KABANATA 14: MR. AND MS. BEU

50 5 0
                                    


ALEXA'S POV

Almost three weeks na rin ang nakakalipas mula ng nangyari ang deep conversation namin ni Ken sa bahay. Wala namang so much special ang nangyari sa akin ng mga nakaraang linggo. Acads is life. Kami ni Ken?Ayun araw araw pa rin nya akong pinapakilig este binubwesit and busy din siya sa mga training. I admit na mas naging close kami this past weeks as I know him more and I think ----

" Ouch" daing ko

Lumingon naman ako sa taong walanghong pumitik sa akin at sinamaan siya ng tingin.

" Yan ang napapala nang di nakikinig sa klase. " sabi niya

" Bakit na naman kasi? " asik ko sa kaniya

Di na lang sya sumagot at nginoso yung harapan . Napalingon ako na pinagsisihan ko dahil nakita ko si ma'am umuusok na yung ilong. Yari ka ngayon Alexa, daydream pa! Pagalit ko sa sarili ko

" Miss Alcantara, did you understand our lesson? " seryosong tanong ni Ma'am

Teka naglesson ba siya? Aish alexa, di ka kasi nakikinig. Dahil wala akong choice at nag advance reading naman ako kaya confident akong humarap kay ma'am,

" Yes Ma'am. " I replied

Nakita ko namang tumuwa ang mga kaklase ko at si Caleb na pinipigilan din ang tawa kaya hinampas naman siya ni Rhea. Habang ang katabi ko naman ay umiiling sa gilid.

" Oh I see Ms.Alcantara, mukha ngang nasa ibang mundo ka dahil di ka naman talaga nakikinig. For your information Ms., we are not discussing yet. " masungit na wika ni Ma'am

" Sorry po. " I said ng nakayuko. Ohemgee ano naman bang kahihiyan yung ginawa mo Alexa.

" Dahil di ka naman nakikinig sa discussion natin, you will be our candidate sa Ms. BEU. " seryosong sambit ni Ma'am na nagpalaki nang mata ko

" But Ma'am ---- " wika ko na may pangprostetang tono

" No more buts Miss Alcantara, that is your consequence for not paying attention. " mataray na wika ni Ma'am

Nanlumo akong yumuko. Waaaaah, I hate wearing dress nor gowns, maybe I used to love it but not anymore. Napabalik naman ang atensyon ko sa harap ng muling magsalita si Ma'am

" And, Mr. Valenzuela, since you and Ms. Alcantara is in a relationship, mas maganda na ikaw na lang ang magkapareha niya. Unless busy ka sa basketball team, pwede kang palitan. "

" No Ma'am, it is okay po. Di naman ako papayah na sa iba papareha ang girlfriend ko. " nakangiting turan ni Ken mat Ma'am

Dahil sa sinabi ni Ken ay napahiyaw naman ang mga kaklase ko sa kilig.

" Mga kabataan talaga, fine. Do your best the both of you. Class dismissed. " pagkasabi nun ni Ma'am ay umalis na siya

Nagsimula na ding magsilabas ang mga kaklase ko, lunch break na din kasi. Tumayo na rin sina Caleb, Rhea at Ken, habang ako ay patuloy pa ding nagluluksa.

" Let us have lunch already. " pang aaya ni Ken

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pahamak din tong lalaking ito eh.

" What? Ano na naman ginawa ko sa iyo? " tanong niya

" Bakit ka naman pumayag kay Ma'am? " mangiyak ngiyak kong turan

" What? I think it is interesting saka I just save you. Kung di tayo pumayag baka bumagsak sa klase niya. Alam mo naman na terror yun. " paliwanag niya

" Interesting mo mukha mo! " inis kong asik sa kaniya

BLIND DATE | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon