hindi ako humuhugot, namimiss ko lang siguro siya.

" Ang aga-aga nakanguso ka na naman,"

Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses at nakita ko ang bida-kontrabida ng buhay ko na nakataas ang kilay at nakapamewang.

" Magandang umaga din sa iyo," sarkastikong turan ko saka pabirong umirap sa kaniya.

" Psh, ang aga-aga ang init ng ulo mo. Time of the month mo na ba?" turan niya pagkatapos umupo sa tabi ko.

" Of course not!" pagtanggi ko dito.

" Eh, anong problema?" kibit-balikat niyang tanong sa akin.

" Wala nga," medyo naiirita kong turan sa kaniya.

" Hmm, mali ata ang tanong ko. Okay take two. Sino ba ang dahilan ng pagsimangot mo?" mapang-asar na turan nito. Tsk, this girl loves to tease me.

" Kung ano-ano pinagsasabi mo diyan. Kakapanood mo yan ng drama," Sinubukan kong baguhin ang usapan namin sapagkat alam ko na aasarin lamang niya ako.

" Sus, change topic agad. Well, kahit naman i-deny mo, I know you mula ulo hanggang paa," proud na turan nito kaya naman kumunot ang aking noo. Ano pinagsasasabi ng babaeng ito?

" Rhea, ang aga-aga pinapasakit mo ang ulo ko. Direct to the point na, beshy," nakapout na turan ko sa kaniya.

" Well, hinahanap mo si Ken diba? Or mas tamang sabihin na nami-miss mo si Ken?" nakangising saad niya. Sinasabi ko na nga bang aasarin niya lang ako.

" A-ako nami-miss yung taong yun? Dream on," Gustuhin ko mang sapuhin ang aking noo dahil sa pagkabulol ko ay di ko magawa.

" See, in denial ka nga. Well, for your information, ang jowa mo ay nasa basketball training ngayon kaya wala siya," paliwanag niya na tinanguan ko na lamang. Hindi man lang naisip ni Ken magpaalam sa akin, kakatampo!

" Humahaba na naman ang nguso mo diyan. Malamang di na nakapagpaalam sa iyo yang soon-to-be jowa mo dahil no phone allowed sila ngayon. Intense kasi ang kanilang training," sentiment muli ni Rhea. Teka nga lang, nababasa niya ba ang isip ko?

" And how did you know?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang kaliwang kilay ko.

" Sinabi sa akin ni Caleb," simpleng tugon niya sa akin kaya naman tiningnan ko siya maigi.

" Ba-bakit ga-ganyan k-ka tu-tumingin?" nauutal niyang tanong sa akin.

" Hmm, beshy tapatin mo nga ako. May dapat ba akong malaman tungkol sa inyo ni Caleb?" tanong ko sa kaniya habang may sumisilay na ngiti sa labi ko.

" A-ang i-issue m-mo," nauutal niyang sagot kaya napangisi ako.

" C'mon, Rhea. I know you mula ulo hanggang paa," saad ko habang ginagaya ang pagkakasabi niya sa akin kanina.

" W-wala p-pang namamagitan sa amin," nauutal niyang paliwanag.

" Wala pa? You mean, mayroon ng namumuo sa inyo?" nakangising tanong ko sa kaniya.

" Ang panget namang pakinggan ng namumuo, but yeah. Our parents want us to be together," nakasimangot niyang turan sa akin.

" Bakit di ka masaya? Is it arranged?" tanong ko sa kaniya.

" Well, they do not verbally tell us, but parang ganun na din, since they kept pushing us to be together," Nakita ko ang kaniyang malalim na buntong hininga.

" Wala ka bang gusto kay Caleb?" tanong ko muli sa kaniya.

" Siguro, ewan. I am actually in confusion ngayon. I do not know if I like him, or I am just so used that our family wanted us to be together," sagot niya sa akin kaya naman tinapik ko ang balikat niya.

" You know, if you love him, do not hesitate. I am sure, he likes you," nakangiting pagpapalakas ko ng loob sa kaniya, ngunit di nagbago ang kaniyang ekspresyon.

" I do not think he likes me. Tingin ko napipilitan lang siya," malungkot na saad ni Rhea.

" Ano ka ba, si Caleb ang pinag-uusapan natin dito. We know him, genuine siyang tao and too expressive," pagpapalakas ko ng loob niya.

" Well, you are right pero you know I want to hear him say na he likes me too," tugon ni Rhea.

" Gotcha, gusto mo siya. Ayaw mo lang aminin kasi hindi pa siya umaamin sa iyo. Napaka-indenial mo," pang-aasar ko sa kaniya.

" Wow, nagsalita ang hindi in denial," saad naman ni Rhea.

" Atleast sa amin gumalaw na ang baso, pagalawin mo na rin yung inyo," natatawang biro ko sa kaniya.

" Ayaw ko nga. Duh, girls are meant to be pursued." Matapang na saad ni Rhea. Well, she has a point naman.

" Psh, baka kaya di naman makagalaw si Caleb kasi sinusungitan mo lagi. Be nice, sometimes," payo ko sa kaniya.

" Yeah, whatever. I will consider that," sarkastikong sagot ni Rhea. Well knowing her nature, ang pagsusungit at pang-aasar ang love language niya. A weird girl, indeed.

" Yeah, whatever. I will consider that," panggagaya ko sa kaartehan niya saka pabirong umirap.

Sabay naman kaming natawa dahil sa inakto ko. Ngunit, agad din akong natigil sa pagtawa at nagsimulang luminga-linga sa paligid ng maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Ngunit, wala naman akong napansing kakaiba bukod sa dumarami na pala kami rito sa loob ng classroom. Weird, ilang araw ko na ito nararamdaman.

" Oh, bakit namumutla ka diyan?" nag-aalalang tanong ni Rhea kaya napatingin ako sa kaniya.

" H-ha? W-wala, akala ko lang may nakatingin sa akin," paliwanag ko sa kaniya.

" Psh, baka classmate lang natin yun. Nairita na sa ingay natin," saad naman ni Rhea.

" Siguro nga," tanging nasambit ko.

Maya-maya ay dumating na ang first subject teacher namin kaya nagsimula na rin ang aming klase. Gaya ng sinabi ni Rhea, nabanggit din ng aming teacher na puspusan na ang training ng boys dahil sa parating na league kaya buong araw ay di ko nakita si Ken.

***

" Argh!"

Inis akong bumangon sa higaan ko dahil sa tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ang oras sa orasan na nasa side table ko at mas lalo akong nainis ng makitang alas-dose na ng gabi. Sinong walangho ang tatawag ng ganitong oras?

" Hello!" Inis kong sagot sa kung sinuman ang tumawag. Hindi ko na kasi tiningnan kung sino sapagkat papikit-pikit pa ako.

( Did I wake you up? )

" Ken," tawag ko sa pangalan niya nang marinig ko ang boses ng taong nasa kabilang linya.

( The one and only. Are you sleeping na? )

" Nope, why? Is there any problem?" tanong ko sa kaniya.

( Nothing. Just wanted to see you,)

" Ha?" saad ko

( Sabi ko gusto kitang makita )

" Paano?"

( Tumayo ka na diyan sa higaan mo and look at the window )

Naguguluhan man ay sinunod ko ang utos nito. Pagkatapos kong isuot ang tsinelas ko ay pumunta ako sa veranda at binuksan ang kurtina.

" Oh, andito na ako"

( Look down )

Parang bata akong sumunod sa utos niya. Pagtingin ko sa baba ay nanlaki ang mata ko at tila nagising ang diwa ko dahil sa nakita ko. What?

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon