KABANATA 13: RECONCILIATION

48 5 0
                                    


KEN'S POV

After kumain at uminom ng gamot ni Alexa ay nakatulog muli ito. Pinagmasdan ko siya habang natutulog at di ko mapigilang mapangiti. Mukha talaga siyang anghel kapag natutulog. Parehas na parehas talaga silang dalawa. Napatampal na lang ng noo sa iniisip ko. Cmon ken, move on. Magkaiba sila okay.

" I will protect you always. " bulalas ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Bigla naman nagvibrate ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito at kumunot ang aking noo nang makita kong si Caleb ang tumatawag. Ano naman kaya trip neto.

" Ow? Ano kailangan mo " sabi ko pagkatapos ko sagutin ang tawag niya.

" Ang sungit naman neto, daig mo pa ang babaeng nireregla pre. " pang aasar niya

" Ibababa ko na yung call. " malamig kong turan sa kaniya

" Hep hep, teka lang naman. Ito di na mabiro eh. Gusto ko lang naman kamustahin kayo ni Alexa? " tanong niya

" What about us? " tanong ko din pabalik

" Well, nabanggit kasi sa akin ni Rhea na magkasama kayong dalawa. Ikaw ha, para-paraan. " wika niya na may halong pang aasar

" May sakit ang tao Caleb, it is not the right time to make a joke about that! " madiin kong wika sa kaniya

" Fine, fine, kamusta na ba siya? " tanong niya

" Heto, bumaba naman na ang lagnat niya pero natutulog siya ngayon. " sabi ko

" Oww, effective nurse ka pala ah. " sabi niya

" Tsk, nakamusta mo na siya. Ibababa ko na ito. " inis kong wika sa kaniya

" Wait lang naman, so what is your score ba? " tanong niya ulit

" Score? Baliw ka ba, binabantayan ko siya, di kami naglalaro. " asik ko

Narinig ko naman ang pagtawa niya. Ano kayang problema neto. Bat ba ganito ang kaibigan ko

" I mean, ano ba? Peke pa ba yang inaakto mo o nahuhulog ka na sa kaniya? " seryoso niyang tanong kaya natigilan ako.

" Ano ba pinagsasasabi mo?! Ofcourse, nag – aalala ako sa kaniya. Afterall kahit fake naman ang relasyon namin, hindi ko pineke ang mga emosyon na pinapakita ko sa kaniya. " paliwanag ko

" Sayo na nga din nanggaling na hindi mo pineke ang emosyon mo, ang tanong ay yung care na ba yan out of responsibility or do you like her? " mariin na tanong ni Caleb

" Ano ba pinupunto mo ha? " sabi ko

" Alamin mo kung ano ang nararamdaman mo. Mag kaibigan tayo. Kilala kita. Ayaw ko lang na masaktan ka o makasakit ka. " seryosong tugon niya.

" Anuman ang nararamdaman ko, isa lang ang alam ko. Hindi ko siya hahayaang masaktan. " seryoso ko ding sagot sa kaniya sabay nilingon ang natutulog na si Alexa

" Alright, mukhang narealize mo na kung ano ang nararamdaman mo. Tapos na ang trabaho ko today, bye pre. " pagkasabi niya nun ay pinatay nya na yung tawag. Aish kung ano anong pinagsasasabi nung taong iyon.

ALEXA'S POV

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula kay Ken kaya dumilat ako at nakita ko na may kausap siya sa phone. Sino kaya iyon?

" Anuman ang nararamdaman ko, isa lang ang alam ko. Hindi ko siya hahayaang masaktan. "

Narinig kong sambit ni Ken saka lumingon sa pwesto ko kaya pumikit ako ulit.Ako kaya ang tinutukoy niya? Maya-maya ay tumahimik ang paligid kaya umakto akong kagigising lang. Kinusot kusot ko pa ang mata ko para mukhang totoo. Paglingon ko sa gawing kanan ay nakita ko syang matiim na nakatingin sa akin. Napansin niya ata na gising na ako

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon