KABANATA 55: SACRIFICE

32 1 0
                                    

ALEXA'S POV

" Alexa, anak!" Tawag sa akin ni mommy at patakbo akong sinalubong saka niyakap.

" Sorry po, mommy," Tanging nasambit ko dahil alam ko na nag-aalala siya sa akin.

" It's okay anak. Masaya ako na nagkaayos na kayong magkapatid," Komento ni mommy pagkatapos niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

" At hangad ko na wala nang anuman o sinuman ang makakasira sa inyo muli," sentimentong turan ni mommy saka hinawakan ang kamay namin ni ate Cassie. Natulala naman ako dahil sa sinabi niya naalala ko na naman kasi ang nagyari bago kami umalis ni ate Cassie sa bahay ni James.

>>> FLASHBACK

" Lex," Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan sa biglang pagseryoso ni ate Cassie.

" Y-yes?" Nauutal kong tanong sa kaniya.

" I have a favor to ask,"

" Ang seryoso mo naman ate Cassie," biro ko sa kaniya upang pagaanin ang atmosphere namin.

" I know na kakaayos lang nating dalawa at medyo makapal ang mukha ko para humingi ng favor sa iyo," Panimula niya ngunit nagdadalawang isip siyang tumingin sa akin.

" Ano ka ba ate Cassie, ako lang to. Ano ba yang favor mo? Gagawin ko kahit ano," masiglang turan ko sa kaniya.

" Talaga? Kahit ano? " turan niya na parang naninigurado na hindi ko babawiin ang sinabi ko.

" Oo naman, basta para sa iyo," nakangiting turan ko sa kaniya.

" Pwede mo bang ibalik sa akin ang boyfriend ko?" Seryosong turan niya sa akin.

" W-what?" Nauutal kong tanong sa kaniya habang tahimik na nagdadasal na mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.

" I mean, Ken is the only man who loves me except dad, kuya Sebastian, and our cousins. I could not imagine my life without him by my side," pagpapaliwanag niya sa akin. Pero, ganoon din ang nararamdaman ko kay Ken.

Hinawakan naman niya ang kamay ko sabay sabing, " You still have James by your side, but I have no one. I love him very much. Please, give me back my boyfriend,"

" Pero hindi siya bagay na pwedeng ibalik. Siya ang magdedesisyon noon," paliwanag ko naman sa kaniya.

Ngunit ang mga salitang sunod na sinabi ni ate Cassie ang nagpagulo ng isipan ko " I know na nalilito lang siya ngayon but I know he still loves me, please help me win him back. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya sa piling ko. You have everything, just give him to me and I will be fine."

>>> END OF FLASHBACK

Nabalik ako sa realidad ng biglang magtanong si mommy, " What is wrong, iha? "

Bahagya naman ako umiling at ngumiti ng peke, " Wala po. Napagod lang po siguro ako. Aakyat po muna ako sa kwarto ko upang magpahinga,"

" Sige. May gusto ka bang kainin? Ipapahatid ko na lang sa kwarto mo," tanong ni mommy habang nanatiling tahimik lamang si ate Cassie.

" Wala po mommy. Magpapahinga lang po ako. Ako na lang po ang kukuha mamaya kapag nagutom ako," nakangiting turan ko sa kaniya.

" Akyat na po ako, mommy, ate" Turan ko sa kanila muli. Tumago naman sila kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa hagdanan.

Pagdating ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama ko. Nakakamiss naman pala yung kama ko. Mapaklang ngumiti ako habang nakatingin sa ceiling. Mahal ko si ate Cassie pero mahal ko din si Ken. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayun lang ang tumatakbo sa isip ko hanggang sa lamunin ako ng antok.

***

Madilim na ang paligid ng magising ako. Kung hindi siguro ako nakaramdam ng gutom ay hindi ko puputulin ang panaginip ko. Sa panaginip na lang kasi ako masaya tas naputol pa.

Dahil kumakalam na nga ang tiyan ko ay napagdesisyunan ko na bumaba sa kwarto ko. Ngunit bago ako makababa ng tuluyan ay may familiar na boses akong narinig kaya naman nagtago ako sa pader.

" Magandang gabi po, manang!" Masiglang bati ni Ken kay manang.

" Magandang gabi iho. Bakit hindi ka na lang magtayo ng tent diyan sa labas ng bahay dahil araw-araw ka namang nandito?" Rinig kong biro ni manang kay Ken.

" Naku manang, hindi po ako papayagan ni tito," sagot naman ni Ken.

" Kaya ganitong oras ka pumunta ngayon dahil wala pa sila," rinig kong komento ni manang.

" Opo. Baka po kasi pantayin na ni tito yung black eye ko sa mata pag nakita niya ako ulit," turan naman ni Ken. Wait, did he said black eye? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumilip upang tingnan kung ano ang sinasabi ni Ken. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nangingitim niyang kaliwang mata. Sino ang may gawa sa kaniya niyan?

" Manang, natawag niyo na po ba si—" Napatago muli ako sa pader ng makita ko na lumabas si ate Cassie ng kusina.

" Love, you are here!" Bakas sa boses ni ate Cassie ang saya ng makita niya si Ken. Mapakla akong ngumiti. Naalala ko kasi na 'love' din ang minsan kong tinawag kay Ken.

" Andiyan ka na pala iha. Asikasuhin mo nga muna itong si Ken at titingnan ko muna ang nilalabhan ko," Wika ni manang. Narinig ko naman ang paalis niyang yabag. Ngayon, si ate Cassie at Ken na lamang ang magkasama.

" Cassandra, I already told you to stop calling me like that," Rinig kong turan ni Ken na mahihimigan mo ang pagkaseryoso.

" Why? You are still my boyfriend," rinig kong tanong ni ate Cassie sa kaniya.

" Then, let us break up right now," malamig na turan ni Ken.

" W-what?" Napasilip muli ako nang marinig ko ang pagcrack ng boses ni ate Cassie.

Nakita ko ang malalim na pagbuntong hininga bago siya muling nagsalita, " I am sorry, Cassandra. Pero wala na talaga akong nararamdaman sa iyo. Simula ng namatay ka, tinuruan ko ang sarili ko na kalimutan ka, at nagawa ko yun,"

" N-no, b-buhay a-ako, L-love. W-we c-can s-start over a-again," Pagmamakaawa ni at Cassie kay Ken habang sinusubukan niyang hawakan ang kamay ni Ken pero iniiwas naman ito ni Ken.

" Sandra, I did love you pero hindi na ngayon. I am sorry sana maintindihan mo,"

Pagkatapos sabihin iyon ni Ken ay naglakad na siya papunta sa pintuan at umalis. Napaupo naman si ate Cassie. Nang marinig ko ang tunog ng paalis na kotse ay napagdesisyunan ko na lumabas sa pinagtataguan ko at lapitan si ate Cassie.

" Ate," tawag ko sa kaniya saka siya niyakap.

Niyakap din ako ni ate Cassie pabalik at umiyak sa bisig ko. Hinayaan ko lamang siyang umiyak muna hanggang sa kumalma siya. Maya-maya ay bumitaw na si ate Cassie sa pagjakayakap niya sa akin at saka humarap sa akin...

" Nakipaghiwalay na siya sa akin," Usal ni ate kaya nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nanatili akong tahimik sapagkat hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

" Alexa, diba tutulungan mo ako? Kumbinsihin mo siyang balikan niya ako," nagmamakaawang turan ni ate Cassie sa akin habang hawak niyang mahigpit ang dalawa kong kamay. She looks so hopeless and desperate right now.

" Ate," tanging nasambit ko sapagkat naawa ako sa kaniyang kalagayan ngayon.

" Hindi ko kaya na wala siya. Ikamamatay ko kapag nawala siya sa akin ng tuluyan," Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni ate Cassie. Kahit mga salita lamang ito ay matinding takot na ang nadama ko. Hindi ko ata kakayanin kung may mangyari masama ulit kay ate Cassie.

Niyakap ko na lamang siyang muli at lihim akong napabuntong hininga.

' Patawarin mo ako pero mahal ko siya. Kailangan kong gawin ang alam kong tama' bulong ko sa hangin. Sinigurado ko na hindi ako narinig ni ate Cassie.

Nang kumalma si ate Cassie ay sinamahan ko siya sa kwarto niya upang makapagpahinga. Pagkatapos kong masiguro na ayos na siya ay bumalik na rin ako sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at ide-nial ang number niya.

" Let's talk,"

ITUTULOY!

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon