KABANATA 56: I LOVE YOU, GOODBYE

46 2 0
                                    

ALEXA'S POV

" Pasok," Rinig kong sigaw ni daddy kaya naman pumasok na ako sa kwarto nila ni mommy.

" Oh, Alexa, ang aga mo atang nagising ngayon," nagugulat na komento ni mommy.

Nginitian ko lamang siya sabay sabing, " Inagahan ko na po kasi baka di ko na kayo mahagilap mamaya,"

" Bakit, iha? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Daddy sa akin.

Bahagya naman akong umiling, " May gusto lang po akong sabihin sa inyo,"

" Mukhang seryoso yan, sweetie. Take a seat," Turan ni mommy saka tinuro ang sofa. Umupo naman ako sa sofa at gayundin ang mga magulang ko.

" Tungkol ba saan ito, Alexa?" tanong ni daddy sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong ni dad, " I want to continue my studies abroad,"

" What did you say?" Pagtatanong muli ni mommy. It seemed like nais niyang kumpirmahin if tama ba ang narinig niya.

" I mean, gusto niyo naman po na mag-aral ako abroad before diba? So, napag-isip isip ko na, why not try to study there," Sagot ko sa kanila.

Tiningnan nila ako muli na tila hindi kapani-paniwala ang tinuran ko. Well, alam ko naman na ganito ang magiging reaksyon nila because ayaw ko nga mag-aral sqa abroad before that is why si ate Cassie lang ang nag-aral sa States. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.

" Are you sure about this, Alexa?" Seryosong tanong ni Daddy. Tumango-tango naman ako bilang sagot sa tanong niya.

" But, why all of a sudden? Kakabalik lang sa atin ni Cassie, then aalis ka?" komento naman ni mommy.

" Mom, this will be the best for everyone." nakangiting turan ko sa kaniya.

" Is this about Ken?" Nagulat ako dahil sa tanong ni mommy. Pagkarinig naman ni daddy ng tanong ni mommy ay biglang sumeryoso ang mukha nito.

" Wala po talaga akong maililihim sa inyo mommy, no?" sagot ko at alanganing ngumiti.

" Syempre ako ang nagluwal sa iyo. Kilalang-kilala kita. So, am I right?" tugon naman ni mommy. Tumango naman ako.

" You do not have to do this. I will do everything in my power para hindi na makalapit sa pamilya natin ang lalaking iyon," seryosong turan ni daddy na inilingan ko naman.

" Dad! Ate Cassie loves him. Hindi mo po pwedeng ilayo si Ken sa kaniya," sagot ko naman kay Daddy.

" How about you? You love Ken, right?" Tanong ni mommy at tiningnan ako sa mata.

" Does it matter, mom? Ang importante po sa akin is maging masaya si ate Cassie," turan ko saka mapaklang ngumiti.

" Even if it will be on you expense?" nakakunot-noong tanong sa akin ni mommy. Sa dami ng tanong nila ay mukhang aabutin pa kami hanggang bukas nito, pero hindi maaari sapagkat nakabili na ng ticket si James kahapon para sa flight namin mamayang gabi.

" Mom! Ate Cassie just came back. She deserves everything especially happiness. And yes, even if it is on my expense, I will gladly do it for her." Determinado kong turan kay mommy saka tiningnan si daddy.

" How decided you are, Alexa?" makahulugang tanong ni Daddy sa akin.

" 100%, I actually have my ticket already," pag-amin ko. Tila naman nagulat si mommy sa sinabi ko habang tumango-tango naman si Daddy.

" Okay, then. When will be your flight?" Tanong ni dad

" Later in the evening," diretsong turan ko. Nakita ko naman ang pangingilid ng luha ni mommy kaya naman nilapitan ko siya.

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon